Forty-five: It's a yes

368 14 1
                                    

Life is all about finding what and whys, talagang napatunayan ko iyon. Noong una akong gumising mula sa napakatagal na pagkakatulog, walang kahit na sino at anong makilala, I automatically asked God, ‘why?’ Kahit hindi ko pa alam ang totoo at eksaktong nangyari, naitanong ko na agad kung bakit. Bakit ako? Bakit doon magsisimula ang mga paghihirap ko?

It wasn’t an easy journey. Hindi naging madali ang pagbalik ko sa pag-aaral, ang pagkakaroon ng mga kaibigan. Nawala ang alaala ko’t napakahirap humakbang muli. Sa isang iglap, ramdam kong parang bigla akong nawalan ng silbi, ng kayang gawin.

With my family’s support, I started to live again. Nagawa kong makapagtapos ng pag-aaral at makakuha ng trabaho sa matagal nang pinapangarap na kompanya. Everything became so fine, until I met him. Sa labing limang taon, akala ko alam ko na ang lahat. I never doubted all the words na ipinasok nila sa utak ko. Ni minsan, hindi ko inasahang magagawa iyon ni Dad at ganoon kagulo ang takbo ng buhay.

Sa muli, I questioned Him, ‘why?’. Bakit kung kalian naging maayos na akong muli, bakit kung kalian nagawa ko nang tanggapin ang mga bagay-bagay ay saka naman ako muling guguluhin ng katotohanan.

When we found what may be the problem is, madali sa atin ang sundan iyon ng tanong na bakit kaysa humanap ng maaaring solusyon. Iyon ang natutunan ko sa lahat ng nangyari.NI minsan, hindi ko dapat Siya ginawang kwestyunin dahil higit kaninuman, ang Panginoon ang may hawak ng lahat.

May plano siya para sa ating lahat at hindi dapat natin siya pangunahan doon, instead we should work hard for our improvements and for the dreams that we want to achieve.

God breaks things that will break us. Maaaring hindi ibigay sa akin ang isang bagay sa paraang gusto at plinano natin.

Gusto kong mahanap ang totoong sarili, iyon ang sinabi ko sa sarili nang malaman kong nagkaroon ako ng amnesia fifteen years ago. Hindi natitigil kakaiyak si mommy sa tabi ko at hindi naman maipinta ang mukha ni Kuya Jac at daddy. Ang sabi ko noon, I hope god will answer all my questions—kahit matagalan, basta malinawan.

And today, He gave me the answer I’ve been waiting for, for the past years.

Bakit kailangang mangyari ang lahat ng iyon sa akin?

Para sa araw na ito. A day that I became truly happy. Araw kung saan nagawa kong tanggapin ang lahat, mas alagaan at mahalin ang sarili pati na ang mga taong nakapaligid sa akin. Araw kung kailan isinuko ko ang sarili ko Sakanya.

My dad might be in jail pero masaya akong nagagawa nitong tanggapin, aminin at pagbayaran ang ginawa. Si mommy, maaaring nalulungkot ito ngayon kaya alam ko sa sariling gagawin ko ang lahat para mas maging mabuting anak dito. This will be my chance to take good care of her. Si Jacques, mas itinutuon na ang atensyon sa pag-aaral and I promise to be with his side every inch of the way.

Si Kuya Jac. . . I can’t be more happy with him. Nahirapan man ito sa pag-aahon ng kompanya dahil sa nangyari, alam kong kakayanin nitong mas maiptaguyod ang kompanya lalo pa’t may bago na itong kasama ngayon. Silly me, I became so inattentive with Kuya Jac kaya hindi ko na tuloy nagawang kulitin ang lalaki sa bago nitong kinikita. But still, I am more than happy dahil nakalabas na siya sa stage ng sakit dahil sa dati nitong girlfriend. Hindi lang ako makapaniwala kung kaninong kamay ang hawak nito ngayon.

“Av, where is CC?” agad na tanong nito sa akin kahit pasuray-suray na ang lakad. Napaka-wasted na nitong tingnan at akala mo ay iyong walang kompanyang aasa sakanya kinabukasan.

Nauna kasi ito sa venue rito sa C.C Cars samantalang kinailangan pa naming tapusin gang awarding at humarap sa media.

Bahagyang bumaba ang tingin ko sasuot ko nang singsing nang maalala ang nangyari kanina. Hindi naging purong mabuti ang buhay para samin but here we are, facing all the struggles together, ganoon din ang aasahan kong sitwasyon sa mga taon pang dadaanan.

Reportedly DatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon