Chapter 28: Ex-Girlfriend

131 15 1
                                    

Leo's POV





Hinanda ko na kaagad yung mga gamit ko. Hindi ko rin kinalimutan yung pang swimming syempre.

Sa school na lang siguro ako kakain ng almusal. Wala ako sa mood na kausapin si Papa.

Pagbaba ko pa lang ng hagdan ay narinig ko na sila sa kusina.

Diretso lang yung lakad ko at hindi ko sila tinignan.

"Leo!" Napatigil ako sandali nung tawagin ako ni Papa. "Mag almusal ka muna"

"Busog pa'ko at marami kaming gagawin sa school ngayon kaya mauna na'ko."

Lumabas na'ko kaagad ng bahay.

Ilang sandali lang ay may dumaan na ambulansya.

Sinundan ko ito ng tingin at huminto sa harap ng bahay nila Diane. 

Pero sa may kabilang daan ay nakita ko si Prince.

"Prince!" Agad ko syang nilapitan.

"Oh Leo!" sagot naman nya kaagad.

Medyo nagbabago na yung itsura nya. Parang laging mukhang pagod.

"Sabay na tayong pumasok!"

"Okay lang pero lalakad lang tayo haha, pinapagawa pa kasi yung kotse eh."

Naglakad na kami kaagad kasi baka malate pa kami.

"Ahm.. Prince!" tumingin sya kaagad sa'kin. "Bakit ka nga pala absent kahapon?"

"Ahh! May mga emergencies lang. Bakit mo naman naitanong?" Umiwas sya bigla ng tingin.

"Wala wala! Alam mo ba nanalo kahapon ang Silvester's University laban sa Adamson. Though it was just a practice game, still maganda pa rin yung laban."

Ang daldal ko na pala. Nakakamiss lang din kasing makipagkwentuhan kay Prince.

"Yung huling shoot ni Nathan naku! Kung hindi nya yung na-shoot malamang talon a sila. Anggaling talaga niya. Imagine na injure pa sya alam ko! Tapos nanalo pa sila."

Napatingin ako kay Prince at medyo natawa sya.

"Bakit ka tumatawa? Dika naniniwala? Seryoso yun! Dika kasi nanood eh." Dagdag ko.

"Haha ang daldal mo talaga! Naniniwala naman ako." Medyo natawa ako kasi ang daldal ko nga hahaha. "Alam mo bakit ako natawa?"

Napatigil lang ako sandali at tinignan ko sya.

"Bukambibig mo na si Nathan!" dagdag nya at naglakad na sya ng diretso habang medyo napatulala ako.

Ilang sandali pa ay sumunod na'ko sakanya at malapit na rin pala kami sa school, hindi na namin namalayan.

Bago pa man lumipat ay natanaw na namin si Thomas. Nakatingin lang sya sa'kin.

"Oo nga pala narinig ko yung nangyari about sainyo ni Thomas." Sabi nya.

"Ahh. Alam mo ba medyo naaawa  nga ako sa kanya kasi nasira yung buhay nya simula nung nagka-feelings sya para sa'kin. Imagine nakabuntis pa sya ng inosenteng babae ng hindi nya sinasadya."

"Anong nakakaawa doon? Masyado syang nagpadala sa nararamdaman nya. Kasalanan nya kung bakit sira na yung buhay nya!." Yung tono ni Prince biglang nag iba.

Shit! Napaka insensitive ko talaga. Sa'ming tatlo nga pala, si Prince ang may pinaka malaking pagmamahal para kay Grace.

"Relax Prince." Pumasok na kami ng gate at dumeretso na sa room. "Wag mo na masyadong isipin okay?" Umupo na sya sa upuan nya at bago naman ako umupo ay may binulong ako sa kanya.

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon