Twenty-eight: Trio

338 11 0
                                    


Ilang segundong nagmistulang may dumaang anghel sa harapan naminni Cormac. Hindi agad nakapagsalita ang lalaki, ganoon din ako.

Mabilis niyang tinungo ang napakalaking walk-in closet sa loob mismo ng kwartong iyon at bumalik kasama ang isang malaking shirt. "Teka. . . teka, Av."

Mabilis na namlambot ang puso ko sa kinilos niya roon. Pansamantala akong kumalma, sa isang iglap ay para kong nakalimutan ang takot. Marahan niyang sinuot ang sariling damit sa akin, hinalikan ako nang mabilis sa noo saka bumalik sa pagkakaupo sa harapan ko.

"Are you really sure about this, Av?"

Mabilis akong tumango sa tanong niya. Naiintindihan ko ang nararamdaman nito ngayon. Sigurado ako; hinding-hindi ako magbabanggit ng kahit anong bagay na magiging ugat lang ng pag-asa ng lalaki.

Hinawakan ko ang kamay niya, pagkatapos hinaplos-haplos iyon. "You don't need to worry now. Hindi tayo titigil hangga't hindi natin nabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang mo."

***

"Ano bang pinag-iisip mo, Avery, ha?"

Kinaumagahan, nag-uupos na galit ni Kuya Jac ang hinarap naming dalawa ni Cormac. Swerte na lang naming maituturing na hindi kami naabutan ni Kuya na magkatabi sa isang kama.

He'll be devastated, sigurado.

But then, hindi ko magawang mainis o magalit. I seem to be in a good mood. Makita ko pa lang iyong mukha ni Cormac nang gumising pati na ang dugo sa maliit na parte ng bedsheet, naghuhuramentado na sa saya ang puso ko.

"And you tolerated her, Cormac? Alam mo naman kung ano kaulit itong kapatid kong 'to?" Hindi rin nakaimik si Cormac, katulad ko ay bahagya lang itong yumuko at tinanggap ang galit ng kapatid.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nagpasya na akong kausapin si Kuya Jac, mas kalmado na ito ngayon. "Kuya. . . I lied about it."

Maski si Cormac ay natigilan sa biglaan kong pag-amin. Nag-aalala ako nitong tiningnan. "I'm sorry, Kuya. I know this can be a threat to our family, mag-aalala ang lahat kaya hindi ko muna kayo binigla sa totoo-"

Inilebel ni kuya ang tingin sa akin bago magsalita, "I know. . ."

Imbes na si Kuya Jac, ako ang nabigla sa sinabi nito. "Kuya?"

"Alam kong bumalik na ang alaala mo. I know you, Av. Posibleng hindi 'yun mahahalata nila Mommy pero ako, alam ko." Marahang ginulo ng kapatid ang buhok ko, saka bumaling kay Cormac.

Mukhang nakuha naman ni Cormac ang gustong sabihin ni Kuya Jac kaya mabilis siyang umalis muna sa lugar.

"I just know you have your reasons kaya hindi na muna kita pinakealamanan," madiing sabi niya. Hinahanap ko sa mukha nito ang tampo, inis o galit pero wala akong nakita.

"Hindi ko kasi alam kung paano ko sasabihin, Kuya. Paniguradong iiyak nang iiyak si Mommy at mag-aalala kayo. Mahihirapan kayo, ayokong maulit 'yung mga sacrifices niyo ngayon. . ." tapat kong paliwanag. Iyon naman talaga ang dahilan noon.

Awang-awa na ako kay mommy at sa walang tigil niyang pag-iyak at pag-aalala lalo na sa tuwing dadalhin ako sa ospital. Naisip kong mabuti kung ililihim ko na lang ang lahat at mamumuhay kaming maayos at wala ng ibang iisipin.

"You need to tell them as soon as possible, though. They will be really upset-"

"Kuya naman, eh!"

Hindi na ako nito pinansin. Iyan naman ang pinakagusto ko kay Kuya Jac, he may be really strict pero siya ang alam kong unang-unang makakaintindi sa akin.

Reportedly DatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon