Chapter 30: Swimming

135 14 2
                                    

Leo's POV

Matigas ka talaga ah. Hindi mo talaga ako papansinin ngayong araw?

Okay Fine!

"Hi Pinsan! Tara na!" Biglang dumating si Kyle at tinawag nya si Alex.

"Guys mauuna na'ko ah! Kita na lang tayo sa Pool mamaya."

Saan kaya pupunta tong dalawang to? At medyo mukhang kinakabahan si Alex. Parang seryoso.

Ilang minuto rin kaming nandito sa Foodcourt at naghihintay ng oras. Ang tagal kasi ng P.E. Class namin eh.

Halos 30 minutes na rin.

Tumingin naman ako kay Nathan, at nagbabasa sya ng libro, suot pa rin ang earphones nya.

Hindi sya tumingin at halatang iniiwasan nya pa rin ako.

"LQ kayo no?" tanong naman ni Pat.

"Ha? Anong LQ? Sira ka talaga."

Adik to ah. Pang jowa yung LQ alam ko.

Bigla namang sumagi sa isip ko na baka ako lang yung nag iisip na iniiwasan nya'ko, malay ko ba kung hindi naman talaga.

Baka dapat kausapin ko sya. Dapat ako yung lumapit.

Huminga muna ako ng malalim.

"Okay kami ni Nathan!" Yan ang sinabi ko para pansinin nya'ko. Pagkatapos ay tinignan ko si Nathan.  "Diba Nathan?" Pagtanong na pagtanong ko nun ay tumayo naman sya at umalis.

Tumawa ng malakas si Pat at nagtinginan lahat yung mga tao dito.

"Napahiya ka dun!!! HAHAHAHAHHA!"

Shit! Napahiya nga ako. Nainis tuloy ako. NAKAKAINIS!

Kung hindi sana nagtanong si Pat edi sana hindi ko yun gagawin.

Hindi sana ako mapapahiya dito.

Kinuha ko yng gamit ko at tumakbo ako palayo ng foodcourt. Nakakapikon.

Lumakad ako ng mas mabilis at hindi ko na tinitignan pa yung mga nakakasalubong ko.

Sa pagmamadali, ay may nabunggo akong babae, hindi kona sya pinansin pero nag sorry na lang ako.

Diretso lang akong naglakad hanggang sa nakasalubong ko si Alex at si Kyle.

"Leo!" Sigaw ni Alex.

Hindi ko sila pinansin dahil wala ako sa mood.

Gusto ko na lang muna mag isa.

At napatanong ako sa sarili ko bakit kaya ang bilis kong mainis lately?

Pero nakakainis talaga. HAAAYYYY!

Naupo na lang muna ako dito sa isang bench.

After 5 minutes magpapalit na'ko ng pang swimming.

Huminga ako ng malalim.

"Inhale, Exhale!"

"Relax Leo! Relax!" Pinagmasdan ko muna yung paligid ko.

Angganda pala nitong part na'to ng school.

Sobrang relaxing.

"Hi! Do you mind if I sit with you?"

Habang umookay yung pakiramdam ko, ay syempre may darating na panira ng araw.

"Anong ginagawa mo dito? Gusto mong umupo dito? Fine! Pero mag isa mo! Aalis na'ko!"

Nagulat sya sa mga sinabi ko. Inayos ko na yung gamit ko para makaalis na.

"Sandali! Sandali!" pinigilan nya'ko at umupo sa tabi ko. Hinawakan yung kamay ko pero hinila ko din. "Bakit parang galit ka? Bakit parang kasalanan ko?"

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon