“That's indeed a lot!” Nilingon ni Avery ang babaeng kakapasok lang sa maliit na kwarto, it was their Editor-in-Chief. Kaonti na lang, halos mapupuno na ang dingding nito sa magkakatabing mga trophy na galing sa iba‘t ibang tanghalan at seremonya ng pangaral.
Sa ilang taong pagiging TV reporter at paminsan-minsang news anchor pati na ang paggawa ng iba't ibang documentaries na ipinapalabas sa telebisyon ay madalas niyang hakutin ang parangal. Hindi naman siya magyayabang, hindi niya lang talaga mapigilang maging proud sa sarili. She’s having the time of her life at hindi iyon basta-basta niya lang na nakuha. Matagal ring pinaghirapan ni Avery iyon kaya hindi maipagkakailang deserving ang babae.
Tinabihan niya ang boss na naroon. Napakasarap sa pakiramdam ni Avery na paulit-ulit ilibot ang paningin sa mga tropeyo. She worked hard for that to happen. Pagkatapos ng halos limang taon ay unti-onti niya nang nakukuha ang pangarap.
“Are you ready for the Antonio Facundo Awards 2020?” Mas lalong lumaki ang ngisi niya sa narinig. Hinding-hindi niya makakalimutan. Unang buwan pa lang ng taon ay hinahalughog niya na ang internet kung kaninong buhay ang ipi-feature niya ngayon.
Ang AFA 2020, o ang Antonio Facundo Awards ay patimpalak para sa mga journalist na katulad niya, kadalasan din itong bukas sa mga manunulat at direktor. Hindi katulad ng nakasanayan, dito ay kukuha sila ng isang subject, isang taong sikat na sikat sa mga tao. . . ilalathala nila sa mga manonood kung paano ang buhay ng taong iyon. Kumbaga, papakealamanan ni Avery ang buhay ng kung sinong mapipili para lang manalo. Hindi naman iyon magiging sapilitan kung agad na papayag ang subject na makukuha. Pero kung sino, doon magiging pahirapan kay Avery.
Siya ang nanalo ng AFA 2019 noong nakaraang taon kaya napakalaking pressure ang nararamdaman ni Avery. Ang manunulat na si Tanya Tebrero ang kinuha niyang subject at talagang hindi siya nahirapan dito. Napakabait ni Tanya. Naging tapat lang siya sa gusto at madali siyang naintindihan nito. Nakakuha pa siya ng mentor dahil sa sanay rin ito sa pagsusulat.
Her life was indeed a chaotic experience. Literal na ikwinento lang sakanya ng babae ang buhay pero parang dinala na siya nito sa sitwasyong iyon. Ngayon, she can't be more proud of Tanya and Josiah's love story. Nakakatuwang nabiyayaan pa ito ng dalawa— magtatatlo na ngayong anak— dahil nagdadalang-tao na siya.
Nagustuhan ng nakararami ang dokumentaryong iyon, nakakuha sila ng milyon-milyong views sa sikat na Social Media sites at nadamay pa mismo ang BSE News na siyang pinagtatrabahuhan niya.
“I am born ready, Ma’am. Though wala pa akong napipili ngayon. . . anytime now, kikilos na kami ng team ko.” Ibinukas niya ang cellphone. Actually, may iilan na siyang pinagpipilian. Kaya lang, hindi nito sigurado kung papatok ito sa mga tao.
Kailangang makahanap sila taong halos sambahin ng nakararami pero may itinatago pa lang napakalaking sekreto tungkol sa pagkatao. Tama! Iyon ang gusto niya. Bukod sa gulat, siguradong-sigurado maku-curious ang manonood na siyang magiging dahilan para mas tangkilikin ang dokumentaryo niya.
She must be wise. AFA Award is special for her. Hindi pupwedeng palagpasin niya iyon ngayon.
Napalatak siya nang ibinagsak ng babaeng kasama ang isang brown envelope sa maliit na mesang naroon. Tiningnan niya iyon ng may napakaraming katanungan pero nagkibit-balikat lang ang boss at sinenyasan siyang buksan iyon.
Ginawa nito ang utos ng babae. Halos manginig ang kamay niya sa sobrang excitement. Kung ano man iyon ay paniguradong konektado iyon sa AFA. Anything that's connected to AFA excites her.
Nang makita niya ang larawang laman noon, napakunot ang noo niya. Umikot na sa utak niya ang posibleng hirap na makuha. Alam niya ang ibig sabihin ng boss sa pagbibigay sakanya ng litrato ng lalaki.
“The most mysterious man in the business’, Cormac Carter. He had this codename which is C.C. Kitang-kita ng mga tao kung gaano kayaman ang lalaking ‘yan. Kitang-kita nila kung paano ito magpakita sa napakaraming conferences. Naging public figure na rin siya halos dahil sa pagiging sikat niya lalo na sa mga kababaihan. But here‘s a funny thing, Av, walang nakakakilala sa mga magulang niya. Walang nakakaalam kung ano ang kwento ng buhay niya. Para bang basta na lang siya sumulpot sa business industry–” Mariing niyugyog ng babae si Avery. “Hey! you get what I mean, right?”
Nagpakurap-kurap si Avery. Napakaraming espekulasyon ang pumapasok sa isipan niya lalo pa't hawak nito ang litrato ng lalaki. Ngayon pa lang umiisip na siya ng paraan para makumbinsi ito dahil ang uri ng mga lalaking katulad niya ay allergic sa camera, sanay na rin siya roon.
But aside from that, his aura speaks something strange with her. Titig pa lang nito sa larawan ay parang kikilabutan ka na.
Of course, she knows Cormac Carter! Sino ba naman ang hindi? Ilang beses niya na nga itong sinubukang hingian ng interviews sa iilang conferences pero ni isang salita ay wala siyang nakukuha.
Natatawa lang na ngayon na sa buong dokumentaryo na niya ito kailangan. Parang kailangan ay bukas pa lang, magsimula na siya.
Marami naman itong kaibigan sa trabaho niya at doon magsisimula si Avery. Doon pa lang ay paniguradong makakauha na siya ng impormasyon sa lalaki. Sooner or later, makukuha niya rin ito sa interview. Wala siyang dapat palampasin ngayon.
“Kapag nakuha natin ang lalaking 'yan, siguradong kuha na rin natin ang karamihan sa mga babae. Alam kong marami ring curious sa pagkatao ni Mr. Carter and this one's a good break. Sana lang talaga, hindi tayo maunahan ng mga kalaban.” Inayos ng boss ang buhok niya at saka tiningnan si Avery. “This is a good catch, Av. Napakaraming sasali ngayon sa AFA and we need to stand out — you need to stand out. For now, wala na akong nahahanap na mas okay kay Mr. Carter. He‘s the ace in the competition. You can get him, right?”
Tumango agad si Avery sa tanong na iyon. Alam niyang mahihirapan siya pero wala naman siyang mas kasing sigurado. Makukuha niya ang AFA 2029 — sigurado siya roon.
“I’ll get him. I will take all the chances in the world. Akin ang AFA 2020,” taas-noo kong sagot.
BINABASA MO ANG
Reportedly Dating
RomanceSi Avery Taylor ay isang Television Reporter na labis na hinahangad ang taon-taong parangal. Ngayong taon, nahanap na nila ang sagot sa parangal at recognition na iyon. Simple lang ang gagawin, gumawa ng report tungkol sa buhay ng isang napakayamang...