Twenty-three: The nightmare

374 15 3
                                    


January 2, 2005

Third person’s point of view

Malalaki ang ngisi ng labing-dalawang taong batang si Avery nang tuluyan siyang makalabas sa classroom. Uwian na kaya katulad ng nakagawian, dederetso na naman siya sa classroom ni Macmac. Mambubulabog at kukulit-kulitin itong muli.

Halos isang taon na silang ganito. Siya na palaging bumubuntot sa lalaki at si Macmac na palaging napipikon sa bagay na iyon.

Avery doesn’t seem to mind it. Para sakanya, mas nakaka-challenge ang bagay na ‘yun. Habangbuhay ata niyang pagtatawanan ang panginginig ng lalaki dahil sa nerbyos tuwing makikita siya nitong papalapit.

“Ano na naman ang ginagawa ng grade seven dito?” kunot-noong sabi ni Jac nang makita ang kapatid na tuloy-tuloy na naman sa pagliliwaliw sa palapag ng mga grade ten students na kagaya niya.

Alam na niya ang sadya ng kapatid. Mabilis nitong nilingon si Cormac na abala pa sa pagkopya ng mga nakasulat sa pisarang naroon. Hindi pumasok ang guro nila sa last subject pero sandamakmak pa rin ang iniwan nitong gawain.

“Who are you?” mataray na gagad ni Avey sa kapatid. Ganoon na talaga ang naging turingan nila, aso’t pusa.

“Tabi!” Parang asong tsinupi ni Avery ang kuya. Lumapit ito sa pintuan ng classroom bago matapang na sumigaw. “Nasaan si Cormac?”

Nasanay na rin ang mga estudyante sa paulit-ulit na ginagawa ni Avery. Kahit pa si Jac ay hindi na rin ito mapigilan. Alam naman ng mga magulang nila na malinaw na magkaibigan ang dalawa kaya walang magiging problema roon.

Ang napakalaking problema lang ay na kay Cormac. Hindi nito gustong maging kaibigan si Avery—well, iyon ang aktong ipinapakita niya ukol dito. Hindi naman niya talaga gustong maging kaibigan ang dalaga, kaya lang sa paglipas ng halos isang taong nakikita niya ang mukha nito at tuloy-tuloy ang pangungulit ni Avery ay parang nasanay na rin siya.

Kahit siya, hindi na alam ang gagawin sa tuwing hindi niya nakikita ang babae. Ang ending, kahit pa gaano siya ka in-denial, hinahanap-hanap niya pa rin ang babae.

He often acts cold all the time pero nagustuhan niya na rin ang atensyong ibinibigay sakanya ng batang babae. Masaya pala talaga magkaroon ng kaibigan, sabi niya sa sarili.

They become really inseparable for the past two months. Ayaw mang aminin sa sarili, those months are the best moments in Cormac’s life. Nakakapanibago, hindi niya alam na magiging ganoon siya kasaya.

His mom and dad are enough for him. Sobra-sobra na ang naibibigay nitong atensyon at pagmamahal sakanya kaya inakala niyang wala na siyang ibang gugustuhin pa. Pero nag-iba ang lahat simula noong unang nilapitan siya ni Avery.

Tatlong taon man ang tanda nito sa babae ay hindi iyon naging hadlang para makahanap sila ng pagkakaibigan sa isa’t-isa. Hindi rin nagtagal, sumali na rin si Jac sa eksena. Jac, Avery and him are the trios. Sa lahat na ata ng tawanan at kalokohan ay sila ang magkakakampi.

Cormac’s life had a blast by then. Dahil sa solong anak, lumaki siya noong hindi sanay sa mga tao. Mas gugustuhin niyang maging mag-isa sa bahay tuwing nasa trabaho ang mga magulang sa munisipyo kaysa ang magliwaliw sa labas pero nang makilala ang magkapatid, naging masayahing bata si Cormac. That’s when he realized that his life really changed.

Dali-dali siyang tumayo atsaka nag-ayos ng mga gamit. Alam na niya ang kailangang gawin kapag nagpupunta na ang babae sa classroom nila. Hindi na niya aantayin pa itong magsalita at sumigaw dahil hindi iyon magugustuhan ng lahat.

Sa edad na labing-dalawa, madaldal at matapang na talaga si Avery. Kahit pa mas nakakatanda sakanya ang mga naririto sa palapag, walang nagtatangkang kumompronta rito. Isa pa, takot din ang mga ito sa nakakatanda nitong kapatid na si Jac.

Dala ang bag pati na ang mga gamit ni Jac ay dire-deretso siya sa pinto para puntahan si Avery na ngayon ay nakakunot na ang noo sa isa sa mga kaklase ni Cormac.

“Sinusundo ka na ng girlfriend mo, Mac!” sigaw ng isa sa mga kaklase nitong lalaki.

Akmang magsasalita pa lang ang lalaki nang bulyaw na ng magkapatid na Taylor ang narinig niya. “Mama mo girlfriend!” inis na sigaw ni Avery.

“Jay-ar, suntukan tayo?” sabi naman ni Jac.

Napailing na lang siya sa dalawa bago hinila ang mga ito palabas. Both of them are short-tempered. Isa iyan sa napakalaking prowebang magkapatid nga ang dalawa. Kapag kasama niya ang mga ito, pakiramdam niya palagi ay dudugo ang tainga niya.

Their lives were really intertwined a year ago. Hindi niya man iyon ginusto noon, hindi na nito alam kung paano pa ipapasok at uuwi mula sa eskwelahan kung wala ang mga kwela niyang kaibigan.

“Mac, ikaw na bahala sa masungit na ‘to. May practice pa ako, eh. Malapit na interschool.” Alam na niya ang ibig sabihin ni Jac sa sinabi niyang iyon. Kailangan munang manatili ni Avery sa bahay nila Cormac dahil walang ibang tao sa bahay nito.

Dahil magkakaibigan na rin ang mga magulang nila, walang problema kung nagpupunta roon si Jac at Avery. Infact, both of his parents are very fond of the two. Para nga raw nagkaroon na siya ng mga kapatid dahil doon.

“Sige, Kuya Jac. Kami na ang bahala nila mommy,” sagot niya na lang. Kapagkuwan ay bumaling ito kay Avery na-busy na sa cellphone nito.

Mabilis umalis si Jac doon bago maihatid ang dalawa sa labas ng gate. Nanatiling tahimik si Avery kaya hindi iyon umubra kay Cormac.

“Anong problema mo?”

Tahimik pa rin ang babae. Wala siyang ibang nagawa kundi ang kumamot ng ulo bago sumubok muli. “Anong gusto mong pagkain? Maybe we could buy something first before going straight home,” huling pakunswelo niya.

Hindi naman siya nagkamali sa sinabing iyon. Mabilis na nagliwanag ang mukha ni Avery saka dali-daling nagtungo sa pinakamalapit na sari-sari store na naroon. Sandali silang namili ng mga gusto at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.

Sa daan ay hindi mapigilang mapangiti ng batang lalaki. Sa halos isang taon, kilalang-kilala na talaga nito ang babae. Ang pagiging matakaw nito ay hindi kalianman niya man mapipigilan.

Inunahan niya na itong maglakad, itinatago ang mga ngiti dahil sa dalaga. Avery and Jac have a special place in his heart. Sa pag-iisip ay hindi nito namalayang tuluyan nang lumayo ang distansya sa babae.

“Macky!”

Dali-daling hinabol ni Avery ang lalaki. Ngayon ay naubos na ang naunang binuksang pagkain. Bahagya itong tumigil sa paglalakad para kunin ang maliit na litrato ng sariling plinanong ibigay sa kababata. “Hoy, ano ba! This is exhausting! Antayin mo naman ako, oh.”

Sandaling huminto si Cormac, pinakatitigan ang ngayong hinihingal ng si Avery. “Ano bang ginagawa mo?” Mabilis nitong gagad nang magkatapat silang dalawa.

Pataray ang sumunod na salita ni Avery, “Eto. . . sa’yo na ‘to!” Walang anu-ano’y ibinigay nito kay Cormac ang isang larawan. Litrato iyon ng babae na nakasuot ng paborito nitong putting bestida.

Nang mahawakan ni Cormac ang larawan ay dali-daling naglakad si Avery palayo, tila nahihiya sa inasta pero hindi na iyon pinansin ng lalaki. Bumaba ang tingin nito sa litratong hawak, pinakatitigan ni Macmac ang bagay na iyon bago bahagyang pinatalikod, dahilan para makita nitong muli ang sulat ng babae roon.

Katulad ng mga naunang ibinibigay ng babae, nakasulat ang mga ito sa isang pink na tinta. “I won’t forget Macky so you better not forget Abe! Avery!”

Hindi na nito napigilan ang pagngiting-aso. That was satisfying. Ipinangako nito sa sariling iyon na ang huling bagay na ibibigay ng babae sakanya dahil sisiguraduhin niyang siya na ang magbibigay ng mga regalo rito. Pansamantala niya itong itinago sa bag bago habulin ang babaeng malayo na ang distansya sakanya.

“Abe! Antayin mo ako!”


**


Pangisi-ngisi at nag-aasaran pa ang dalawa nang tinatahak ng mga ito daan papalapit sa gate ng bahay nila Cormac. Pilit niyang tinutukso ang babae sa kung ano-anong mga bagay katulad ng nakasanayan.

Ngunit nawala ang lahat ng ngiting iyon nang masilayan nito ang kabuuan ng bahay nang makapasok sa gate nito. Nagmistulang binagyo ang labasan ng bahay nila.

Naramdaman ni Cormac ang biglaang pagbagal ng tibok ng puso nito bago naging paspasan ang galaw. Mabilis niyang hinila ang kamay ni Avery papasok sa garahe ng bahay, mula roon ay makikita niya ang nangyayari sa loob.

He needs to be very sure about anything. Hindi niya alam kung nakauwi na ang mga magulang pero dahil wala siyang makitang mga tao sa loob ay malaki ang hinala niyang nilooban ang bahay nila.

“Abe, can you call Kuya Jac?” sabi niya sa kalmadong boses. Ayaw niyang matakot ang babaeng kasama kaya sinarili niya muna ang obserbasyon sa lugar.

“Why?”

“Just call him. Tell him to go straight here. Now,” dali-daling sabi niya saka tumawag ng mga pulis gamit ang cellphone nito.

“Dito ka lang, Abe, okay? Antayan mo rito si Kuya Jac. Papasok lang ako sa loob para ilapag itong gamit ko, tapos maglalakad-lakad muna tayo.”

Sinubukan pa siyang pigilan ng babae pero hindi na niya iyon pinakinggan. Parang tinatambol ang puso niya sa sobrang kaba. The only way it will stop is him entering the house.

Hawak ang tig-isang tipak ng bato sa dalawang kamay, dahan-dahan nitong pinasok ang kalooban ng bahay.

Pero sa huli, wala itong ibang nagawa kundi mabitawan ang mga hawak na bato nang bumungad sa batang si Cormac ang kalunos-lunos na sinapit ng mga magulang sa mismong harapan niya.

Naliligo na ang dalawa sa sarili nitong mga dugo, hiwalay pa sa napakagulong bahay. Bumagsak ang nga tuhod nito sa sahig. Ang totoo, gusto niyang umalis, gusto nitong tumakbo. Hindi niya gustong makita ang mga magulang sa ganitong estado.

He’s only sixteen. Hindi niya pa alam kung paano magagawang iproseso sa isip ang nakikita.

Gusto niyang magsisisigaw, umiyak at ngumawa pero sa isang napakatagal na segundo ay tila na-pipe ang lalaki.

“Ano ba, Mac! Bakit mo ako iniwan do’n–”

Hindi maipaliwanag ni Avery sa sarili kung ano ang nakikita niya. Dugo, dugo, dugo. Kulay pula lang ang nakikita nito sa harap.

The fact that Cormac’s parents were bathing on their own blood, gusto na niyang isarado ang sarili para roon.

Sa gilid, hindi pa rin nakakaimik ang lalaki. Deretso ang tingin nito sa mga magulang, bagay na kanina pa niya hindi magawa.

Sinubukan ni Avery na ilibot ang tingin sa sarili. Nanguna ang pagiging madiskarte nito sa mga bagay. Hindi man nito alam ang nangyayari, alam niyang malaki ang posibilidad na nasa malapit pa ang mga taong may kagagawan nito.

“Cormac! May tao!” Hindi na niya inantay na kumilos si Cormac. Dali-dali itong tumakbo papalabas ng gate, sigurado siya sa nakita.

That face. . .  it wasn’t very common. Parang nakita niya na iyon noon kung saan.

Ang mga salitang iyon ni Avery ay nagmistulang switch-on kay Cormac. Wala sa sarili nitong sinundan ang babae palabas. Sa ilang sandali, pansamantala siyang umaasang makakuha ng sagot sa mga katanungan.

Pero bago pa man lumaki ang pag-asang iyon, isang malakas na pagsalpok ng sasakyan sa nakababatang kaibigan ang nasaksihan niya.

It was as if in a slow-motion phase, kitang-kita nito kung paano halos liparin si Avery sa napakalakas na impact nang pagbanggang iyon.

Sa isang iglap, naging mag-isang muli ang binata. Walang mga kaibigan, walang mga magulang.

. . . mag-isang sinasagot ang mga nakabaong katanungan.

Reportedly DatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon