Chapter 5: Sleepover

245 18 4
                                    

Leo's POV

"Okay lang Gusto ko din naman magstay dito. Okay lang ba kung dito ako matutulog?"

Napaka sincere ng mukha nya. Napaka amo. Madalas naman talaga syang natutulog dito sa amin eh. Hindi ko alam pero bakit parang may nagbabago sa'kin lately.

The way I look at things now is different.

"Okay lang din naman kung-" Hindi ko na sya pinatapos.

"No it's okay, you can stay." Actually, kailangan ko din talaga ng kasama at makakausap pero hindi ko sasabihin 'yon, ayokong maramdaman nya na obligasyon nyang pagaanin yung pakiramdam ko.

"Nagtext kasi si Mommy, may emergency daw sila Yaya, si Ethan naman natulog din sa kaklase nya, may project na tatapusin."

Yung parents kasi ni Nathan parehong nasa Italy. Mukhang nagpaalam yung Yaya nya diretso kay Tita Merely.

"Bukas pa daw kasi dadating yung kapalit ni Yaya, kaya magstay na muna ako sa ibang bahay."

"Ah I see. Hindi ka nga pala marunong magluto" pang aasar ko sakanya. "O baka natatakot ka mag isa" kita ko naman yung pagka asar nya sa mukha nya hahaha.

"Hindi baliw!. Gusto ko din kasing makasama ka."

Wait!, natigilan ako habang nag aayos ng mga pinamili namin. Seryoso ba sya?

"Ha? Anong pinagsasasabi mo?" sagot ko na may halong inis.

Ngumisi sya "Tanga!, I know you're not okay, kaya kaysa mag is aka at mag isa din ako sa bahay, pipiliin ko na lang makasama yung barkada kong iyakin." Sabay ngiti.

Ang bait nya sa'kin lately. Ang init ng pakiramdam ko sa mukha. Tinignan ko kaagad bakit namumula ako??

Maybe it's because, ang init ng singaw kanina pa. Mukhang uulan eh.

"Gutom kaba?" tanong ko na lang para maiba yung usapan.

"No it's fine!" pagkasabi at pagkasabi nya palang, narinig kona yung tyan nyang tumunog.

"It's fine it's fine ka pa dyan." Natawa ako kasi halatang nahiya sya. "Wag kang mag alala, pinagluluto ako ni Manang ng lunch palagi, and hindi kopa nakakain yung kanina kaya initin na lang natin tong Sinigang.

May bigla akong naalala. "Oo nga pala, Nathan! Kilala mob a kung sino yung nagbigay ng kape sa'kin kaninang umaga? Sabi kasi ni Diane hindi daw sya."

Tumawa lang sya. "Edi yung pinaka gwapo mong kaibigan" sagot nya.

"Weh? Ikaw yung nagbigay? Teka pano? At bakit?" Wala hindi ko inaasahan eh.

"Malamang at lasing na lasing ka kaya pagdadalhan talaga kita ng kape." Bakit ganyan ka? Hindi ko alam yung mararamdaman ko haayyy.

"Nakakahiya naman, hinatid mo na'ko, niligtas mo na'ko kay Darren, tapos pinahiram mo'ko ng damit at ngayon binigyan mo pa pala ako ng kape." Natutuwa talaga ako. "Ang swerte ko kasi may kaibigan akong katulad mo." Sabay akbay sa kanya.

Tumingin sya sa mga mata ko, at sabay sabing "Okay lang kurutin ko pisngi mo?"

Ha? Napaka unpredictable naman netong lalaking to. Inalis ko kaagad yung pagkakaakbay ko sa kanya.

"Anong sabi mo???." Tanong ko ng may malaking question mark sa ulo. Kahit malinaw yung sinabi nya nagtanong na lang ako ulit baka ibahin nya yung sinabi nya.

"Ang sabi ko kapalit ng mga ginawa ko para sa'yo, kurutin ko na lang pisngi mo" Halata sa mukha nya na napaka seryoso nya sa mga sinasabi nya.

"Gago kaba ayoko nga! Baka dumihan mo pa 'yung napaka clearskin kong pisngi HAHAA." Tumawa ako ng malakas at nalungkot naman sya bigla.

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon