Chapter 34: Too Late?

118 14 2
                                    

Leo's POV

Pasensya na Nathan. Hindi ko alam ang isasagot ko.

Tumakbo na lang ako ng mabilis.

Mabilis na mabilis.

Hindi ko inaasahan ang mga nangyayari. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Iniwan ko sya ng hindi man lang nag bibitaw ng kahit na anong salita.

Habang tumatakbo naalala ko lahat.

Kaya pala lagi nya'kong pino-protektahan.

Kaya pala lagi syang nandiyan para sa'kin.

Hindi kaya nagsisinungaling lang sya?

Bakit naman sya magsisinungaling?

Ano bang nangyayari???

Huminto na lang muna ako sa pagtakbo. Nakalabas na pala ako ng school.

Bakit kailangang umabot ako sa puntong 'to?

Parang kailan lang, okay naman kami bilang magkaibigan eh. Nagkakatampuhan, nag aasaran, sya yung nandyan lagi para sa'kin.

Pero bakit kailangang umabot sa ganito?

I can't take this anymore.

Nagpunta na muna ako sa pinakamalapit na grocery dito.

Habang naglalakad papunta sa mga inumin ay nadaanan ko yung mga ice cream.

Naalala ko nung bumili kami dati ni Nathan.

Pati nung pinagdala nya'ko sa bahay.

Agad ko na lang inalis yung tingin ko sa ice cream at naglakad.

Pagdating ko sa mga alak, may naalala nanaman ako.

Nung uminom sa bahay. Nung natulog sa'min si Nathan.

"Erase! Erase!" Ayoko na munang isipin 'to.

Nung hawak ko na yung alak, biglang parang may bumulong sa'kin na 'wag!'

Shit! Ilang beses na nga pala akong nahimatay at nalasing, at ang lahat ng yun ang dahilan kung bakit nararanasan ko ang lahat ng 'to.

Binitawan ko na lang yung hawak kong alak.

Lumabas na'ko at naglakad na kaagad. Nag iisip isip na din.

"Leo!" lumingon ako at nakita ko si Kyle.

"Leo! Sandali! Hintayin mo'ko!!" Sigaw nya.

Sa tono ng pananalita nya alam kong nakainom sya.

Lumapit kaagad sya sa'kin pero medyo natutumba tumba sya.

"Anong nangyari sa'yo Kyle? Lasing ka ba?" tanong ko kaagad sa kanya.

"Hindi ako lasing. Tignan mo oh kaya ko pang maglakad ng diretso." Sagot nya.

Pero naaamoy ko talaga na nakainom sya. Inakbayan nya'ko. Tutulak ko sana kaso "Hayaan mo na'ko Leo! Akbay barkada lang oh! Kasi alam ko ilang araw lang nyan, may boyfriend kana."

Gago 'to ah.

"Anong pinagsasasabi mo Kyle?" Pagtanong ko palang ay narinig kona si Alex na paparating.

"Kyle!" Pagtapos ay nakita na rin nya ako. "Leo?"

Lumapit sya sa'min at iniupo ko muna si Kyle.

"Sakto yung dating mo. Ikaw na bahala dyan sa pinsan mo."

Wala akong panahon para sa mga katulad nya.

Nakakainis. Ang dami ko na ngang iniisip eh.

Isa pa, hindi nga ako naglasing tapos may manggugulo sa'king lasing?

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon