Prologue

832 32 5
                                    

"Hindi mo talaga mapipigilan kapag puso na ang nagdesisyon kung sinong mamahalin nito. Pagkatapos kong magmahal ng totoo sa isang babae ay hindi ko aakalaing mahuhulog ang loob ko sa kapwa ko lalaki. "

Leo's POV

Salita lang ako ng salita. Habang kausap si Diane. "Hindi ko inaasahang pwede pala"

"Wait lang Leo, magrelax ka nga." Sagot nya sakin.

Ikot ako ng ikot, hindi ko alam yung gagawin. "Diane !, hindi kona alam" Naiiyak na'ko.

"Umayos ka muna Leo, Sumandal ka dito." Pinaupo nya'ko sa isang desk dito sa RB room.

"Naaalala mo ba yung isang grade 11 student na sinigawan ko? Yung, yung gumagawa ng sikat na Story thread sa Twitter? "

"Oo oo, Leo, Oo, naaalala ko sya, sya yung sumikat dahil gumawa ng BL series tapos kinuha yung picture mo at ginamit don, and anong kinalaman non dito?"

Habang tumatagaktak yung pawis ko, habang sobrang kinakabahan.

Nagtanong si Diane. "Don't tell me, naging totoo yon? Nagkagusto kana rin sa lalaki- "

Hindi ko sya pinatapos kasi ayokong marinig yon. "Hindi pwede Diane! Hindi ako ganon !, at never akong magiging ganon. "

"Pero sagutin mo 'tong itatanong ko!!" Pasigaw na sinabi nya.

"Yung signs na binigay ko sa'yo anong resulta?"

Nagbigay sya ng signs na kapag nakita ko o napansin ko sa sarili ko, doon ko masasabing Bisexual ako.

"Sumagot ka Leo! Hindi naman masama if you're into guys . "

Huminga ako ng malalim. Sobra akong kinakabahan. Hindi ko na talaga alam kung anong mararamdaman ko.

"OO! Diane! Lumitaw lahat yung signs na binigay mo, Nainlove ako sa kapwa ko lalaki. " Bumuhos yung luha ko, at lumapit naman sya sakin para yakapin ako.

At bumubos lang lalo yung luha ko.

Ilang minuto lang ay nakarinig kami ng tumatakbo at pagbukas na pagbukas ng pinto. Si Prince dumating, hinihingal.

"Guys!" May tinuro syang button. And narealize ko, yung meaning nga pala ng RB room is, Radio Broadcasting room.

And yeah, yung button na tinuro ni Prince, ay ang dahilan kung bakit narinig ng buong Silvester University ang mga sinabi ko.

***
Banner Photo is from Pinterest
https://pin.it/5XWA3Jc

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon