“You two seem so close,” agad-agad na sabi ni Mr. Carter nang makabalik kami sa kinauupuan, kasama na ngayon si Cormac.
Masisira lang ang mga plano at araw ko dahil sa lalaki.
“Hindi naman po.”
“Yes, we are.”
Padarag kong nilingon ang lalaking nasa gilid at pinanlisikan ng mata. Tinaasan niya lang ako ng kilay at saka kinalikot na ang cellphone.
Hindi ko alam ano ang pinaplano ni Cormac. Para ba makaganti sa akin at bwisitin akong muli o mayroon pang iba?
Dahil kung gusto nito ng away ay hinding-hindi ko siya uurungan. Pinanganak ako ng nanay ko hindi para maging talunan, ano!
“Yes, we are.” mas matapang kong sagot sa pagkakataong iyon.
“Glad to know that. Mabuti palang nagkakilala na tayo ngayon, Avery. Sigurado mapapadalas ka sa bahay namin,” nakangiting sabi ni Mrs. Carter.
This is a big misunderstanding!
“She’s already staying at my condo.”
“I’m already– what?” Mabilis kong hinarap si Cormac, huli na nang ma-realize ko ang sinabi niya.
Sa sobrang pagkagigil ko ay pinandilatan ko pa ang lalaki pero ang walang hiya, nginitian lang ako ng peke.
“Ah, opo. Clingy po kasi ‘yan si Cormac. Ayaw na nga po ako nyan paalisin sa kwarto – aray!” Padarag kokg ibinaling ang tingin ko sa ilalim ng mesa. Ramdam na ramdam ko ang napakalaking paa ni Cormac na parang dinudurog ang paa ko.
“Tingnan mo, Cesar, ngayon pa lang kinikilig na ako sakanila.” Nagtawanan ang dalawang kaharap namin kaya mabuting nakisabay na lang din ako kahit nag-aapoy na ako sa loob dahil sa panggigigil sa katabi.
Ano bang trip ng lalaking ‘to?
Anong nakain o nasinghot nito para hindi mag-ala bato rito?
“Anyways, galawin na ninyo ang mga pagkain niyo ni Stoney, Avery.”
Sa narinig mula kay Mrs. Carter ay halos isubsob ko na lang ang sarili sa pagkaing nasa harapan.
“It really suits you, though, CC.” gatong pa ng ama niya.
“Stoney, huh. . .”
Kung ganito ata ang magiging sitwasyon ko sa pang-araw-araw dahil sa pamilyang ito ay ngayon pa lang susuko na ako. Mauubusan ako rito ng dignidad.
Hindi na ako nagsalitang muli. Mukhang ako naman ang naging bato sa buong pagkakataong iyon. Plano ko pa sanang mas kausapin at makipagclose pa sa magulang ni Cormac pero nanatili nang nakatikom ang bibig ko dahil sa kahihiyan.
Bakit pa kasi kailangang dumating ng Cormac na ‘yan dito?
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil matagal ko pa sila makakasama pero kung iisipin kong naroon si Cormac ay umaatras na lang ang sarili ko.
At the end of the discussion, sumama pa rin ako. Mahilig kasing mamblackmai itong si Cormac gamit ang mga titig niya. Ayaw ko namang sabihin niya ang walang katotohanang bagay na iyon sa mga magulang niya dahil mas nakakahiya pa iyon to the point na hindi ko na gugustuhin pang magpakita.
Their house was really huge and fascinating. Nakakakaba lalo pa’t puro mga salamin ang nakikita ko. Kapag ganito ang bagay ni Kuya Jac, delikadong-delikado para kay Jacques. Bigla ko na naman tuloy na-miss ang kapatid.
“Siguro, next time, we’ll ask your parents to come here. Ano sa tingin mo, CC?”
Parang may kung anong bomba ang sumabog sa sistema ko at tuluyan ko nang hindi nagustuhan ang nangyayari.
BINABASA MO ANG
Reportedly Dating
RomanceSi Avery Taylor ay isang Television Reporter na labis na hinahangad ang taon-taong parangal. Ngayong taon, nahanap na nila ang sagot sa parangal at recognition na iyon. Simple lang ang gagawin, gumawa ng report tungkol sa buhay ng isang napakayamang...