Forty: Scared to move

287 11 0
                                    

First thing in the morning, tinatahak ko na ang daan papunta sa lugar ni daddy. Pagkarating mula sa Canada, ngayon pa lang ako nagkaroon ng oras para mabisita ang ama.

Hindi ko tuloy mapigilan ang mas ma-excite. I really miss my dad. Ni minsan hindi ako nagtanim ng sama ng loob sa lalaki.

Taas-noo akong bumaba sa sasakyan at tinungo ang loob noon. Naninibago man at naiilang sa mga matang halos dumikit na sa akin ay hindi ko na ito ininda.

Nang makita ang lugar kung saan puwedeng magtanong, nagtuloy-tuloy na akong magsalita. “I am Avery Taylor–”

“I’m Cormac Carter.”

Halos umusok ang tainga at ilong ko sa biglaang pagkakasabay naming dalawa ng lalaking hindi ko napansin sa tabi. Malinaw sa aking pumasok akong mag-isa kaya nakagugulat kung paanong nakarating ito sa tabi ko.

“What the hell are you doing here?” pabulong ko lang na tanong dito, hindi nawawala ang pagkainis.

Napakaganda ng mood ko papunta rito pero sa isang iglap, nasira lang ng lalaking ito.

Ang totoo, I’ve already accepted kung ano man ang nangyari sa amin sa past. Pare-pareha lang naman kaming may malalang pinagdaanan. Also, dapat naman talagang pagbayaran ni daddy ang ginawa. Tapos na ako sa isyung iyon, tanggap ko na ang naging sitwasyon.

Kaya hindi ko matanggap kung bakit inis na inis ako sa lalaking ito. Kapag nakikita, awtomatikong kumukulo ang dugo ko.

“Why do you care?” pabalang at natatawang sabi ng lalaki, hindi man lang ako nagawang balingan ng tingin.

Mabilis na iginiya ng police offer na naroon ang lugar kung nasaan nag-aantay si daddy. Sinigurado kong huwag nang pansinin ang lalaki pero noong sabay pa kaming umupo sa mismong harapan ni daddy, hindi ko na napigilan ang pagsinghal. “What the hell are you doing here?”

Mas inuna ko ang pagsigaw sa lalaki kaysa sa pagbati kay daddy na nasa harapan ko na.

“Binibisita ko si dad–”

“Bullshit!” sigaw ko, hindi iniisip kung sino pa man ang makakarinig noon.

“Avery, ‘nak, watch your words.”

Padarag kong inayos ang pag-upo bago tinigil ang matalim na pagtitig sa lalaking katabi. I should really get myself together. Nagpunta ako rito para kay daddy at hindi para makipag-away sa kung sino.

“Daddy!” Pinilit kong ngumiti nang malawak. “How are you? Maayos lang ba ang tulog mo rito? Maayos naman ang pagkain mo, right?” sunod-sunod na tanong ko. “Anyways, you don’t need to worry about Mom and Jacques. They are doing good. Miss na miss ka na ng dalawang iyon.”

Matagal akong tinitigan ng ama saka pinisil-pisil ang kamay ko. “Miss na miss ko na rin kayo, Av. Take good care of your Mom, okay?”

Ako pa rin iyong iyaking si Avery. Ilang salita pa lang iyon mula sa miss na miss ng ama, hagulgol na lang ang naisagot ko. Hindi ko na nagawang makapagsalita. Tuwing susubukan ko naman ay pumipiyok din ang boses ko’t pag-iyak din ang hinahihinatnan.

“You should eat, Dad. Personal na niluto ko po ito ngayon para madala rito.” Dinig ko ang sinabing iyon ni Cormac, kahit papaano natutuwa akong ginagawa iyon ng lalaki.

Alam kong kahit papaano, napatawad niya na si daddy sa ginawa niya at inaalagaan niya rin ito. Akmang ngingiti na sana ako nang tila ba nahuling pumasok sa tainga ko ang pagkakasabi nito sa salitang, dad.

Anong dad? Paano niya naging daddy ang ama ko?

“Nako, salamat, ‘nak. Nagkabala ka pa,” nakangiti pang sabi ni daddy.

Reportedly DatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon