Chapter 8: Move on

192 21 2
                                    

Leo's POV


"Hoy! Leo anong ginagawa mo?"

Biglang naalis lahat ng antok sa katwan ko nang marinig ko yung boses ni Nathan.

"Bakit mo hinahawakan yung t*ti ko?"

Natigilan ako ng konti at sinilip sa ilalim ng kumot kung ano yung hawak ko.

At PUTANGINA "AHHHH!!!!! BAKIT KA NAKAHUBAD?"

PUTANGINA NAHAWAKAN KO YUNG T*** NI NATHAN.

Sumigaw ako ng sobrang lakas. "AAAAAAHHH"

"Bakit ka sumisigaw??!!!" Tumayo sya sa kama at tumayo na din ako at narealize kong naka boxer lang akoo.

"Hoy! Hindi ako nakahubad! Naka boxer ako" sabi ni Nathan.

"Teka! Bakit ka! Anong! Sinong! Saan!" Puta, Bakit ba kasi nandito tong lalaking to?

"Bakit parang ikaw pa yung galit? Ha? Leo?" tanong naman netong si Gago na parang ako pa yung sinisisi. "Sino bang humawak ng-" Hindi ko sya pinatapos at tinakpan ko yung bibig nya.

"Shshhh!!" Sobrang stress putaaaaa. "Ah Eh teka bakit ka ba nakahubad?" tanong ko ng pasigaw.

"Ewan ko!, naaalala ko na lang sumasayaw pa'ko sa sal-"

Biglang bumukas yung pinto ng CR ko. At sa sobrang gulat napahawak ako sa braso ni Nathan.

"Bakit kayo nagsisigawan??"

"ETHAN???" sabay naming sinigaw ni Nathan.

"Ang cute nyo naman!" Sabay take ng picture ni Ethan. Tapos agad kong inalis yung pagkakahawak ko sa braso.

"Gago ka bakit mo kami pinicture-" Hindi nako pinatapos ni Ethan.

"Bago ka magalit, magprepare na muna kayo at may pasok pa tayo, Kuya don't worry, may banyo pa sa baba at yung uniform mo nandyan na, pinadala ko sa bagong yaya natin."

Pumasok na lang ako diretso sa CR. Narinig kong bumaba na sila.

Puta bakit???? Oh my God!!! Bakittt????

Sobrang hindi ko kinakaya ang mga pangyayari..........

***

Pagtapos kong maligo at magbuhas, agad na'kong lumabas ng kwarto.

Pababa na'ko ng hagdan at wala akong pakialam sa oras, nagsuot ako ng shades at hoodie. My Hangover look. Haha

Nakauniform na din sila Ethan at Nathan.

"Kuya sabay kana sa'min susunduin na kami dito nila Manong Poro tapos ihahatid kami sa school." Sabi ni Ethan.

Tatanggi sana ako kaso chineck ko yung oras. 7:10 na pala, eh 30 minutes binabyahe ko pag commute.

"Okay sige!"

*horn honking*

Sumakay na kami kaagad at nilock kona yung bahay, maya maya lang uuwi na si Papa eh.

Pagsakay ko sa likod nakaupo na si Nathan, naka shades din habang naka earphone.

***

Ilang minuto lang nakarating na kami sa school. Buong byahe hindi ako kinakausap ni Nathan. Mukhang galit pa rin sya dahil sa pagsigaw ko kagabi sa kanya sa kusina pati sa paghawak ko ng, AAAAHHH basta.

Pagbaba namin ng sasakyan, mabilisang naglakad si Nathan papasok ng school.

"Manong thank you po!" sabi ko kay Manong Poro tapos ay lumakad na din ako papasok.

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon