Kinaumagahan, halos baliktarin ko ang bahay nang hindi ko magawang hagilapin ang sketch na pinagpuyatan ko kagabi.
Nang matapos ang pag-uusap namin ni Ma’am Cassandra, sinabihan ako nitong huwag na munang magpunta sa kompanya dahil siya na raw ang bahala ay dumeretso ako sa bahay ng mga magulang para doon na muna manatili. Pagdating ko, nakaalis na si Kuya at napag-usapan na nilang I will stay with my parents the whole night.
Hindi rin naman ako agad dinalaw ng antok kaya inabala ko ang sarili ko sa pagdo-drawing. Saktong-sakto ang sketch na iyon sa taong nakikita ko mismo sa isip.
Nahalughog ko na ang sariling kwarto, wala na rin sa kusina o hindi naman kaya sa sala.
I should be going by now. Hindi na ako nakapunta kagabi sa opisina kaya sinabi ko sa sariling aagahan ko ang pagpunta ngayon. But without that sketch, hindi ko ata alam kung paano ko marahil haharapin si Cormac gayong alam na niya at umasa na siya tungkol doon.
“Where is it?” pakikipag-usap ko sa mga gamit na naroon na para bang maituturo ng mga ito sa akin ang kinalalagyan ng hinahanap. “Maayos naman kitang tinago kagabi. . .”
“Ito ba, Avery?”
Mabilis akong bumaling sa likuran, gulat nang makita ko ang amang hawak ang papel na may mukha ng lalaking iniisip naming suspek sa pagpatay sa mga magulang ni Cormac.
Gustuhin ko mang hablutin na lang iyon basta sa ama ay mas pinigilan ko ang sarili. I don’t want to be more suspicious. Hilig ko naman talaga ang magdrawing noon pa at alam naman iyon ng lalaki.
“Yes, Daddy. Salamat po,” gagad ko pagkatapos ay akmang hahablutin na noong mabilis iyong iniwas ng ama sa akin.
“Dad?”
“What’s with this sketch at parang handa kang guluhin ang buong bahay?” sabi nitong tumatawa-tawa.
Right. Bakit nga ba ako kinakabahan?
He’s my dad, afterall.
“Kailangan na kailangan sa trabaho ko, Dad. Also, he’s a character sa gagawin kong webtoon soon. The antagonist.” Pinantayan ko ang ngisi niya at sinamahan pa ng pagtaas-taas ng mga kilay.
Mabilis na ginulo ni daddy ang buhok ko saka inabot sa akin ang papel na hawak. Agad ko siyang niyakap at naghanda sa pag-alis.
I should be calling Cormac and Kuya Jac by now. Paniguradong papunta na rin ang mga ito sa BSE. Ma’am Cassandra will definitely freak out kapag hindi niya pa rin nahahagilap ang video recording.
The video recording itself doesn’t really matter. Nasa amin ang alas—si Cormac. Kayang-kaya namin ulit-ulitin ang video, pero hindi iyon ang inaalala ko.
Sino ang mag-iinteres sa bidyo kung saan naroon ang buhay ni Cormac? Sino ba ang unang gagawa nang move kapag naisapublikong ang buhay nga ng lalaki ang itatampok namin sa dokumentaryo?
“Anyway, ‘nak. . .”
Muli kong hinarap si daddy na seryoso ang tingin sa akin.
Alam kong nag-aalala pa ito sa sitwasyon ko pero ilang beses ko na ring nasabi sakanilang maayos naman ang pakiramdam. Isa pa, hindi ko naman pinapagod ang sarili kaya hindi na dapat sila mag-isip pa.
“I think I saw that man somewhere. . .” sunod na sabi nito.
Para bang lumaki ang tainga ko at awtomatiko akong napalapit sa lalaki. Mariing inaantay ang sunod na sasabihin ng ama.
“Hindi ko nga lang maalala kung saan, ‘nak.” dagdag ng ama ko.
Tuloy-tuloy akong sinakop ng kaba. If my daddy saw that man, malaki ang posibilidad na narito lang ito at pagala-gala sa paligid namin. Paano kung alam na nito ang mga kinikilos ni Cormac? Paano kung mayroon ng sariling plano ang lalaki?
BINABASA MO ANG
Reportedly Dating
RomanceSi Avery Taylor ay isang Television Reporter na labis na hinahangad ang taon-taong parangal. Ngayong taon, nahanap na nila ang sagot sa parangal at recognition na iyon. Simple lang ang gagawin, gumawa ng report tungkol sa buhay ng isang napakayamang...