Maaring naging magkaiba kami ni Cormac nang naging buhay sa loob ng labing-limang taon. Napakarami man niyang napagdaanang napakakumplikadong mga bagay na hinding-hindi mapapantayan ninuman —masaya akong nagawa ko siyang makita at makasama ngayon.
Pupwedeng pagkakaibigan ang naging rason sa lahat ng iyon noon; ang paglapit at pagngungulit ko sa lalaki pero iba ngayon. Patagal nang patagal mas nagiging malinaw sa akin ang nararamdaman para sa lalaki.
From the first time we met. . . that first phone call. Iyong beses na una kaming nagkasagutan dahil sa magkaibang deisyon. . . it all made sense now. The passcode in his laptop, hindi niya iyon birthday at lalong-lalo na hindi kami magka-birthday because it was only mine.
Alam kong sa labing-limang taon ay hindi niya ako nagawang kalimutan. Alam kong pagkatapos ng mga panahong nakalipas ay nanatili ako sa isip niya.
HIngal na hingal ako nang makarating sa airport. Nakakahilo ang mga taong paroo’t parito kaya hindi ko na rin aam kung saan marahil ibabaling ang tingin para hanapin siya. Ayaw ko siyang umalis. . . hindi dahil sa gusto kong pigilan ang trabaho niya kundi dahil sa natatakot akong matagalan bago ko siya makitang muli.
“Excuse me,” gagad ko nang pinili kong lapitan ang babaeng bihis na bihis at nag-aantay sa naka-schedule na flight. “Tinawag na ba ‘yung flight to France?”
Malawakang naging ngiti nito sa akin bago tumango. Hindi ko na napansin ang mga salita, kahit pa hindi ko sigurado kung Pilipino ang babae o hindi naman kaya’y turista. “It was already called, twice.”
Halos magkumahog ako papaalis sa lugar na iyon pagkatapos kong magpasalamat. Hindi naging magandang timing ang pagsarado ng utak ko para makapag-isip. Basta na lang akong tumakbo kung saan kahit pa hindi ko alam kung ano ang gagawin.
At that moment, I became hopeless. Bigla akong napagod at basta na lang bumagsak sa sahig—sa kaparehong lugar kung saan dumadaan ang napakaraming mga tao.
Hindi pwede.
Hindi ko kakayanin ang panghihinayang. Cormac’s been with me for a long time pero hindi ko man lang siya nagawang kilalanin bilang ang matagal kong kaibigang hindi nakikita.
He was there. . . but I didn’t recognize and remember him.
Ilang beses ko pa siyang pinagsalitaan nang kung ano. I disrespected. . . insulted him in many ways I could.
Napahagulgol ako nang maramdaman ang sobrang guilt – no, it was the longingness.
Pagkatapos nang aksidente, wala na akong naging balita sa kalagayan niya at nabuhay ako nang maayos sa piling ng kumpleto kong mga magulang. Pero siya, hindi ko ma-imagine kung anong klaseng buhay ang dinanas niya pagkatapos noon.
I feel sorry for him. Gustong-gusto kong yakapin siya nang mahigpit.
Gusto ko siyang makita. Gusto kong kumpirmahin ang nararamdaman ko para sakanya.
I know. . . maybe it wouldn’t be possible. How I can love the person na hindi ko nakasama sa napakatagal na panahon. But this is different. . . it really feels different.
“Miss, are you–”
Nang harapin ko ang lalaking nagsalita ay parang nahigit ang paghinga ko dahil sa mabilis na pagtibok ng puso. Ang lalaking matagal ko nang hinahanap mula sa panaginip, ang mukha ng lalaking hindi matandaan at makilala ay nasa harapan ko na ngayon.
“Cormac. . . “
Hindi siya makapaniwala nang makumpirmang ako nga ang kaharap niya. Dahan-dahan ay iginiya ako nito patayo, ramdam na ramdam ko rin ang panginginig ng mga kamay nito. “Avery. . . what, what are you doing here?”
Imbes na pagtuunan pa ng sagot ang tanong ng lalaki, mabilis kong ikinulong ang katawan niya sa mga braso. Niyakap ko siya nang napakahigpit. At that very moment, I felt whole. . . contented.
Hindi ko na naisip ang mga taong nakakakita at nakapalibot na sa amin. Sakanya lang nakatutok ang atensyon ko – sa mga mukha nitong hindi ko natandaan nang pagkatagal-tagal.
Mabilis niyang ihiniwalay ang sarili sa pagkakayakap ko, naguguluhan. Binigyan ako nito ng mga nagtatanong na mga tingin pero wala akong ibang sinukli rito kundi ang ngiti.
Mabilis akong hinila ng lalaki patungo sa mas tagong bahagi ng airport. Alam ko ang risk na pupwede naming makuha roon lalo pa’t kilala ang lalaki pati rin naman ako sa larangan ng pagbabalita. Naintindihan ko ang kilos niyang iyon pero hindi ko nagawang makahabol sa sunod nitong ginawa.
Hinalikan niya ako.
HInalikan niya ako nang marahan. . . puro.
Nagawa kong ipikit ang mga mata at sumabay sa ritmo ng ginagawa ng lalaki. Tila ba sa sandalling oras ay wala kaming naging pakialam sa mga taong nakapaligid at nakakakita. Kaming dalawa. . . ang isa’t-isa lang ang nagagawa naming makita.
We are kissing each other as gentle as possible. He pulled me against his body, pressing his chest into my breast. Nasa pampubliko kaming lugar pero ramdam na ramdam ko ang panlalambot ng mga tuhod.
Laking pasasalamat ko na lang noong humiwalay ang labi ni Cormac sa labi ko bago pa iyon maging agresibo.
Hindi ko nagawang makatingin sa paligid pagkatapos. Bahala na, bahala na kung ano pa man ang makita ko sa balita sa mga susunod na oras at minuto. My eyes were fixated at him at gano’n din naman ang lalaki sa akin.
“Avery–” Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataon para makapagsalita.
“Cormac, naaalala ko na. Naaalala ko na ang lahat. I am sorry. . .” nanginginig pa ang mga boses kong sabi.
Dinampian niya ako nang marahang halik sa noob ago ngumiti nang nakasisilaw. “I know. . . I know, Avery.”
“Kung gano’n, kung alam mong nakakaalala na ako, bakit ka aalis?” Iyan ang unang lumabas sa mga bibig ko kahit pa napakarami kong tanong.
How did he knew about this? Kailan pa niya nalaman ang bagay na iyon?
“Because it’s the right thing to do,” pabulong na lang nitong sabi.
Mabilis na bumalik ang kaba sa sistema ko, rinig ang malakas na pagtibok ng puso na parang nasa gilid ng tainga ko lang iyon.
“It can’t never be right! Cormac, iiwan mo ako.”
Pilit kong inabot ang mga kamay niya. I can’t let him leave. Ayokong sayangin muli ang ilan pang mga taon sa pag-aantay, sa pag-asang pwede kaming magkita at magig magkasama.
Para sa akin, tama na ang labing-limang taon. We could be a family again. . . ako, si Kuya, ang mga magulang namin pati na si Cormac.
Gaano ko man inaabot ang mga kamay nito ay pili niya naman iyong nilalayo. “We can’t be together, Av. Sinira ko ang buhay mo.”
Hindi ko magawang magsalita, pilit lang akong umiiling. “
Magpupunta ako sa France para makapag-isip-isip at ayusin ang sarili. I want to be worth it of you, Av. Gusto kong maging maayos ang pagtanggap sa akin ng mga magulang mo at alam kong hindi pa ‘yan mangyayari ngayon.”
“Hindi. . . hindi pwede.”
“Avery, you need to continue with your lilfe. You’ll be good without me,” pangugumbinsi nito sa akin na parang napakadali lang sakanya ang pagdedesisyon.
“Hindi pwede. . .”
I can’t let him do that. I don’t want to spend the rest of the years just wanting to be with him.
I want to be with him.
“Avery–”
Padarag kong ibinagsak ang mga kamay, dahilan para mahinto siya sa pagsasalita. “Hindi pwede dahil mahal kita, Cormac!”
Bahagya siyang napaatras, halatang-halata rito ang pagkagulat. And then, I realized, siguro nga hindi ako nagbago. Hindi nawala sa akin ang ugaling sasabihin ang lahat nang gustong sabihin.
That didn’t change at all.
Ako pa rin iyong makulit at madaldal na Avery.
“Mahal kita, so don’t you dare leave! Sabihin mong hinding-hindi ka aalis. Sabihin mong mahal mo rin ako!”
BINABASA MO ANG
Reportedly Dating
RomanceSi Avery Taylor ay isang Television Reporter na labis na hinahangad ang taon-taong parangal. Ngayong taon, nahanap na nila ang sagot sa parangal at recognition na iyon. Simple lang ang gagawin, gumawa ng report tungkol sa buhay ng isang napakayamang...