Thirty-eight: Don't date

270 11 0
                                    

Tumagal ang pagtingin ko sa maliit na cake na nasa harapan katabi ang isang kape. Pilit kong hinahalukay sa isip kung sino naman marahil ang magpapadala noon nang tuluyang pumasok si Ma’am Cassandra sa opisina.

“Someone’s looking for you,” gagad nito agad bago nagpunta sa sarili nitong mesa. “Levi Cassano raw from Cassano Pharmaceutical–”

Taranta akong napatayo dahil sa narinig. Matagal na noong huli kong nakita si Levi kaya ano naman kaya marahil ang sadya nito rito sa BSE.

“Ang gara mo, Av. Pwede ka na sa showbusiness!”

Sinimangutan ko lang boss na tumatawa-tawa pa bago nagpaalam sa paglabas.

Sakanya siguro marahil galing ang pagkain kaninang umaga kaya marapat lang na mas binilisan ko sa pagbaba.

Levi Cassano with his usual aura automatically smiled when he saw me. Bahagya pa itong kumaway-kaway kaya naman ibinalik ko rin iyon sakanya.

“Mr. Cassano! Kumusta?” pagbati ko na naging dahilan nang mabilis nitong pagsimangot.

“I am getting sadder. You should call me Levi,”, sagot naman nito na kumakamot-kamot pa sa ulo.

Tinawanan ko ang lalaki. Pagkatapos ay niyayang maupo muna sa upuang umukupa sa lobby para mas maging light ang usapan. Matagal na rin kasi kaming hindi nagkikita kaya paniguradong mahaba-habang usapan ang mangyayari.

Bumaba naman kaagad ang tingin ko sa hawak nitong mamahaling kape. Doon pa lang ay nangunot na ang noo ko.

“Ah, here.” Inabot nito sa akin ng paperbag nitong hawak. Tinulungan pa ako ng lalaking maayos na mailabas ang kapeng naroon. “May nadaanan akong coffee shop kaya naisip kong magdala.”

Pero hindi ba siya ang nagpadala ng kape at cake sa akin kaninang umaga?

Pinilig kong bahagya ang ulo bago nagsalita, “Salamat nga pala sa snacks kanina. You don’t have to do that pero maraming salamat.”

Hindi nakapokus si Levi sa sinasabi dahil sa pagtingin ng kung sino sa likuran ko.

Akmang babaling ako roon nang mabilis nitong iginiya ang mukha ko pabalik sa harap niya. “Ano nga ulit ‘yung sinasabi mo?”  ani Levi.

Nginisian ko na lang ang lalaki at niyayang inumin na rin ang kape. Alam kong busy ito pero nakuha pang magpunta mismo sa opisina para bisitahin ako.

“Avery!” Taliwas sa sitwasyon ang biglaan nitong pagsigaw sa pangalan ko gayong magkatabi lang naman kaming dalawa kaya ganoon na lang din ang gulat ko. “I. . . I need to tell you something.”

Gulong-gulo at nararanta ako para sa lalaki pero mas pinili ko itong intindihin at tumango na lang. Pero kung titingnan ito nang mabuti, mukha itong nagmamadali at natataranta. Mahirap itong basahin, iyon ang totoo.

Tuwing mapapabaling ay natatawa na lang din ako. Hindi pa rin nagbabago ang lalaki sa pagiging easy going nito.

“Ah, oo. Ano ‘yun?”

“Levi!”

Sabay na kaming napabaling ni Levi nang malakas ang naging pagtawag ng kung sino sa pangalan nito.

Dinig ko ang sunod-sunod na pagmumura ng lalaking katabi at ganoon na lang din ang pagkabwisit ko nang makitang si Cormac ang papalapit sa aming dalawa.

Napakalaki pa ng ngisi nito na parang lalo pa akong inaasar. Sa mukha pa lang na iyon, ramdam ko ang tuluyang pagsira ng araw.

Mariing iginiya ni Levi ang mukha ko paharap sakanya. “I need to tell you that–”

Reportedly DatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon