Chapter 48: Who did it?

113 15 2
                                    

Leo's POV











"Cut!"

Pagkatapos bumitaw ni Nathan sa halik ay unti unti kong narinig ang sigawan nila.

"Good take!"

Kahit masakit yung paa ko ay tumakbo ako pababa.

Bakit nya ba ginagawa 'to?

Mahal nya ba talaga ako? I mean kung oo, paano si Abigail?

Ano na lang ang sasabihin nya sa nangyari?

Nagkunwari lang naman ako na Mahal ko sya para gumaan yung pakiramdam ko at maayos namin ang shoot.

Pero teka? Pag kukunwari nga ba talaga?

Nagkukunwari ka nga ba talaga Leo??

Hanggang kailan ko pa ba lolokohin yung sarili ko???

HANGGANG KAILAN KO PA BA SASABIHIN SA SARILI KO NA HINDI KO SYA MAHAL...

Pero sa totoo lang...

MAHAL KO TALAGA SYA EH.

Kaya ako nasasaktan kapag kasama nya si Abigail.

Kaya hindi ko magawang bigyan ng pagkakataon si Kyle ay dahil mahal ko nga sya...

Hindi ko lang matanggap kasi hindi pwede..

Hindi pwede kasi may girlfriend sya

At hindi pwede dahil pinagbawalan ka ng papa mo Leo!!!

BAKIT BA KASI MAHAL KITA NATHAN?

Kahit na ika ika ako maglakad ay nakababa ako agad.

Hingal na hingal na'ko at medyo sumakit yung paa ko kaya tumigil muna ako.

Paglingon ko ay nakasunod pala si Kyle.

"Bakit ka umiiyak?" tanong nya. At tinitigan ko lang muna sya.....

Huminga sya ng malalim.

"Umiiyak ka kasi mahal mo ?"

Niyakap nya lang ako at umiyak ako sa kanya.

Bakit ba kasi kung ano pa yung bawal ay yun pa ang nararamdaman ko..

Habang patuloy lang sa pag luha ang mata ko ay nakarinig kami ng palakpak..

Out of nowhere ay nakarinig ako ng familiar na boses.

"Well well, matalino ka talaga Leo."

Pareho kaming nagulat ni Kyle nang maaninag namin ang mukha ni 2J.

"Anong ginagawa mo dito 2J?" tanong ni Kyle.

Nagbago yung facial expression nya from smile ay tumulo yung luha pero hindi dahil sa lungkot..

"HINDI MO NA MAKUKUHA SI NATHAN KAYA SI KYLE ANG NILALANDI MO HA?" sigaw ni 2J.

At saktong bumaba  ang lahat mula sa rooftop.

Lalapit na sana si 2J sa'kin kaso inawat sya ng mga officers.

"Ayan! Maganda ngang nandito kayong lahat!!!" sigaw nya. "Tutal malandi ka talagang Leo ka, at no choice kana kaya si Kyle na ang pinupuntirya mo, gusto ko lang sabihin na wag kang masyadong magpakampante.."

Tumawa sya ng malakas. Tangina ni 2J ano nanaman tong ginagawa nya.

"Walang namamagitan sa'min ni Kyle, 2J." sabi ko.

"Well I can totally agree with that." Pagtapos ay tumawa nanaman sya. "Wala talagang mamamagitan, dahil ginamit ka lang naman ni Kyle para makaganti kay Thomas at pagselosin ako.. Yun lang yon!"

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon