Chapter 17: Trick

161 14 0
                                    

Leo's POV

I have to make a plan. Aalamin ko ang lahat.

Agad akong nagtext kay Patricia at Diane. Alam ko namang manonood si Alex ng basketball practice mamaya para subaybayan si Joshua eh.

SI Nathan naman ay may practice ng basketball.

"Let's meet after class, sa library, wag nyong sasabihan si Prince."

Nagreply kaagad si Patricia sa'kin.

"Mukhang seryoso yan ah, pero may meeting tayo sa Dance troupe."

Ayy shit. Oo nga pala.

"But it's okay, I trust you, seryoso 'yung dahilan mo dyan so ako na bahala sa meeting."

Maaasahan ko talaga si Patricia.

***

"Nasaan yung iba?" bungad sa'kin ni Diane.

"Wag kang maingay! Nasa library tayoo!" nagtakip na lang sya ng bibig. "Si Nathan practice, si Alex, manonood ng practice, si Patricia busy sa Dance troupe."

"Ohhh I see!" tumango sya ng dahan dahan at tumingin sa paligid. "So what's the plan?"

"Okay you have to listen carefully...... 4PM na and after 20 minutes, mag uumpisa ng mag rehearse sila Prince.  After ng rehearsal nya, susundan natin sya kung saan ba talaga sya pumupunta"

Nakayuko kami sa isang table at inaayos ng mabuti yung plano.

"Eh anong gagawin natin sa 20 minutes?" sabagay may point nga naman sya.

"Alam kona!!!" sabi ko kay Diane at umalis na kami ng Library.

"San ba tayo pupunta Leonardo????" tanong naman nya habang hinihila ko sya.

"Kakain!!!" agad nyang inalis yung kamay nya sa pagkakahawak ko.

"Siraulo! Sarado na foodcourt dito sa school." Lalabas na sana kami ng school nang may bigla kaming makita.

"Si Prince yun diba? Tara sundan natin." Sabay hila ni Diane sa'kin.

"Kahina hinala nga yung kilos nya lately." Buti naman hindi lang ako ang nakapansin.

Sinundan pa namin si Prince hanggang sa makarating kami sa sobrang tahimik na part ng school, nakatago kami sa mga hala-halaman at hindi kami nakikita ni Prince.

"Anong ginagawa ni Prince dito?" Bulong ko kay Diane na parang medyo napalakas.

"Ssshh!! Wag kang maingay, baka marinig tayo ni Prince."

"Sigurado ako makikipag kita sya kay Grace."

"Ha? Bakit mo naman naisip yan.?" Tanong ni Diane.

"Diba nga sure syang buntis si Grace? Tapos alam mo ba nung isang araw anggaling magpayo nyan about parents. 'sabi nya mahal na mahal ng mga nanay ang anak nila' parang ganyan."

"And then?" Wow! Ang haba ng explanation ko ah hindi pa nya na-gets.

"Si Prince ang umako ng anak ni Thomas kay Grace, gets mo????" medyo napalakas nanaman yung bulong ko.

"Paano kung hindi?"

"Kaya nga tayo nandito Diane! Para manigurado."

Ilang sandali lang kinuha ni Prince yung phone nya at may kinausap sya.

"Ayan sigurado ako na si Grace ang kausap nya." Sabi ko kay Diane.

Linapit namin ng konti yung tenga namin.

Forever with you (BoyXBoy) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon