Forty-one: The accident

298 16 1
                                    

Anak,

This is the first time that I am writing you a letter—I didn’t expect this. I didn’t tend to write you one dahil hindi ko naman ni minsan inasahang mapapalayo ako sainyo ng mommy mo. I’ve always regret everything that I did before. Dahil sa galit at pagseselos na iyon, matagal kayong naghirap ni Cormac. I’m sorry, anak.

I always want to reach out to you, hug you, or hindi naman kaya makipag-asaran sa’yo pag-uwi galing opisina katulad ng dati pero hindi ko magawa. Miss na miss ko na kayong lahat, Avery, kayo ni mommy, Jac at Jacques, Alam ko, hindi sapat ang sorry lang kaya tinatanggap ko ng buong puso ang parusa.

Ang parusang iyon ay hindi lang dahil nasa kulungan ako pero dahil ‘yun sa hindi ko magawang makita ang pamilya ko. That’s what it really means.

Kaya pasensya ka na. Ako pa rin naman ang best dad, hindi ba?

As for me, hindi mo kailangang mag-alala. I am living well here. Maayos naman ang pagtrato sa akin ng mga kasama pati na mga jail officers. Hindi niyo rin kailangang mag-alala tungkol sa pagkain ko o kung ano pa man. You know Dad, he’s very strong.

Susulat lang ako nang susulat para hindi natin masyadong ma-miss ang isa’t isa.

Anak, I want to make things clearer with Cormac. Napapadalas ang pagbisita ng batang iyon dito. Kahit siya, tuloy-tuloy rin ang pag-aalaga sa akin katulad ni Kuya Jac mo. Isang beses, he reached out to me, crying. Ang sabi niya, gusto niya lang namang mabigyan ng hustisya ang pagkawala ng mga magulang niya pero bakit tuluyan kang nawala sakanya. He can’t seem to calm down. Pinagdududahan niya ang desisyong nagawa, telling me na kung hindi na niya tinuloy ang pag-iimbestiga, paniguradong masaya pa rin kayo ngayon.

I’m sorry for ruining your relationship. I didn’t think rationally back then. Ang inisip ko lang ay ang sarili ko. Pinagsisisihan ko iyon, anak.

Ang gusto ko lang ngayon ay sana, bigyan mo pa ng pagkakataon ang lalaki. Av, he’s a good guy. Napatunayan na noon sa akin kung gaano ka nito kamahal. Pamilyar ang mga mata at titig na iyon sa akin, nakikita ko ang sarili ko sakanya—katulad ng pagmamahal ko sa mommy mo.

Hindi ko naman sinasabing dapat, hindi ko pinagtutulakan sa’yo ang lalaki. I just hope you’ll reconsider the thought of coming back to him. Hindi ko rin halos matanggap na nasira ko ang relasyon ninyong dalawa dahil sa ginawa fifteen years ago.

Hindi ako namimilit. It will be your choice, anyway. Basta, ipasok mo si Cormac sa pagpipilian. Wag mong kalimutang dalhin sa akin ang mga lalaking nakakahalubilo mo, ha?

I love you, Av. I am praying for your happiness.

Dad

Pagkatapos mabasa ang sulat na iyon, naging blanko ang lahat para sa sistema ko.

Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko kung totoo ba ang lahat ng iyon, kung totoo ba ang nararamdaman ni Cormac para sa akin.

Our relationship didn’t last long pero napakalaking bagay noon sa akin.

Ni hindi man namin nagawang makapagdate, makalabas at gumawa ng kahit anong bagay, masaya pa rin akong nagawa ko itong makasama.

The thing is, I am scared—really, really scared. Natatakot akong baka kapag sumugal akong muli, may mangyari na namang masama.

Sunod-sunod ang naging pagtulo ng luha ko nang makita ang iilang mga pictures namin ni Cormac. Karamihan sa mga ito ay kuha pa noong 2005, unang taon ko pa lang sa highschool samantalang ika-apat naman para kay Cormac at Kuya Jac.

“Give him another chance. He got my blessing.”

Nakakatakot. Hindi ko alam kung handa na ako para sa bagay na iyon.

Napahawak ako sa dibdib, sa tapat mismo nang pinagmumulan nang malakas na pagkalabog ng puso.

“Kuya. . . I broke that promise. Ngayon, nandito na ako, I am fine! I am breathing! He needs me, he needs us. I know that may be a man thing but Cormac’s different. Kinaya man niya noong nakaraang mga taon, I won’t let him suffer the same intensity of pain alone.”

Naalala ko ang lahat. . . sa kung gaano ko kagustong tuparin ang lahat ng pinangako kay Cormac.

“Kapit ka lang dyan, ha? You’ll not suffer alone this time. Abe is here. . .”

Nanghihina ang mga tuhod ko nang mas pinili ko ang maupo. Ano bang nangyari sa akin? Ano ba talaga ang mas pinauuna ko?

Nasayang na ang napakaraming taon sa amin ng lalaki pero patuloy ko pa ring iyong sinasayang ngayon.

I am so pathetic.

“God knows how grateful I am. Ilang taon ko ‘tong pinagdasal, Av.  . . every time, before I go to sleep, I always ask him to make you safe until I find you. Sinabi ko ‘yun kasi alam ko sa sarili kong kapag nahanap kita, I’ll do everything I can to protect you.”

Bumungkaras ang tunog ng cellphone ko pero walang gana ko lang iyong kinuha. Wala naman talaga akong balak sagutin pero natauhan ako nang makita ang pangalan ni Kuya Jac.

“That’s my first promise, Avery. I promise to protect you, day and night. . . always. . . I’ll never let you to be out of my sight again. I promise to love you, ‘til the rest of my life at mamahalin pa rin kita kahit pa kasama ko na ang mga magulang sa sunod na buhay. And lastly, pagkatapos ng lahat ng ito, I’ll make sure to share all my promises sa harap ng mga tao at ng Panginoon.”

Kaagad kong sinagot ang tawag, iniwan muna sa kwarto ang iilang mga kalat. “Kuys, what’s up–”

“Mac. . . he, he got into an accident. Papunta kami ngayon sa ospital, hindi ko alam kung anong nangyari sa ngayon but he’s unconscious–”

Hindi katulad ng mga napapanood sa mga teleserye, katulad noong biglang sisigaw ang bida, magwawala, at agad na tatakbo sa lugar, pinatay ko ang tawag na iyon ni Kuya Jac bago tuluyang dumausdos sa sahig. Tila ba ayaw kong marinig ang mga iyon, ayaw kong malaman kung ano talaga ang nangyari.

Ilang minuto kong hindi maintindihan, hindi ko maisip kung ano ang uunahin. Hindi ko alam kung dapat ba iyong paniwalaan.

Pinagti-tripan lang siguro ako ni Kuya.

At the moment, sobra-sobra kong ipinananalanging sana nga. . . sana nga katulad ng nakasanayan, pinagtitripan lang ako ni Kuya Jac.

Pero nang makarating ako sa ospital na iyon, kitang-kita ko mismo kung paano buhatin ang walang malay na si Cormac para sana ilipat sa hospital stretcher.

Nakakamanhid. Nakakatakot.

Una akong nilapitan ni Kuya Jac. Itatanong pa lang sana nito kung ayos lang ba ako nang nagtuloy ako sa paghabol sa stretcher na iyon, labis-labis ang pag-iyak.

This can’t be happening. Hindi pwede, hindi pwedeng kay Cormac naman mayroong mangyaring masama.

“Mac,” pauna kong sabi. Sinusundan ang mabilis na pagkilos ng mga nurse na nag-a-assist doon. “Cormac, stay with me, okay?”

“Macky, open your eyes, pwede ba?” Niyuyugyog ko ang katawan nito, umaasa akong kapag naramdaman nito ang presensya ko ay magmumulat ito ng mata pero hindi. Ilang beses ko iyong ginawa pero bigo ako.

“Cormac, this should better be good. Please, please. . . open your eyes–”

“Ma’am, hanggang dito na lang po muna kayo. . .” Mas lalo akong naging aligaga sa mga salitang iyon.

Mas ginusto ko itong habulan, mas gusto ko siyang hawakan at kumbinsihing gumising.

“Mac! Cormac, ano ba!”

Walang kapag-a-pag-asang bumagsak ang mga tuhod ko sa sahig ng ospital. Inilabas ko ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan dahil sa sobrang takot at kaba.

“Mahal kita. . . mahal kita, Cormac. I’ll be waiting for you to wake up,” humahagulgol pang sabi ko. “Mag-aantay ako, Mac. . .”

Kung kailan naman. . .

Kung kailan naman handa ko na siyang harapin, kung kailan tinalikuran ko na ang pagiging duwag.

Reportedly DatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon