Chapter 21: It's A Date

152 16 0
                                    

Leo's POV

Sabi ng utak ko hindi tama kung yayakapin ko sya ng yayakapin pero eto yung gusto ng puso ko.

Ang sarap sarap sa pakiramdam nung mga oras na yakap ko sya.

"Leo Kumain kana oh.. Dala ni Manang kanina.. sinigang.." Lumapit sa'kin si Nathan at inabot yung pagkain.

"Salamat Leo!" Agad ko namang kinain dahil gutom na gutom na rin ako....

Ang komportable ng pakiramdam ko ngayon... Sobrang saya at ang gaan gaan lang.

Ilang sandali lang ay tumayo ako at niligpit ko yung pinagkainan ko, napaisip ako kung paano nga pala ako nakapagpalit ng damit.

Tinignan ko yung suot ko at tinignan ko si Nathan. Tapos tinignan ko ulit yung suot ko at tinignan si Nathan.

"Oo ako nagpalit ng damit mo.. but don't worry, wala akong ginawa sa'yo" Pagsabi nya palang nyan nakahinga na ako kaagad ng maayos..

"Meron pala konti." Bigla akong nag init.

"Baliw ka anong ginawa mooo???" tanong ko naman sa kanya. Syempre medyo mag hysterical na'ko kasi wala akong kaalam alam..

Sinusubukan kong abutin yung leeg nya kasi ang sarap sakalin ng mokong na'to.

Pilit ko pa ring inaabot hanggang sa nahawakan na nya yung dalawang kamay ko at hiniga nya'ko sa kama.

"Relax Leo! Kinurot ko lang yung pisngi mo!" Sabay ngisi nya. Shit bakit kasi ang OA ko. "Hindi ko naman gagawin sa'yo yun eh, hindi pa pwede ngayon.."

Wait? Ano nanamang ibig sabihin neto?

"Anong sabi mo?" tanong ko sa kanya. "Wala hahahaha."

Habang pinipilit ko naman si Nathan pakiramdam ko umaayos na yung pakiramdam ko may gamot nga yung sinigang hahaha.

*doorbell rings*

Bumaba na kami kaagad ni Nathan kasi panigurado namang wala na si Manang umalis na.

Pagbukas ko ng pinto, sumalubong si Ethan.

"Kuya! I need your help" Sabi nya kaagad. "Nag away kasi kami ni Pia."

Wait? Sila ba o nag assume lang ako? haha

"Ano bang pinag awayan nyo?" tanong ni Nathan.

"Naubusan na kasi ako ng pictures ninyong dalawa eh.. para sa BL story niya." Pinag didikit nya yung dalawang daliri nya..

"Don't tell me mag p-pictorial tayo ngayon?" tanong ulit ni Nathan.

So doon pala napupunta mga pictures namin? Wait! Dapat ma o-offend ako kasi walang paalam.... Ang weird talaga ng feeling ko lately...

"Please kuya please!!! Help me! Ayoko na talaga kayo kunan ng stolen... pero hindi ko rin masisisi si Pia, na p-pressure na sya eh kaya nagalit sya sa'kin." Pagmamakaawang sagot ni Ethan.

"Sa'kin okay lang pero obviously ayaw naman ni Leo sigurado! Sana maintindihan mo Ethan."

Yumuko na si Ethan at parang nawalan na talaga ng pag-asa.

"No It's okay!" sagot ko na ikinagulat ng dalawang magkapatid. Pareho pa talaga ng itsura. "Ano bang maibibigay mong kapalit?" Yan na lang yung sinabi ko para hindi obvious na gusto ko talagang gawin tong pictorial kasama si Nathan.

Yeah, I know in my mind, hindi ko gagawin to kasi parang binibigyan ko lang dahilan si Gino at ang mga katulad pa nya na pag usapan ako pero yung puso ko eto yung pinipili.

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon