“Are you out of your mind?” Mababasag ata ang eardrums ko sa sigaw na iyon ni Ma'am Cassandra, our Editor-in-Chief. Sa sobrang pagkakakilala ko rito, halos sinabayan ko pa ang pagsigaw na iyon sa sariling isip. Alam na alam ko na kung ano pa man ang maaari niyang sabihin.
Nang maibaba ko ang tawag kanina ay kaagad ko siyang tinawagan para komunsulta. Itinanong ko na rin kung anong magandang sasakyan ang bilhin dahil mukhang napasubo akong bumili ng wala sa oras pagkatapos ay na-highblood na siya at nagsisisigaw.
“Ma'am, alam niyo namang hindi ‘yun masasayang. Kuya‘s been so addicted to cars. Ilang buwan na rin naman ay magbi-birthday na ‘yun. I could send that to him as a gift?” I've never been so unsure about this. Alam ni Ma'am Cassandra kung gaano kami nagmistulang aso‘t pusa ng kapatid. Kahit nga yata end of the world na kinabukasan ay hindi pa niya kami makikitang magkasundo ngayon.
“Kayo talagang mayayaman, ano? Ke basta-basta na lang gumagastos ng pera." Napailing na lang ako sa sinasabi niya. Lagpas tatlumpong minuto na kami nag-uusap pero hindi niya pa rin ako nabibigyan ng ideya para sa bibilhing sasakyan.
“Hindi naman ho sa gano’n ‘yun, Ma'am. Wala lang talaga akong choice. This is the only choice I have. Kung hindi ko pa ‘to itutuloy ay paniguradong mauunahan na ako ng iba,” paliwanag ko. Gustuhin ko mang kulitin pa ang babae ay sumuko na lang ako. If I need anyone who can help me with cars, dapat talagang si Kuya Jac na ang tinawagan ko.
Dali-dali kong kinuha ang gamit at lumabas ng condo. I should be going by now. Mas maaga, mas matagal ang oras na pupwede kong makausap at makumbinsi ang Mr. Carter na ‘yan.
Habang nagmamaneho ay minabuti ko nang tawagan si Kuya. I am just hoping he'll help me. Pagkatapos ng ilang ring ay sinagot niya na agad ito. “Masyadong maaga para mambulabog, Av.”
He sounded good kaya naman halos pumalakpak ang tainga ko. Minsan lang kasi mangyaring nasa tamang ayos ang utak ng kuya kong walang ibang magawa kundi ang asarin ako nang asarin. “I need your help. You busy?”
Humalakhak ang lalaki na para bang tama ito ng hinala sa biglaan kong pagtawag. “What is it? Binabantayan ko pa si Jacques but he's sleeping. Tell me. Lalaki ba ‘yan?"
”Men are tr**h,” deretsahan kong sabi. Hindi ko pa rin inaalis ang tingin sa daan.
“Women, too.” Eto na naman kami. T‘wing sinasabi ‘yan ng kapatid ko ay talagang natatahimik na lang ako. Gaano ko man kagustong ipagtanggol ang kababaihan ay hindi ko magawa.
Niloko ang kuya ko ng fiancee niya ilang araw bago ang inaabangan nilang kasal. We found out that the girl is pregnant by some other guy — lalaking kinakasama niya pala no’ng hindi nagagawang umuwi ni kuya araw-araw dahil sa trabaho. Jacques, their child, was just one back then. Sa huli, iyong yaya na kinuha nila kuya na mismo ang nagpatunay na may dinadalang ibang lalaki ang fiancee niya sa bahay mismo nila.
Parang bilang naglaho rin si Kuya Jac sa buhay namin noon. Oo nga’t palagi kaming nag-aaway pero away-bata lang naman iyon. Nandito pa rin kaming dalawa para sa isa’t isa.
Inabot siya ng halos isang taon para matanggap ang lahat. It was a long-term relationship. Simula pa no’ng high school ay kasama na nila ang isa‘t isa, ilang taon nilang pinagplanuhan kasal pero no’ng araw na lang ang pagitan, do’n pa nagkagulo ang lahat.
But then, I am glad that we had a chance to found that out soon enough. Paano na lang kung natuloy ang kasal bago malaman ang totoo? It will be more disastrous for kuya.
The incident happened two years ago. Jacques' now three at kahit papaano ay nagiging okay naman na si Kuya. He may be a little jerk but I love him pati na ang anak niya na mag-isa niyang tinataguyod.
“Come on. Ano ba kasi ‘yun?”
Mabilis kong narating ang lugar at dali-dali na rin akong naghanap ng lugar for parking. Their main branch is hella huge! Ilang sasakyan kaya ang makikit mo rito at gaano kaya kahigpit ang security?
“I’m at the C.C Cars right now. Which car do you like best here?”
Napamura bahagya si Kuya Jac bago sumagot, “You buying for me?”
Ilang buntong-hininga pa ang pinakawalan ko bago lumabas ng sasakyan. Ilang beses ko ring inayos ang damit na bahagyang nagusot dahil sa pagmamadali. “Just answer the goddamn question, Kuya.”
“So you are really buying that for me? Yie, birthday present!”
This is annoying. “Shut up, will you? I'm buying it for Jacques!”
Hinayaan ko lang ang kapatid na tumawa nang tumawa. He'll stop soon, I know him.
Pagkarating sa gate ay mabilis akong binati ng guwardyang naroon. Totoo nga talagang grabe ang security rito. The place is very intimidating as well. Kung ano ang magnanakaw, hindi talaga ito ang lugar na pipiliin ko.
“Fine. Go, get me that 1991 Black Eagle.” Mabilis kong pinatay ang tawag. Bahala na siya sa buhay niya. Ang gusto ko lang naman ay ang pangalan ng sasakyang bibilhin para hindi na ako magmukhang tanga at magtagal pa rito. Nakakapangilabot! Para na rin akong pumasok sa haunted house.
“Excuse me. I'm here for Mr. Cormac Carter,” agad kong sabi nang marating ko ang lobby. Marahan kong ngitian ang babae roon saka ipinakita ang identification card na dala. Bahagya itong kumilos para siguro sabihan ang lalaki tungkol sa akin pero agad na akong nagpakilala.
“Avery Taylor from BSE News.”
“Nako! Sorry, Ma’am. We can’t let you in–”
“Let her in, Jessica.”
Mabilis akong giniya ng babae sa opisina ni Mr. Carter. Humingi na rin ito ng pasensya dahil hindi raw umano niya alam.
The place is very pleasing in the eyes. Para na rin akong pumasok sa isang hotel sa sobrang elegante ng mga gamit, hagdan at kung ano-ano pa roon. Ilang minuto pa ay tumigil kami sa isang mataas na pinto. This is Cormac Carter's office and it screams real elegance.
Ngayon pa lang, may maliit na boses ng nagsasalita sa isip ko kung gaano kayaman ang lalaki. I just hope na hindi lang siya mayaman. Sana ay hindi lang ito nag-uumapaw sa pera at mayroon din itong ugali.
This is all trash if he doesn't have any of that.
“You can enter the room, Ma'am. I’ll be downstairs,” sabi pa ng babaeng tinawag ni Mr. Carter kanina bilang Jessica.
Ginawa kong magpasalamat bago pihitin ang doorknob at buksan ang pinto. Nanuot sa ilong ko ang napakabagong amoy. It was as if ‘thunder’ has its own smell. Napakamanly at malamig sa ilong.
Ilang sandali pa, nilapitan na ako ng lalaking hindi man lang ako nagawang pansinin sa mga interviews noon. There is really something about him.
He seems so. . . mysterious. . . heartless.
His aura screams danger.
Kumurba ang mga labi niya para sa isang makapanindig-balahibong ngisi. “So, Miss Taylor. Which car are you going to take?”
BINABASA MO ANG
Reportedly Dating
RomanceSi Avery Taylor ay isang Television Reporter na labis na hinahangad ang taon-taong parangal. Ngayong taon, nahanap na nila ang sagot sa parangal at recognition na iyon. Simple lang ang gagawin, gumawa ng report tungkol sa buhay ng isang napakayamang...