Chapter 3: Thomas

313 23 2
                                    

Leo's POV

It's been 3 months simula nung ginago ako ni Grace. And also ni Tom. Sariwang sariwa pa sa'kin yung mga ala ala.

Tatlo kaming mag babarkada nila Thomas at Prince. Kasi since Grade school, magkakaklase na kami. We've been through a lot. Nasabak na rin sa iba't ibang pag subok pero hindi ko talaga aakalaing kayang gawin ni Thomas yun.

Junior High School kami non. Maayos naman yung pagsasama namin, hanggang sa umeksena si Mary Grace.

"Hi Leonardo!" Di ko alam pero ang sexy pakinggan sabi ko sa isip ko 'pwede!'

Mary Grace likes me at hindi rin nagtagal nagustuhan ko din sya, pero since underage, hindi pa sya pwedeng magkaboyfriend, pero dahil mahal namin ang isa't isa naging kami pa rin, ng hindi namin sinasabi sa kahit na sino, kahit pa kina Thomas at Prince.

Unfortunately, Nagustuhan din ni Prince si Mary Grace. Sumubok syang manligaw pero syempre binusted sya ni Grace at ang tanging dahilan na sinasabi nya ay, bata pa sya, kaya nag pumilit pa rin si Prince. Ginawa ni Prince ang lahat para lang makapag papansin kay Grace habang wala kaming magawa at hinayaan na lang namin.

Tumagal ng tumagal, wala pa ring nakakaalam ng relasyon naming ni Grace. Dumating si Gino sa buhay ko.

He's gay, and he likes me. He's been stalking me for like, 3 weeks. hanggang sa isang araw, makikipagkita dapat ako kina Thomas at Prince, kaso naunang dumating si Gino, umiiyak, mukhang miserable.

"Bakit ba kasi hindi mo'ko mabigyan ng isang chance? HA? Leo! Sumagot ka!" sabi ni Gino.

At yun yung gabing hindi kona napigilan yung sarili ko. That was February 3, 2019. Nag umpisang masira yung buhay ko.

"Kasi hindi ako pumapatol sa kapareho kong kasarian at may girlfriend na'ko, naiintindihan mo?!" sagot ko ng pasigaw.

"Sino? Hindi ako aalis hanggat hindi mo sinasabi kung sino!" sagot nya ng may pagbabanta.

"Si Mary Grace!" ilang Segundo lang nung pagkasabi ko, nakita ko si Thomas at Prince.

Galit na galit si Prince sa'kin dahil pakiramdam nya nagmukha syang tanga kakahabol kay Grace.

SI Thomas naman nagalit din at umalis na lang bigla.

Hindi ko naman din sila masisisi, naglihim ako eh.

AKo na lang ang natira dito sa tambayan, kasama ang isang bouqet ng roses na malamang, galling kay Gino.

Pupulutin ko na sana yung bulaklak kaso umulan ng malakas at naisip ko na basura na lang yon!.

-------

"Magaling Leonardo!"

Nagising ako sa ingay ng bell pati na rin sa pesteng si Prince.

Napanaginipan ko nanaman pala yung nangyari.

"Nakahanap ka nanaman ng lugar na pwede mong pagtu-" Natigilan sya habang nakatingin sa'kin.

"Bakit namamaga nanaman 'yang mata mo?" Umupo sya sa tabi ko, at alam kong hindi naman ako makakapag sinungaling sa kanya.

"Hindi ko alam Prince!. Bakit hanggang ngayon nasasaktan pa rin ako kapag nakikita ko si Grace!" Hindi ko na napigilan at naiyak ako. Niyakap naman ako ni Prince. Napaka swerte ko na may kaibigan akong katulad ni Prince.

"Alam mo Leo! Mag aapat na buwan na rin nung naghiwalay kayo ni Grace ng dahil kay Tom. Maybe it's time to look at different angles now. What I'm tryin to say dude is, buksan mo na yung sarili mo para sa iba." Nakikita ko 'yung sinseridad sa mata nya.

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon