Chapter 15: Signs

187 18 0
                                    

Leo's POV

Maaga na'kong nagready para pumasok sa school and I decided na sa school na lang mag aalmusal.

Pababa ako ng hagdan ng makita ko si Papa gising na pala sya.

"Galing kaba kina Nathan kagabi?" tanong nya ng may mababang tono at walang emosyon.

"Opo Pa! Bakit?" Sumagot ako kaagad pero nagtaka ako kung bakit nya tinanong.

"Meron ba s'yang kamag anak na umuwi ngayon?" Bakit nya naman kaya tinatanong?

"Ahm. Opo meron, si Tito Jonathan, Kilala nyo po?" Wala eh na-curious ako.

"Ahh oo, schoolmate ko lang." sagot nya at umiwas sya kaagad ng tingin.

"Sige po Pa! alis na'ko."

"Sandali anak! May nagpunta dito kagabi, barkada mo daw, nakalimutan ko yung pangalan pero nakita kona dati."

"Wala yun Pa! Baka si Alex yun."

Si Alex na lang ang sinabi ko, pero bakit may kutob ako kung sino yun.

Pagtapos naming mag usap ni Papa lumabas na ako kaagad ng bahay at nakita ko si Diane.

"Leo! Sabay na tayo!" bungad nya sa'kin.

Nagdecide kami na mag lakad papuntang school para magkaroon kami ng time para mag usap. Malamig din naman kasi ang panahon eh.

"Ahm. Nathan! May nabasa akong thread sa Twitter and kayong dalawa ni Nathan yung bida." Habang pinipigilan nya yung ngiti nya na halata naman.

"Bakit ka tumatawa?" Tanong ko kaagad. "Oo! Story yun ni Pia." Naalala ko nanamang medyo nasigawan ko nga pala sya. "Medyo nahihiya nga ako kay Pia eh kasi nasigawan ko sya."

"Sus! Ayan kasi! Alam mo ba na ang mga girls medyo sensitive kapag ganyan, ayaw na ayaw naming nasisigawan okay?" Sagot ni Diane. " Pag nagkita kayo mag sorry kana lang." dagdag nya.

Habang naglalakad kami, at dahil hindi pa naman kami nangangalahati, naisip kong magtanong sa kanya.

"Ahm. Diane? May gusto sana akong itanong sa'yo."

"Sure ano 'yun?" sagot nya kaagad.

"Ganito kasi yan." Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan. "I know and I'm sure na straight ako okay? Kasi kaya nga ako nagka girlfriend eh."

"Ooops! Just to remind you, nagka girlfriend din si Kuya bago sya nag out na he's into guys." Make sense.

"Pero naguguluhan ako, lalo na kapag nandyan si Nathan. Nag iinit yung mukha ko, tapos nagugustuhan kona yung feeling na kasama sya." Sabi ko.

"Haaayyy Alam mo ganyan talaga okay? Hindi kita matutulungan about sa pagpili mo ng 'yong gender preference Pero kung naguguluhan ka I can help you with that."

Yes! Sabi ko na maaasahan ko sya.

"Una ganito okay? You have to follow your heart everytime na magdedecide ka, hindi yung ginagawa mo'to dahil gusto mo ganito yung makita ng ibang tao at kapag nagawa mo yan and naging malinaw ang lahat, that's it!, Pangalawa is kapag naguguluhan ka kung cheerleading practice yung papanoorin mo o yung basketball."

Tumigil sya sandali.

"And ano yung pangatlo?" tanong ko sa kanya.

"Ang pinaka matindi. Kapag nagselos ka sa ibang kasama nung lalaking gusto mo."

"Okay noted kaso medyo nag aalangan ako. What if totoo palang I'm into guys? I don't really know how my environment would react kapag kumalat." Sagot ko sa kanya. "Anyway salamat Diane okay?"

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon