Chapter 49: Let's be Official

121 19 0
                                    

2 days earlier





Leo's POV

Pumasok si Diane sa kwarto.. "Nakauwi na daw sila 2J."

Pinahatid na sya kagabi sa bahay para hindi na makapanggulo dito.

Nag aayos na'ko ng gamit ko dahil maya maya uuwi na kami.

"Hindi ka man lang ba talaga magkukwento?" tanong ni Diane.

"Oo nga diba, kagabi ayaw mo ring sabihin kung anong napag usapan nyo ni Nathan, tapos ngayon hindi pa rin?" lumapit si Alex sa'kin. "Ano ba kasing nangyari sainyo ni Nathan sa kubo?"

Wow parang kagabi lang todo sorry sila sa'kin nung makita nila ako sa gubat.

"Hindi ko masyadong maalala, sumakit din kasi yung ulo ko eh, pero ayos na kami ni Nathan."

Sagot ko, kahit na naaalala ko pa talaga lahat ng nangyari.

"Elaborate!" sigaw ni Alex.

*flashback*

Ilang minuto rin akong nakaupo sa mga damuhan... at habang malakas ang ulan ay may dumating na lalaking nagdadala ng payong.

Nang lumingon ako ay nakita ko si Nathan, agad syang tumakbo papunta sa'kin.

"Are you okay? Tara sumilong muna tayo."

Binuhat nya'ko, at naglakad para sumilong sa may parang kubo. Buti na lang ay may mga tela dito na pwede naming magamit na parang kumot.

Pareho kaming basa at nilalamig.

Imagine, nasa Baguio ka tapos mababasa ka ng ulan?

"Hubarin mo yung damit mo." Sinabi nya ng napaka seryoso kaya nagulat ako at napatingin sa kanya. "Lalo kang lalamigin dahil basa ang damit mo."

Huminga ako ng malalim.

Bago ko pa hubarin ang damit ko ay naghubad na siya. Umakyat yung init sa mukha ko nang makita ko yung katawan nya.

Nakaramdam ako ng init na parang umiikot sa buong katawan ko.

"Maghubad ka na!" Sinabi nya ng may napaka sexy na boses.

Damn! He's so hot.

Inalis ko yung suot kong damit. Bahagyang nakakailang pero kung si Nathan naman ang katabi ko, I feel so comfortable.

Nang walang sabi-sabi ay lumapit sya sa'kin at niyakap ako. Niyakap nya'ko mula sa likod.

"Relax ka lang Leo.." Bulong nya..

Ramdam ko yung init na nagmumula sa katawa nya.

Hindi ko napigilan at lumingon ako. Ilang segundo kaming magkatitigan hanggang sa hinalikan nya na'ko.

Somehow, something's telling me to kiss him back, kaya itinulak ko na yung sarili ko at nagpalunod sa halik nya.

Bumaba yung halik nya sa leeg ko, na lalong nagpa init ng katawan ko.

Shit! Why Am I loving this?

Habang patuloy akong hinahalikan ni Nathan pababa ay lalong tumitindi yung nararamdaman ko.

Are we getting there?

"Leo!" Natigil ang lahat nang makarinig kami ng sigaw ni Nathan.

Hindi namin namalayang, tumigil na pala ang ulan.

Agad na lang naming sinuot yung mga damit namin dahil baka kung anong isipin nila.

*end of flashback*

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon