Chapter 13: First Kiss

187 20 0
                                    

Leo's POV

Kakatapos lang ng last subject namin, inaayos na namin yung gamit at uuwi na kami. Paglabas ko ng pinto nakita kong medyo namamaga yung mata nya kaya nilapitan ko sya kaagad.

"Are you okay?" tanong ko sa kanya. Sa Pagkawala ni Grace sa school? At pagiging busy naman ni Prince, may nagbago din kay Diane alam ko. "Pwede mo namang sabihin sa'kin kahit ano eh."

Agad syang umiwas ng tingin. "Wala to Leo!" sagot nya. "Marami lang akong iniisip lately." Dagdag pa nya at umalis na sya kaagad.

Balak ko ng sumunod kay Diane ng may biglang humablot sa'kin.

"San ka pupunta? Diba may practice tayo ngayon?"

Oo nga pala may practice pa kami ni Nathan ngayon. "Nawala lang sa isip ko, napagpaalam mo na ba na gagamitin natin yung pool dito?" tanong ko sa kanya.

"Nope!" ang lakas ng loob magtanong hindi pa pala nagpaalam.

"Sus! Saan tayo mag p-practice sige nga?" nakakainis.

"Sa amin, kaya kung tapos ka ng dumaldal dyan, aalis na tayo." sabay pamatay nyang ngiti.

***

"Sir Nathan? Wala na po ba tayong dadaanan?" Tanong nung driver ni Nathan. Nagpasundo kasi si Nathan sa driver nya dahil sira yata yung motor nya.

Habang nasa byahe biglang tumugtog yung 'You by Carpenters' dito sa kotse.. Favorite ko lahat ng kanta ng Carpenters eh.

You are the one that makes me happy.

Sinabayan ko naman kaagad yung kanta at napatingin kaagad si Nathan sa'kin. Dito kami nakaupo sa likod kaming dalawa.

"Gusto mo yan?" tanong sa'kin ni Nathan.

"Oo naman basta Carpenters gusto ko." Sagot ko. "Laging pinapatugtog ni Mama 'to mula bata pa'ko."

Bigla ko tuloy namiss si Mama kamusta kaya sya? Malungkot kaya sya? Sinong nag aalaga sakanya kapag nagkakasakit sya?

Habang tinatanong ko 'tong mga 'to sa isip ko bigla naman akong nakaramdam ng yakap. Nagulat ako. "Nathan? Bitawan mo'ko di naman ako malungkot eh."

"Halata nga sa mukha mo." Sagot nya sabay bitaw sa pagkakayakap. "Huwag mo ng masyadong isipin okay? Relax ka lang I know you're mom's doing fine. Smile kana."

There's something inside me na sobrang naaepktuhan nung sinabi nya yung mga salitang yan. Ang sarap sa feeling. Nakakagaan. Imagine may isang taong sobrang concern sa'yo. Yeah bestfriend ko si Diane pero hindi sya ganito ka concern. Mabait din naman si Prince pero lately busy sya and naiintindihan ko naman 'yon.

It's just that ang tagal na rin pala nung last kong naramdaman na may taong concern sa'kin.

"Salamat Nathan!" sabay ngiti ko sa kanya. "Thankful ako na nakilala kita."

At hindi ko inaasahan nag blush si tanga. "Wala yun Leo!" sagot nya.

"Bakit ka muna nag b-blush?" pang aasar ko sa kanya haha.

"Tanga anong blush?" sagot naman nya.

"Andito na po tayo." Biglang singit ng driver at mabilis na bumaba si Nathan. Anong problema nun? Haha

Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa gate nila, tumambad na kaagad yung maganda nilang bahay. Ngayon na lang din kasi ako nakapunta dito eh.

Naglakad kami papasok sa pinto at pagbukas ng pinto, bumungad ang malaking chandelier. At ang ganda talaga ng bahay nila as in. Grabe talaga yung yaman nitong pamilya neto.

Naglakad pa kami sa loob at nakita ko sa may gilid yung pool nila. "Dito tayo nyan diba? Iiwan ko na yung gamit ko malapit dito." Bababa kona sana yung bag ko ng sumagot bigla si Nathan.

"Nope Leo! Hindi tayo dyan! Hindi pa yan nalilinis." Wait! Mahigit isa yung pool nila? OMG hindi ko talaga kinakaya yung yaman nila. "We need some privacy kaya dun tayo sa isa." Kinindatan ako ng siraulo, anong ibig sabihin nun? Baliw talaga to.

Naglakad pa kami ng konti at nakarating na kami sa pool area nila na covered, as in parang yung pool sa school anglaki at angganda. Diko na mabilang kung nakailang "as in" na'ko haha.

"Nagugutom ka ba?" tanong naman ni Nathan kaagad. "Pahinga muna tayo upo ka muna. Kukuha kita ng makakain." WOW hindi pa nga ako sumasagot eh.

Umupo muna ako dito sa bench sa may pool. Bigla kong naalala yung sinabi nya nung isang gabi. Bakit nya sinabing mahal nya'ko?

Nung gabing nasa tambayan kami at umiiyak ako dahil kay Grace, alam ko may nabanggit syang mahal nya'ko.

"Hi Leo!" nagulat ako.

"Ang bilis mo naman?" tanong ko kaagad sa kanya.

"Si Yaya na lang daw magdadala." Sabi nya. Tapos umupo sya sa tabi ko. Naisip ko bakit hindi ko kaya sya tanungin ngayon?

"Nathan may itatanong ako sa'yo." Agad ng lumabas yang mga salitang yan sa bibig ko eh.

"Ano yun?" kita ko sa mukha nya yung pagtataka.

"Naaalala mo ba nung pinuntahan mo'ko sa tambayan? May nasabi ka kasi nun eh." Halata sa mukha nya na may iniiwasan sya. "Anong ibig mong sabihin nung sinabi mong mahal mo'ko? I mean alam ko naman as a friend yun pero maganda kasing nanggaling sa'yo eh." Dugtong ko.

Matagal bago sya nagsalita ulit. "oo naman" at nakita ko medyo nalungkot sya.

Lumapit ako sa kanya at niyakap ko sya. "Mahal din kita Nathan! Ang swerte ko kasi nagkaroon ako ng kaibigan na katulad mo."

Hinigpitan ko pa lalo yung yakap ko sa kanya. "Smile kana!!!" Sigaw ko sa kanya pero ayaw pa rin nyang tumawa. "Ah Ayaw!" kiniliti ko sya kaagad kasi alam ko yung kiliti nya. Hindi ako nagkamali, sa kilikili pa rin yung kiliti nya.

"Tumigil ka Leo!" habang tumatawa sya ng tumatawa at pinipigilan nya'ko sa pagkiliti haha. "Stop! Naka smile na nga ako eh oh! Oh!" HAHAHAHa tawa pa rin sya ng tawa.

"Sabi ko ng stop!!!" Sinigaw nya habang tumatawa ng bigla syang gumanti sa'kin. Tawa kami ng tawa hanggang sa tumayo na kami at diko namamalayan malapit na kami sa pool. Habang papalapit kami ng pool pilit pa ring nangingiliti si Nathan kaya dumulas na yung paa ko at pareho kami nalaglag.

6ft na pala 'tong binagsakan namin at diko maabot yung sahig. Hindi ako nakabwelo kaya napapatalon talon ako. Hinawakan naman ako kaagad ni Nathan at hinila ako papunta sa kanya. Hawak nya'ko sa balikat ko habang magkalapit yung mukha namin.

Magkatitigan kami ng ilang Segundo kaya napansin ko talaga yung lahat ng detalye ng mukha nya. Angganda ng features ng mukha nya.

At habang tinititigan ko sya bigla na lang dumikit yung labi ni Nathan sa labi ko. Hindi ko alam kung bakit pero lumapit na lang bigla yung mukha nya papunta sa'kin.

Shit! Nagkiss kami?

****

Author's note:
I hope nagustuhan ninyo ang chapter na'to.
Comment lang if may suggestions.

Banner photo is from Pinterest
https://pin.it/3125uu9

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon