Chapter 20: Follow your Heart

139 16 0
                                    

Leo's POV

Dahan dahan kong binuksan yung mga mata ko.

Napahaba ata yung tulog ko.. Inangat ko yung ulo ko at sumandal muna sa kama.

Nakaramdam ako bigla ng sakit ng ulo. Siguro dahil hindi ko kinakaya yung mga nangyayari..

It's Friday... Siguro mag a-absent muna ako ngayon.

Tinignan ko yung phone ko and nag alarm naman pala kaso hindi ko narinig. Sobrang pagod sa pakiramdam ugh!!

10AM na rin pala.... Tinry kong manood ng Netflix...

Continue watching.... Elite?

Ah eto siguro yung pinanood ni Nathan.. Panoorin ko na rin nga.. Matagal ko na rin naman gustong panoorin to..

***

After ng isang episode nakaramdam ako ng gutom at bumaba muna ako...

"Manang anong ulam?" tanong ko..

"Ay nagluto po ako ng sinigang.. may lagnat daw po kasi kayo eh.." sagot sa'kin ni Yaya.

"Anak gising ka na pala.." bungad sa'kin ni Papa, bakit nandito pa sya? "Nagpalate lang ako sandali kasi pumasok ako sa kwarto mo at nilalagnat ka nga, pero paalis na'ko neto.."

"Okay Pa! Kaya ko naman 'to eh." Sagot ko sa kanya at lumabas na sya ng bahay..

"Manang Okay lang ba kung pakidala na lang sa kwarto ko?" hindi pa kasi luto yung kanin eh...

Umakyat muna ako sa kwarto ko... Mag iisip isip lang muna sandali..

Naalala ko yug advice ni Diane sa'kin.. Sa bawat desisyon daw na gagawin, kailangan kong sundin yung puso ko at magiging malinaw ang lahat..

HAAAAYYYYYYY Hindi na nga ako pumasok, hindi pa rin ako marelax.. Hindi talaga ako marerelax kung ganito yung suot ko.

Naghubad na muna ako ng shorts.. at nagsando

Mas komportable talaga ako pag boxers lang.

Nag open ako ng social media accounts ko kaso biglang hindi ko magamit ng maayos yung phone ko, sunod sunod yung notifications..

Ang daming messages nila Nathan at Diane..

Binuksan ko yung twitter ko nung tumigil na sa pagpasok yung mga notif.

Matagal na rin pala akong hindi nag t-twitter pero buti na lang naka private yung account ko.

Chineck ko yung follow requests.

@KyleDC I think this is Kyle.. pero hindi ko in-accept.

@2JHplto Obviously, it was 2J.. Naisipan kong pindutin yung account nya..

'May boyfriend na nga yung tao, nilalapitan mo pa ewww!"

Ang harsh naman nya mag tweet.

'Akala ko bang may boyfriend kana? Bat nang aagaw ka pa?'

Tinignan ko yung mga nagreply sa tweets nya..

'Sinong pinaparinggan mo?' sabi nung isa..

'basahin mo na lang yung BL story ni PiaCastro, makikita mo dun, bida sya dun HAHAHA, kadiri bat sya pa naging bida."

Teka nga. Ako ba yung tinutukoy netong lalaking to? Kasi alam ko kaming dalawa ni Nathan yung bida doon. Tapos yung boyfriend nya na si Kyle, umaaligid aligid din kahapon..

This is the reason why I don't use social media accounts. Ang daming toxic. I've decided to delete their requests.

Nagtweet na lang ako ng mema. 'I want Ice cream Grrr.'

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon