Chapter 29: Cheating

131 14 1
                                    

Alexander's POV

"Hoy Kyle ano ba kasing ginagawa natin dito?"

Nakakairita naman kasi eh. Allergic pa naman ako sa alikabok.

"Dito nagkikita si 2J atsaka yung mokong na yun eh."

Hinila ko muna sya sandali.

"Teka nga! May naalala pala ako. Akala mo ba makakalimutan ko yung nangyari nung may practice game?"

Kagigil din tong pinsan ko na'to eh.

"Okay I'm sorry I'm sorry! Akala ko lang talaga ay may ginagawa kang masama kay Leo." Sagot nya naman sa'kin.

"Kailan ka pa naging concern kay Leo?" tanong ko and at this moment may narealize lang ako. "Don't tell me may gusto ka kay Leo?"

Wag kang o-oo Kyle please lang!

Tinignan nya muna ako ng matagal at parang nag iisip sya.

Ilang sandali pa ay yumuko sya.

"Paano kung oo? At may gusto nga ako sa kanya."

Shit! BAKIT?

"Seryoso ka ba Kyle?" Shit! This is so unbelievable.

"Hindi ko naman sinagot yung tanong mo eh! Tama na nga, tara na!"

Sabagay ang OA ko nga naman. Hindi naman nya sinabing oo or hindi!

MAGALING KANG HAYOP KA HAHAHAHA.

Naglakad na kami papasok netong lumang building ng school.

Bakit ba kasi hindi pa nila tibagin to. Like duh! Sayang sa space.

Maya maya pa ay may narinig na'kong nag uusap.

"Please 2J don't do this. At wag kang masyadong magulo, nahihilo ako." Ayan na ang unang narinig ko. Sumilip kami ng bahagya kaso nakatalikod yung kausap ni 2J.

"Wag kang maingay Alex." Pagkasabi ni Kyle ay napatingin na'ko sa isang bakanteng kwarto.

"Anong gagawin mo 2J?" sigaw nung lalaki.

"Sshhhh! Akong bahala sa'yo."

Shit! anong gagawin nila? Sumilip ako ulit at nakita kong hinuhubaran na ni 2J yung lalaki kaso hindi ko nanaman maaninag yung mukha. Kailan ko ba kasi malalaman kung sino to.

Maya maya lang ay naghalikan silang dalawa, isang madiin malarong halik.

OMG. Don't tell me magse-sex sila?

"Ayan na!" Tsaka kinuha ni Kyle yung phone nya.

"Hoy! Anong ginagawa mo Kyle?" Shit! Eto ba yung plano nya? Ang gawan ng scandal si 2J?

"Wag kang maingay dyan kung hindi maririnig yung boses natin!." Inulit nya yung pagrecord hanggang sa pareho ng walang damit yung dalawa.

Hindi na'ko nagsalita dahil mahirap na at makilala pa nila yung boses ko.

Napakalaking kahihiyan neto para kay 2J.

Ilang sandali pa ay nag umpisa na nga silang magsex. Hindi ko pa rin makita yung mukha nung lalaki.

Pero familiar yung boses.

Tinaas ni Kyle yung phone at kung hindi ako magkakamali. Litaw na litaw na yung mukha ni 2J. Pero yung lalaki nakaside.

Tama pa ba'tong ginagawa namin?

Kinalabit ko si Kyle at sumenyas ng thumbs up para sabihing 'okay na yan'

Tumayo na'ko para makalakad na at makaalis.

Hahakbang palang sana ako nang may mataaman akong bote ng softdrinks.

Napalingon silang dalawa pero hindi ko na masyadong tinignan yung mukha dahil nagtago ako.

"Sino yun?" tanong nung lalaki.

"Don't mind it. Baka pusa lang yon. Ituloy na natin."

Napaka sama ni 2J. Paano nya nagagawang makipagsex sa ibang lalaki knowing na may boyfriend sya.

This is so unbelievable.

Lumakad na kami ng dahan dahan palayo sa kanila.

Paglabas palang namin ng building ay tinanong ko na si Kyle.

"Okay ka lang?" Pagkatapos ay inakbayan ko sya.

"Ofcourse! Isang basura na lang si 2J sa paningin ko." Pagtapos nyang sabihin yan ay lumakad na sya ng mabilis.

Kahit hindi nya sabihin kita ko sa mga mata nyang nasasaktan sya.

Naglakad lakad na kami palayo sa abandonadong building.

Nakita ko naman si Joshua.

Lumapit sya kaagad sa'min.

Nagtataka ako kasi biglang bumilis yung lakad nya at parang galit sya.

Hinila nya yung braso ko palayo kay Kyle.

"Anong ginagawa mo kay Alex?" tanong ni Joshua kay Kyle. "Okay ka lang? May ginawa ba sya sa'yo?"

Napaka seryoso ng mukha ni Joshua shit!. Totoo ba'to?

"Relax ka lang! Pinsan ko yang jowa mo!" Pagsabi ni Kyle ay binitawan ni Joshua yung kamay ko.

SAYANG!!!!.

"Anong jowa? I'm just protecting him from you. So kung mag pinsan naman pala kayo I better go." Pagkatapos ay umalis na sya.

"Sya ba yung crush mo?" tanong naman ni Kyle kaagad.

"Oo! Kaya lang Straight sya eh. Wala naman na akong magagawa doon." Napayuko na lang ako at nakaramdam ng lungkot.

"Wag kang negative, kahit naman tayo, straight tayo dati eh." Sabay tawa nya.

Hindi ko inaasahang kayang tumawa ni Kyle sa kabila ng mga iniisip nya.

"Tara na P.E. na nyan diba? Kasama namin kayo sa pool 'di ba? Punta na tayo ng locker para makapagpalit."

Naglakad lakad pa kami dahil medyo malayo yung locker room eh.

Ilang sandali pa ay nakasalubong namin si Leo. Sobrang bilis maglakad.

"Leo!" tinignan nya lang ako at naglakad na ulit sya ng mabilis.

"Anong problema nun?" Tanong ko naman.

"Susundan ko na sya, baka mapagtripan lang dahil ganyan yung itsura." Tumango na lang ako kay Kyle at pumunta naman ako sa direksyon kung saan sya nanggaling.

Tumakbo ako ng mabilis para makita ko kaagad kung sino yung kasama nya bago sya naging ganun.

Nakasalubong ko bigla si Abigail, ang Ex-girlfriend ni Nathan.








****
Author's Note:
Hulaan ninyo kung sino ang lalaking kasama ni 2J.

Goodluck😘

Banner photo is from Pinterest:
https://pin.it/5fqPKqO

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon