Chapter 12: BL Series

203 18 2
                                    

Leo's POV

*Alarm ringing*

Agad akong tumayo sa kama at kahit papaano magaan yung pakiramdam ko. Pagdating ko dito sa bahay kagabi, sinilip ko lang si Papa sa kwarto nya at umakyat na'ko para matulog.

Chineck ko yung phone ko ulit, andaming missed call ni Nathan pati texts.

Agad ko syang tinawagan at pagsagot nya.

Me: 'Hello Nathan? Bakit andami mong missed calls at texts?'

Nathan: 'Sana kasi nagtext ka muna bago ka natulog, diko alam kung safe ka bang naka uwi o may nangyari na sa'yo.'

Me: 'Sorry sorry pero I told you hindi mo'ko kailangang alalahanin.'

Nathan: 'Tss! Kumain kana dyan magtext ka pag papunta ka na ng school. Bye'

*end call*

Anong problema nito? Bakit biglang astang weirdo nanaman.

Pagbaba ko nakaamoy ako ng sobrang bango, nagutom ako. Nakita ko si Papa sya yung nagluluto.

"Pa?" bungad ko.

"Oh Leo! Hali ka na kumain na tayo tawagin mo na rin yung mga kapatid mo malapit na 'tong matapos." Mukhang good mood si Papa ah.

"Pababa na rin naman sila nyan, gutom na'ko eh." Umupo na'ko sa mesa at kumuha na ng pagkain.

"Anak bakit andami mong dalang snacks kagabi?" tanong ni Papa.

"Ah bigay po ni Nathan, Sa'ming magbabarkada kami ni Nathan na lang yung laging magkasama eh, binili nya yung pag nanood kami ng Netlix dito."

"Ahhh! Osige tinabi ko lang dito ah."

"Pa?" kambal nga'to, sabay pa silang nagsalita eh pero si Lily lang ang tumakbo para yakapin si Papa.

Tinignan ko naman si Louie at mukhang puyat nanaman. "Bakit ganyan itsura mo?" tanong ko kay Louie.

"Ah wala gumawa kasi kami ng project kina Pia pero umuwi din ako agad kasi ayokong magstay dun." Sagot nya. Mukha naman syang puyat eh, namamaga yung mata nya.

Umupo na kaming lahat at nagsalita bigla si Papa.

"Alam kong medyo nagtataka kayo kasi isang araw din ata akong hindi lumabas kahapon." Sumeryoso yung usapan bigla. "Totoo pa rin na maghihiwalay na kami ng mama nyo, pero naisip ko na, pwedeng mangyari na yung asawa ko aymagiging Ex-Wife pero hindi pwedeng magbago na anak ko kayo at mahal na mahal ko kayo, hindi pwedeng pati kayo nadadamay, mahal ko sayo."

Niyakap naming tatlo si Papa at oo, umiiyak nanaman ako pero this time, dahil na sa tuwa.

***

Pagpasok ko sa school tinext ko kaagad si Nathan, mahirap na kasi baka magalit pa sya. Naglalakad na'ko papunta ng room at may bigla nanamang yumakap sa'kin. Sino pa bang yayakap sa'kin ng pabigla bigla?

"Nathan! Bitawan mo-" Paglingon ko, mali pala. Hindi pala si Nathan kundi si Prince.

"Nathan Nathan ka dyan! Ikaw ah naging busy lang ako ng ilang araw may hindi na agad ako alam?" pang aasar nya.

"Tanga! May deal kasi kami na kapag nalungkot ako, either yayakapin ko sya o sya yung yayakap sa'kin."

"How sweet!" Sabi ba naman ni Gago. "Joke lang! Anyways sorry kasi lately talagang hindi ako available."

"Okay lang! Naiintindihan ko namang may sarili kang buhay at hindi kailangan na lagi nyo'kong isipin." Nagsmile ako sa kanya at-

Nakita ko si Nathan na papalapit dito. Shit napaka gwapo talaga ay wait! No!!! erase! Erase!

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon