Chapter 59: There's more

78 11 2
                                    

Leo's POV








*alarm ringing*

"Ugh!!" yung tunog ng alarm ay talagang iba na ang dating sa'kin ngayon.

Everything feels different now and of course we still have to go to school.

Kahit na ayoko pa at alam kong di ako handa kailangan ko.

"HAayyysss umagang umaga ang lalim ng iniisip ng asawa kong praning!!"

Muntik ko ng makalimutan na dito pala natulog si Nathan.

"Halika nga dito" hinila nya'ko papalapit sakanya.

Yakap naman sya kaagad sakin eh haha.

"Kilig ka naman kaagad sa'kin eh." Nagulat ako napapalakas na talaga pagbulong ko kainis.

"Mag ready na tayo oy! May pasok ngayon baka nakakalimutan mo."

Hinila nya'ko at hiniga sa kama pagkatapos ay linapit nya yung mukha nya sa tenga ko habang naka patong sya sa katawan ko.

"Iba muna yung gusto kong pasukan eh." At tumingin sya diretso sa mga mata ko.

Grabe yung tibok ng puso ko sobrang lakas. Umakyat naman din kaagad yung init sa mukha ko.

Hindi ako makapagsalita. WTF anong nangyari sa'kin?

Hinalikan ako ni Nathan at hindi naman ako nakaiwas kasi somehow there's something in me na gustong gusto tong pakiramdam.

Hinalikan ko rin sya pabalik at naramdaman ko yung dila nya.

Wait! Are we really gonna do it? Hinubad nya yung Tshirt na at bumungad sa'kin ang pawis na katawan nya.

Bakit parang nanghihina ako.

Tinulungan nya'kong alisin yung Tshirt ko at lumapit ulit sya. Hinalikan nya naman ako sa leeg pababa sa dibdib ko.

*knock knock*

Nagulat kami sa katok kaya agad kaming nag ayos ng itsura.

"Leo? Nathan? Baka malate na kayo sa school nyan." Sigaw ni Mama.

"Opo Ma! Bababa na!" sagot ko. Nang marinig kong nakababa na sya ay tumingin ako kay Nathan. "Muntik na tayo ikaw kasi!"

"Anong ako? Nakita ko kasing nagustuhan mo naman kaya tinuloy ko." Sabay kindat nya.

"Loko ka talaga!" Lumapit naman sya sa'kin. "Oh Teka! Bababa na tayo nyan. Wag mong sabihing itutuloy pa natin."

Niyakap nya'ko ng mahigpit sabay sabing "I'm sorry if sometimes hindi ko mapigilan yung sarili ko." Nag pout sya hehe ang cute naiinis ako. "pero lagi mong tatandaan na hindi kita pipilitin kung ayaw mo." Ngumiti siya at hinalikan ako sa noo.

Bago pa sya umalis ng kama ay hinila ko sya. "Gusto ko rin naman pero hindi pa'ko handa, and I hope you can wait."

Ki-niss ko na lang sya sa pisngi.

***

Pagtapos naming maligo at mag uniform ay bumaba na kami.

"Ayan kumain na kayo, dahil baka malate pa kayo sa school nyan."

Nahuli kong nag sesnyasan si Mama atsaka si Nathan. Parang may nireremind si Nathan na ewan kay Mama.

"Ha? Nathan? Gusto mo ng sinangag? Eto oh lalagay ko sa plato mo." Naglagay si Mama ng sinangag sa plato ni Nathan.

"Opo Ma sige po."

Bigla akong nabulunan.

Nanlaki bigla yung mata ko sa mga narinig ko.

"Ha??? MAMA?" Bumulong ako kay Nathan "Sinong may sabi sayong tawagin mo syang mama?"

"Ako Leo, nagrereklamo kaba?" Lumapit si Mama at umiling naman ako. Nagtawanan kami nila Nathan.

Biglang huminga ng malalim si Mama. "Ma?" tumingin sya sa'kin. "May problema ba?" tanong ko.

"Wala wala anak!" sagot nya ng mabilis sabay hawak sa kamay ko. "Gusto ko lang sabihin sa'yo na napaka bata mo pa para harapin lahat ng hinarap mo, kayong dalawa ni Nathan."

Hindi pa kasi namin napag uusapan ni Mama yung mga nangyari.

"I'm okay Ma, you don't have to worry about me. Tapos na andito na tayo, nangyari na." niyakap ako ni Mama. "It's a lot to take but I know everything happens for a reason."

"I don't really know if sinabi na ng Papa mo, pero totoong nagmahalan kami anak, kayong lahat na mga anak ko ay bunga ng pagmamahal." Tumulo yung luha sa mga mata nya. "Naramdaman ko yung pagmamahal ng Papa mo noon."

"Naramdaman kong totoo yung ngiti at saya na ibinigay nya sa'kin."

"Alam kong mahal nya'ko pero siguro, hindi kasing laki ng pagmamahal nya kay Jonathan."

"Oo nagalit ako sa kanya dahil akala ko hindi na nya kaya pang gawin na balikan sya, hindi lang tiwala ko sa kanya yung nasira no'n, pati tiwala sa sarili ko kasi hindi ko alam kung saan ako nagkulang."

"Pinigilan ko syang ipaglaban ang kaso ni Jonathan dahil sobrang mali na. napakalaking kasalanan ng ginawa nila pero nag pumilit sya.. Sinabi ko sa kanya na aalis ako dito sa bahay kapag tinulungan nya si Jonathan." And that explains why she left.

Hindi ko man talaga nahalata noon na merong nangyari, ganun sila kagaling magtago.

"Nag iba bigla ang tingin ko sa kanya magsimula nang makita nya ulit si Jonathan. Tila ba hindi na sya yung Larry na minahal ko dati.." Yumuko sya at umiwas ng tingin sa'min. "Ayoko ng madamay pa kayo kaya sinabi ko na lang na kailangan kong magtrabaho sa Maynila. Hindi ko kayang makakita ng isang taong walang konsensya sa ilalim ng iisang bubong. I'm sorry kung iniwan ko kayo."

"Naiintindihan kita Ma, and you don't need to apologize." Niyakap ko sya at pinakalma.











*******

Leo's POV











Iniisip ko pa rin ang mga sinabi ni Mama..

Anggrabe ng nangyari sa pamilya ko. Hindi ko pa rin sigurado kung kalian nga ba ako makakapag move forward.

Tumingin ako kay Nathan. "Nath-" at biglang nag ring yung phone nya.

"Sorry Leo wait lang I have to take this call."

Bigla kasi akong napaisip. If Papa and Tito Jonathan are already in prison.

May mali eh. Hindi pwedeng wala syang reaksyon about this. Hindi maaaring wala lang lahat ng nangyaring to sa kanya?

Hindi lang kasi si Mama ang pinagtaksilan dito.

Kung sa pagloloko ni Papa, si Mama ang nasaktan.. then sa pagloloko ni Tito Jonathan...

Teka nasaan nga ba si Uncle CJ?

Tumingin ako sa may sa bahay nila Nathan..

Nakita kong nakatayo si Uncle CJ sa labas at tila ba pinag mamasdan ako. May kausap sya sa cellphone.

Kinilabutan ako.

Tila ba nanigas yung mga paa ko.

Habang hindi maalis kay Uncle CJ ang tingin ko ay may biglang huminto na van sa harap ko.

"Sumama ka sa'min!!"

Hinila nila ako papasok sa van. Hindi ako makasigaw sa takot. Nanghina ako.

Hindi pa nga ba tapos?

Tinakpan nila ang mga mata ko at biglang nahirapan akong huminga pagpasok.

Bigla na lang dumilim at tumahimik ang paligid..


***
Author's Note
Don't forget to vote and leave your comment please.

Banner photo is from Pinterest

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon