Chapter 40: Hugs

123 20 1
                                    

Leo's POV








"So kung ganun? Edi HIV positive din si Grace?" tanong ni Alex.

"No! Hindi pwede okay? I mean I'm sure kasi unang una, bukod sa walang sintomas, ay lagi kaming nagpapa check." Sagot ni Prince.

"So it means... It's either, gawa gawa lang yan nung suspect or kailan lang nahawa si Thomas."

Hindi ko na alam kung bakit ba nangyayari ang lahat ng 'to?

Napapatanong na lang talaga ako kung deserve kopa ba'to?

Do I really deserve this shitness?

May nagawa ba'kong kasalanan para maranasan ang mga to?

Iniwan ko na muna sila at nagpunta dito sa may rooftop.

Mula dito sa taas ay kitang kita ko ang ganda ng mga ilaw.

Anggulo gulo lang..

Natatawa na lang ako kasi parang pang MMK na yung buhay ko.

Once upon a time may isang lalaking nag ngangalang Leonardo.  

May mga kaibigan sya.

Si Alex na lumipat ng school dahil sa homophobic na kaibigan naming si Thomas.

Si Thomas na nakasama ko simula grade school na binuntis yung girlfriend ko tapos hindi naman pala nya mahal, tapos ako pala ang gusto HAaayyy Ewan.

Si Prince na laging nandyan para sa'kin simula pagkabata... Kaso nagbago ang lahat nang akuin nya ang baby ni Grace na ex ko, na binuntis ni Thomas.. Haaayyy.

Si Diane na laging pumoprotekta sa'kin. Ang nakakatawa ay, sya yung babae pero ako yung pinoprotektahan nya.

Alam mo kung anong mas nakakatawa? Pinoprotektahan nya ako, mula sa sarili nya mismong kuya.

Which is si Darren

Si Darren na muntik na akong gahasin tapos malaman laman ko lang na HIV positive pala.

Potangina lang.

Nakakatawa ang mga major turn of events sa buhay ko.

Huminga ako ng malalim..

Bukod sa malapit ng masira ang pamilya namin, ay nararamdaman ko ring nagiging totoo na ang mga sinasabi ni Papa.

After ng mga problemang kinakaharap ko.. Alam kong pag uwi ko, may dalawang tao pa rin na nasa bingit ng paghihiwalay.

Wala man si Mama ngayon sa bahay, alam kong kapag umuwi na sya ay magkakasundo na silang tapusin ang kanilang relasyon.

Huminga na lang ako ulit ng malalim.

At ang isa pang malaking problema na pasan pasan ko..

Yun ang mainlove ako kay Nathan..

Pero hindi eh. Mali to eh.

Sa lahat ng iniisip ko.. Eto dapat yung pinaka hindi priority.....

Pero kahit anong pilit ko, eto pa rin kasi ang may pinaka malaking epekto sa puso ko.

"Leo?"

[Play Why Can't It Be - Kaye Cal Cover]

At syempre, malamang, sigurado namang dadating sya...

Tinignan ko lang sya at nagdesisyong umalis.

"Leo! Sandali." Hinawakan nya'ko sa braso.

"Ano ba Nathan! Kung gusto mo yung view, ayan tignan mo na! don't tell me kailangan mo pa ng kasama?" tinulak ko papalayo yung kamay nya.

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon