Chapter 37: Prince's Secret

121 12 0
                                    

Leo's POV








"Ano ba kasing ginagawa nyo dito?" tanong ni Prince.

Bigla naman akong nakarecieve ulit ng text galing sa nagkakalat ng mga sikreto.

'Ang susunod na sikretong sasabog ay ang kina Prince.'

"Dito ko sya nakita eh, at isa pa, hindi naman namin alam na naririnig na pala yung pinag uusapan namin." Sagot naman ni Diane kay Prince.

Ilang segundong walang nagsasalita hanggang sa tumingin sa'kin si Prince.

"Pero ayos kana ba Leo?" tanong nya. "Alam ko yung nangyari. Alam kong magulo pa ang lahat sa'yo pero naniniwala akong malakas ka."

"Oo, ayos lang ako." Ngumiti ako, kahit na alam kong mabigat sa loob.

Sabay sabay na may nagtext sa'ming tatlo.

'Guys, kailangan nating mag usap usap. Punta kayo sa lumang building ngayon na.' galing kay Alex.

Nagtinginan kaming tatlo, at agad na kaming umalis.

Hindi ko na lang pinansin yung mga tao sa paligid ko. Alam ko namang hinuhusgahan na nila ako sa mga tingin nila.

"They're proud of you Leo." Bulong sa'kin ni Diane. "Hindi sila nagalit, sa pag amin mo, actually, tuwang tuwa pa sila."

"Tuwang tuwa o Tawang tawa? Bilisan na natin."

Gusto ko na rin kasing agad makarating at makausap sila tungkol sa nagtetext sa'kin.

"Leo!" Salubong sa'kin ni Alex. "Ayos ka lang ba?" tanong nya.

Tumango na lang ako at si Pat naman ang sumunod na lumapit.

"Lahat kayo nasa labas, habang ako iniwan nyo sa room tapos maririnig kona lang umamin kana." Sabay yakap nya. "I hope you're okay, kahit ano pang sabihin nila na masasakit na salita, I'm still proud of you."

"Anong kahit anong sabihin nila na masasakit na salita?" tanong ni Alex. "Tumingin naba kayo sa facebook?" Pagsabi nya pa lang ay tinignan na namin kaagad yung mga phone namin.

"OMG!" sabi ni Diane. "Nagpupustahan pa ang estudyante, kung sino kina Kyle, Thomas at Nathan ang tinutukoy ni Leo?" tangina talaga.

"Ano 'tong picture na'to? Nakaakbay si Kyle sayo?" tanong sa'kin ni Pat.

"Kahapon yan, nung lasing sya, hindi ko alam may kumukuha na pala ng litrato sa'min." sagot ko.

"Pero wait, mga pictures ni Nathan na kasama ka, hindi ako magtataka, pero ano to?" tanong ni Prince. "Nanliligaw sa'yo si Thomas?"

Bigla kong naalala yung kahapon.

"Hindi naman ako pumayag kaya, my answer is No." sagot ko.

"Pero makulit sya at nanggugulo pa rin." Bigla kaming nagulat sa boses ni Nathan.

Yumuko ako para hindi ko sya tignan.

"Anong ginagawa mo dito?" sigaw ni Alex. "Diba ang sabi ko, Wag muna ngayon. Umalis kana!"

Alam kong sobrang close ni Alex at Nathan, at hindi ako okay na nasasakripisyo ang friendship nilang dalawa dahil sa'kin.

"Nandito ako para magsorry kay Leo." Pagsabi nya ay napatingin ako sa mga mata nya. "Hindi ko sinasadya lahat, yung pag amin, yung pagkainis ko dahil sa pag iwan mo sa'kin kahapon, yung...." Tumigil sya sandali sa pagsasalita. "Atsaka yung.... Halik.. I'm sorry Leo."

"Hindi mo kailangang magsorry dahil doon sa halik, wala namang tayo kaya pwede mong gawin lahat ng gusto mong gawin." Hindi ako nagpakita ng emosyon habang sinasabi ko yung mga salitang to.

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon