Chapter 24: Hotdog

127 13 3
                                    

Leo's POV

"Mr. Dela Cruz! Will you please stand up and read it out loud para naman malaman ng mga kaklase nyo kung ano ang pinag uusapan ni Mr. Corpuz at Mr. Gomez!"

Oh MY GOD!!! Katapusan ko na. Inutusan nya na yung iba para magbasa. SHIT!

I am so dead!

"I said stand up Mr. Dela Cruz!" Sigaw sa kanya ni Ma'am.

Bakas naman sa mukha ni Alex yung kaba.

Lumapit ng konti sa kanya si Diane para bumulong at dahan dahan syang tumayo at naglakad papunta sa harap.

"Hindi ko mabasa yung nakasulat, basahin mo!" inabot ni Ma'am yung papel kay Alex.

Oh my God!! Yumuko na lang ako.

Nakakahiya lang baka pag usapan nanaman kami.

"You're wasting my time Mr. Dela Cruz!!!" Sigaw ulit ni Ma'am na nagpa-pressure naman kay Alex.

"Ahm.. Leo!" Dahan dahan nyang binabasa yung nakasulat. "P-patikim-" Utal utal sya nung binibigkas nya. "Patikim n-naman ng h-hotdog mo!"

Napa angat ako ng ulo at nagtawanan naman yung buong klase.

"Anong sabi mo Mr. Dela Cruz?!!!" sigaw ni Ma'am.

Hindi naman yung naksulat eh. Bakit yun yung sinabi nya?

"Ma'am! May baon po kasing hotdog si Leo baka nanghihingi lang si Nathan!"

Tang*na lang yun ba yung binulong ni Diane????

"Okay! Okay! Next time wala ng manghihingi ng hotdog during time natin naiintindihan? Continue reading!"

Feeling ko tuloy dapat hindi na lang sila nagsinungaling.

Dapat binasa na lang talaga nila kung ano yung nakasulat. HAAAYYY!!.

****

Leo's POV

*School bell rings*

Wala pa rin ako sa mood dahil sa nangyari kanina..

Naglalakad na'ko papunta sa table namin dala yung lunch ko.

"You know what! Mas magandang binasa mo na lang kung ano yung nakasulat sa papel Alex!" Sabay baba ko sa tray.

"Are you still mad? Lumusot naman na eh!" sagot sa'kin ni Diane.

"I'm sorry okay? Kinakabahan kasi talaga ako, kilala nyo naman si Ma'am aside from being homophobic, napaka sungit pa! Kaya na-pressure akooo. I'm so sorry Leo!"

Naiintindihan ko naman si Alex, nakakainis lang yung nangyari.

"Im not mad at you guys! I'm just mad of what happened."

Huminga na lang ako ng malalim at kinain yung lunch ko.

Hindi ko pa rin pinapansin si Nathan dahil sa nangyari.

"Ahm guys!" Biglang pagbasag ni Patricia sa katahimikan.

"Oh kasama ka pala namin?" Sagot naman ni Diane kay Pat.

"Look! Naging pangatlo si Prince sa ranking!" Sabi ni Pat at pinakita n'ya sa'min yung results.

Bumaba lang ang lahat ng tig isa. Si Gerald na ang nasa pinaka baba.

"Nalagpasan ka nya Leo." Tumingin silang lahat sa'kin.

"Bakit? Eh ano naman?"

"Wala lang!" sagot sa'kin ni Pat.

"Teka nga! Absent pala si Prince no?"

Actually napansin ko nga kaninang third subject kaya lang hindi kona pinansin.

"Oo! Bukas na nga yung P.E. natin sa swimming and hindi pa kami nag p practice ni Prince." Bigkas naman ni Alex at pagkatapos nyang magsalita ay may dumating na lalaki.

"Nathan! Wala ka nung practice natin nung Friday. Bakit?"

"Nagtext ako sa'yo Josh! May inalagaan akong may sakit okay? Don't worry mamaya I'll be there!"

Tumango si Joshua biglang napatingin kay Alex. "Anong tinitingin tingin mo? I told you Alex! I'm not into guys!"

Biglang napaiwas ng tingin si Alex at bakas sa mukha nya yung lungkot.

"It's okay Alex!" sabi ni Diane at lumapit kami sa kanya. "Marami pang iba dyan! Yung hindi mayabang kaya relax ka lang!"

Ngumiti na lang si Alex sa'min.

Habang kumakain naman ay nahuhuli ko si Nathan na nakatingin sa'kin. Hindi ko sya pinapansin.

*phone notification*

Chineck ko yung phone ko para tignan kung sino yung nagtext.

'I'm sorry Leo! Please!'

Tumingin ako kay Nathan at binigyan sya ng blankong mukha baka kasi mahalata ng iba yung hindi namin pag uusap.

Sumenyas naman si Diane at tinuro si Nathan. Naiintindihan ko kung ano yung ibig nyang sabihin.

Gusto nyang kausapin ko na si Nathan.

Sumenyas na lang din ako ng 'okay' sa bibig ko.

'Nathan let's talk but not here. Sa likod ng school now!'

Pagsend ko kay Nathan ng message ay tumayo na'ko.

"Guys! Mauna na kayo sa classroom, may bibilhin lang ako."

Umalis na'ko at dumretso sa likod ng school.

Paglingon ko ay nakita ko namang nakasunod si Nathan.

Pagdating ay tumayo lang ako habang hinihintay kong lumapit si Nathan.

"Galit ka pa rin ba?" tanong nya ng may napakalambing na boses.

Ugh! Paano mo ba naman kasi matitiis 'tong lalaking to.

"Dahil ba sa sinabi kong I love you?"  tanong nya.

Habang natutulog kasi sya nung nanood kami ng Cine. Narinig kong sinabi nya na 'I love you Leo!'

"Ahm.. not really kasi pinaliwanag mo na rin naman sa'kin na as a friend diba?"

I know it was just as a friend. Ayokong mag assume ng mas higit pa doon.

Ayokong umasa at lagyan ng malisya yung pagkakaibigan namin.

"Y-yeah! You're right! It was just as a friend!"

"Hindi naman kasi talaga ako galit sa'yo eh, naiinis lang ako dahil sa kanina, kilala natin yung ugali ni Ma'am Fuentes. Pero okay na siguro 'yon! Maliit lang na bagay eh.."

"Talaga Leo?" Sabay yakap nya sa'kin.

Ramdam ko yung init ng katawan nya....

Ramdam na ramdam ko yung hininga nyang dumadampi sa leeg ko......

Ang sarap sa pakiramdam..

Ang sarap sarap maramdaman ng yakap nya.

***
Author's note:
Marupok talaga si Leo pagdating sa yakap ni Nathan.

Baner Photo is from Pinterest:
https://pin.it/1I4TKCm

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon