Chapter 45: Baguio

106 18 0
                                    

Leo's POV








"Tayo na dyan!" sigaw ni Diane.

Humiga sya sa tabi ko. Pag mulat pa lang ng mata ko ay nagtake na sya ng selfie.

"Wag mo na munang isipin ang stalker kasi mag eenjoy tayo today!"

Nagtataka ako anong ibig nyang sabihin?

"Bakit? Bakit naging nakaka enjoy ang photoshoot ha?" tanong ko.

"Yep! Hindi naman talaga nakaka enjoy ang photoshoot..." Nag isip sya. "Unless..... sa Baguio ito magaganap!"

"OMG! Seryoso?" tanong ko.

Shit! Kaya pala ang aga aga nya'kong ginising, alas dos palang ng madaling araw eh.

"Teka nga Pwede ba kayong sumama?" tanong ko sa kanila. "Kayo nila Pat? Kasi hindi kayo papayagan ng council."

"Unless......" Taena pinayagan sila????. "Payag ka ba na mag photoshoot ng walang make up artist?" tanong ni Diane.

Napailing na lang ako kasi nakahanap talaga sila ng paraan para makasama.

Nag ayos na'ko ng gamit ko.

"Guys double time oh! Kanina pa kami ready ni Pat diba?"

Grabe lang. Nauna pa silang mag ayos ng gamit kaysa sa'kin.

Naghilamos ako at kumuha ng hoodie, I love wearing hoodies haha. Nakaka comfort lalo na kapag malamig.

Hindi ako gaanong nagdala ng damit, kasi CSC ang magp provide ng susuutin namin.

"Guys! Alam nyo ba ang chismis!" bulong ni Pat. "I'm expecting na dahil mas pinaaga ang concert ay wala na masyadong manonood......"

Lumunok muna si Pat bago nagsalita.

"Guess what! Change venue pa tayo dahil sa sobrang dami ng bumili... "

"at dahil yon sa scandal?" tanong ni Alex.

Natawa lang ako.

"Ewan ko ah! Pero pwede ding dahil sa dalawa pang candidate, maliban kay Nathan at Leo, na nahuling naghahalikan sa daan."

"Sino???!" sabay sabay nanaman ang lahat.

Tumingin kami kay Alex.

At bakas na sa mukha ni Alex na guilty sya.

"Okay okay! Si Joshua ang humalik sa'kin okay? Hindi ako."

Lumapit agad si Pat at Diane kay Alex. "Siraulo ka!" sinampal sya ni Diane ng mahina.

"Gago ka eh!" sampal nanaman galing kay Pat.

"Bakit hindi ka nagkukwento OMG!" sabi ni Diane.

"Ano? Nagsex ba kayo after non?" tanong naman ni Pat.

"Nag condom ba kayo?" Tanong ulit ni Diane. "May video?" Bulong nya HAHAHAHA.

Mga siraulo talaga haha.

Tawa kami ng tawa sakanila.

Mga Shippers.

Ganyan na ganyan din sila ka excited dati sa'min ni Nathan.

"Okay na yan! Tama na yan!" sabi ni Yaya.

Buti na lang maagang nagpunta si Yaya dito.

"Okay so dadaan ang bus dito sa harap ng bahay nyo..." sabi ni Pat. "Nakausap ko na si Andrea, and okay lang nga daw, tapos mukhang alam na nila Ethan at Pia, sasama din sila para sa pagtake ng pictures."

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon