Life can be cruel to us everytime. May mga panahong akala natin ay wala ng magandang nangyayari pa sa atin, doon tayo nagkakamali.
The fact that we are waking up each day, that we are surviving, we can be the happiest person in the world.
Waking up is a chance, to make a difference, to do what we want to do. . . to love ourselves and to be true.
Noong unang araw kong iminulat ang mga mata nang wala ng ibang naaalala, pakiramdam ko ay tumigil na rin ang buhay ko. It was as if I am dead pero ramdam na ramdam ko pa ang pahinga.
Unang araw na hindi ko magawang masagot ng mga tanong na tungkol sa akin, para rin ako noong onti-unting pinapatay.
The moment they ask me about my name at hindi ko nagawang makasagot. Nang gumising akong hindi ko na maalala ang mga taong nag-aabang sa paggising ko noon.
It was beyond the pain and frustration.
Nakakapagod na ang mabuhay at gumising sa pagbabakasaling pagmulat muli ng mga mata ko ay magagawa ko nang maalala ang lahat.
Ang isang araw ay naging buwan. . . taon.
Ang isang taon ay naging labing-lima.
Mabilis akong niyakap ang ina pagkatapos na pagkatapos kong sabihin sa mga ito ang totoo.
Marahang hinapalos-haplos ni Cormac ang likod ko sa sobrang paghikbi bago ko tuluyang yakapin ang ina. She’s happy about it, inakala kong magagalit ang mga magulang dahil sa pagsisinungaling pero dahil maayos ko namang na-explain ang rason ko ay mabilis nila iyong naintindihan.
“Anak. . . Avery,” lumuluhang sabi ng ina.
Mabilis ko ring binalingan si Daddy na nakangiti lang sa malayo at katabi ni Kuya Jac. Mata na lang ng lalaki ang nagsabi sa aking masaya ito sa nalaman.
Nang makakalma ang lahat ay si Cormac naman ang inasikaso nila. Nagkaroon kami ng pagkukwentuhan at totoong hindi ako na-pressure sa hindi muna pagsasabi sa mga magulang ng tungkol sa amin ng lalaki.
Ang mesang iyon ang naging saksi kung paano kami naging masaya, kung paano namin itinuring na pamilya ang bawat isang naroon.
Labing-limang taon man ang nagdaan ay hindi iyon naging hadlang para sa aming tanggapin ang bawat isa.
Sa mga susunod pang araw, nakikinita ko nang magkakaroon din ng hustisya ang pagkamatay ng mga magulang ni Cormac at kami mismo ang tutuklas sa naganap na krimeng iyon.
At the end of all these, magiging masaya kaming lahat. Magiging maayos ang bawat isa. . . hinding-hindi na muling magkakahiwalay pa.
Halos hindi matapos ang araw na iyon para sa amin. Hindi tinigilan ng mga magulang ko si Cormac na mai-kwento ang lahat ng napagdaanan ng lalaki.
Katulad namin ni Kuya, gusto rin nilang malaman kung paano naging malakas si Cormac sa kabila ng lahat.
Gabi na noong napagpasyahang umuwi ni Cormac. Mabilis na nakatulog ng mga magulang ko at si Kuya Jac na ang nag-asikaso sakanila.
Magkahawak ang mga kamay, tinungo naming ang labas ng bahay. Sumakto namang walang dalang kotse si Cormac ngayon dahil nagkaroon sila ng madaling inuman nila kuya at daddy kanina.
Sa taxi na lang muna siya sasakay kaya mas lalo lang akong napalagay.
Mas pinili naming maglakad-lakad sa loob ng subdivision. Hindi ka na halos makakakita ng taong naglalakad-lakad gayong maaga pa naman.
“Liligawan kita, araw-araw. . .”
Pakiramdam ko ay biglang nanlambot ang tuhod ko at muntik pang matumba sa daan. Mabuti na lang ay nahawakan akong agad ni Cormac at naalalayan.
“‘Wag mo nga akong ginugulat.” Seryoso ang pagkakasabi ko noon pero hinahabol ko ang hininga dahil sa malakas na pagtibok ng puso.
Kung ano man ang nangyayari, hindi ko na maintindihan.
For the past fifteen years, hindi na ako nakapagfocus pa sa ibang bagay maliban sa pamilya at trabaho. Hindi ko alam kung nagiging OA ba ako o talagang bago sa akin ang nararamdaman.
“Gusto kitang ligawan, Avery.” hindi mapipigilang sabi ng lalaking katabi sa paglalakad.
Mahigpit naman ang naging paghawak ko sa laylayan ng t-shirt na suot. ‘Pwede bang maghinay-hinay ka, Cormac’, gusto ko sanang sabihin sakanya ang bagay na iyon pero hindi umaayon ang bibig ko rito.
“You are my girlfriend now. . . pero gusto kong araw-araw kang ligawan. I want to make you feel that love everyday. Iyong love na hinding-hindi mawawala, Av.” masuyo nitong sabi na nakatitig sa akin. Mayamaya ay hinalikan ang likod ng mga palad ko.
“I kinda regret that, though. Wala akong ibang ginawa sa‘yo noon kundi sungitan ka.”
Sabay kaming napahalakhak ng lalaki. Ngayon pa lang, naiisip ko na ang kailangan kong gawin para rito.
Kailangan naming maayos ang dokumentaryo, kailangang lumabas iyon sa kahit anong paraan at lugar—nang sa gayon ay makita ito ng suspek.
Cormac. . . he deserves the world. Napakasakit na sa murang edad ay nagawa na nilang sirain ang buhay ng lalaki.
Nagtagal pa ang pag-uusap namin habang inaantay ang tawag ng taxi na na-contact.
“Sigurado ka na ba talaga sa documentary? There is a murder case involve, siguradong pag-uusapan ‘yan ng tao. Masyadong risky ‘yun, Mac. Hindi pwedeng hindi tayo hundred percent sure sa kilos, ‘di ba?” sunod-sunod na tanong ko.
Tumigil sa paglakad ang lalaki, hinarap ako at inilagay ang mga kamay niya sa magkabila kong balikat. “Natatakot ba ang girlfriend ko?”
Marahan akong napapikit nang marinig iyon—napakasarap sa tainga. I may be new to these things pero alam na alam ko ang ibig sabihin nang malakas na pagkabog ng dibdib at ang mga paru-paro sa tiyan.
“O-Of course not!” Sinubukan kong magtaray.
“Mas lalo kang nagiging maganda sa paningin ko,” seryoso nitong sabi saka pinupog ng halik ang buong mukha ko.
“This may be our first time, but I’ll make sure this would last.” Ngumiting muli si Cormac bago hinaplos-haplos ang buhok ko. “Planado na ang documentary, Av. Wala na tayong dapat ikatakot. Mahuhuli rin natin ang suspek at sinisigurado kong pagkatapos ng lahat ng ito. . .”
Sinalubong ko ang ngiti niya, inaantay ang sunod na sasabihin. “Pakakasalan kita.”
Nanlaki ang mata ko, dumapo ang kamay sa bibig at paonti-unting humalakhak. “What?”
Pareha kaming napatingin sa ilaw ng isang taxi, papasok iyon sa subdivision. Pagkatapos, tumunog na rin ang telepono ni Cormac, nagpakita roon ang tawag mula sa driver.
“You’re drunk,” pahabol kong sabi bago huminto ang taxi sa harapan mismo namin.
Madali akong niyakap ng lalaki, hinalikan sa noo, at saka muling niyakan nang mahigpit. “I am drunk, and I’ll marry you.”
Mabilis akong pinamulahan ng pisngi. Gusto ko mang singhalan pa ang lalaki ay tuluyan na itong sumakay sa taxi.
Kahit pa nakaalis na iyon, napakalakas pa rin ng tibok ng puso ko. Kaonting minuto na lang ata ay tuluyan na iyong lalabas.
Nang tumunog ang sariling cellphone, mabilis ko iyong sinagot—hindi ko na nagawang tingnan kung sino marahil ang tumawag. Inisip kong si Cormac iyon at mangungulit. “Hey. . .”
“Avery?”
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang boses ni Ma’am Cassandra sa kabilang linya. Timbre pa lang ng boses niya, alam ko na agad na may hindi magandang nangyayari sa opisina.
“Ma’am Cassandra, nasa BSE pa po kayo?” tanong ko rito.
Nag-antay ako ng ilang minuto para sa sagot. Ilang buntong-hininga pa ang nagawa ng babae bago ito magsalita, “The video. . . the video recording of Mr. Carter–”
“A-Ano po?”
“It’s gone, Av. Nawawala ang video ng lalaki.”
BINABASA MO ANG
Reportedly Dating
RomanceSi Avery Taylor ay isang Television Reporter na labis na hinahangad ang taon-taong parangal. Ngayong taon, nahanap na nila ang sagot sa parangal at recognition na iyon. Simple lang ang gagawin, gumawa ng report tungkol sa buhay ng isang napakayamang...