“Everything’s doing fine, sister. Nakakatuwa na mas marami nang mga bata ang narito,” masiglang sabi ni Cormac habang sunod-sunod ang pagsubo ng pagkain.
Wala akong ibang nagawa kundi ang mamanagha. Si Cormac Carter ba talaga ang nakikita ko ngayon?
Higit pa sa nalaman kong hindi siya totoong anak ng mga magulang ay nakakabiglang may ganito siyang personalidad. He seems so different. Talagang nakakapanibago.
But then, kahit pa walang pakundangan ang sama ng loob ko sa lalaki ay hindi ko pa rin mapigilang maging masaya para rito.
I may be a little out of place pero hindi ko na iyon pinansin. Mababait ang mga madre rito pati na ang mga bata. Hindi ko lang alam kung bakit hindi ko magawang makihalubilo.
Maybe, it’s about the truth. The fact na hindi totoong Carter si Cormac, iyon ang nagpapalungkot pang lalo sa akin.
“I am glad that they are at home. . .” pagpapatuloy ng lalaki. “The anniversary’s coming. May plano na po ba kayo?”
Sa buong pananghalian ay hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang pupwedeng maramdaman dahil sa nalaman.
Is this really worth the risk? Kung isisiwalat ko sa madlang hindi totoong anak ng mga Carter si Cormac, nakakaapekto ba ito sa katauhan ng lalaki?
C.C Cars’ at the top. Malaki ang tiwala rito ng tao dahil may tiwala sila mismo kay Cormac at hindi dahil sa apelyidong hawak nito.
We could actually turn his story into an inspiring one. Paniguradong hindi magiging kawawa ang kompanya dahil pupwede pa ngang mas dumami ang maging investors at costumers nito.
We really need to pursue the documentary. I need to do this.
“Miss!”
Pagkatapos makakain ay minabuti kong iwan muna si Cormac kasama ang mga madre lalo pa’t pinag-uusapan ng mga ito ang nalalapit ng anibersaryo ng ampunan.
Sinundan ko ng tingin ang pinanggalingan ng boses. Doon ay bumungad sa akin ang nakangiting babae na sa tingin ko‘y nasa kinse o dise-sais anyos.
Ayaw ko namang magmukhang masungit sa mga bata lalo pa’t ito ang unang beses na makikita nila ako kaya madali akong lumapit sakanya.
Matangkad ang babae, but her face tells me otherwise. Iyon ang naging basehan ko sa pag-aanalisa ng edad nito.
“Hi! Kumain ka na ba?” panimula ko, trying to be friendly and such.
Inisip ko kasing dahil mas nakakatanda ito sa iba pang mga bata rito ay makakuha ako rito ng kausap.
Ngumisi ako nang malaki, pilit kong kinukumbinsi ang kaharap para sana mapalagay ito.
“Are you his girlfriend?” Matalim ang pagkakasabi niya noon kaya napamulagta ako.
“Ako? Girlfriend ako nino?” gulong-gulo kong sagot. Saka ko lang napansin na kaya pala naka-krus ang mga braso nito sa tapat ng dibdib niya at nakataas nang bahagya ang isang kilay dahil susungitan ako ng bata.
“Mr. Carter,” deretsong sabi niya.
I swear to the Gods and goddesses, sinubukan ko talagang huwag matawa dahil sa sinabi nito. Sa huli, pumasok sa isip ko ang isang katawa-tawang plano.
“Hindi na dapat kita tinatanong. I know he’s mine,” mataray pang gagad nito.
Mabilis kong inilibot ang tingin ko sa lugar. Wala ni isang anino ni Cormac akong nakikita kaya napalagay ako.
“What are you talking about?” Pagak ang pagtawa ko sa mismong harapan ng bata dahilan para mas lalong kumunot ang noo nito. “Ilang taon ka na ba?”
Mabilis nitong inayos ang tayo, nagmamalaki. “I’m eighteen. I’m an adult.”
Doon na ako bumungkaras ng tawa. Hiwalay pa sa anyo ng pagkakasabi noon ng babae ay naisio ko kung anong klase ang pagtrato ni Cormac sa babae para makaisip ng ganoon ang batang kaharap.
“I’m sorry to tell you this, kid, but hindi tipo ni Mr. Carter ang mga babaeng dekada ang pagitan ng edad sakanya.” taas-noo kong sabi, nagsisimula na sa pang-aasar. “In fact–” Itinaas ko ang kamay kung saan naroon ang suot kong singsing. “We’re engaged.”
Pasimple akong nag-antay ng reaksyon ng babae at hindi naman ako nabigo. Ilang segundo lang matapos magsink-in sa babae ang sinabi ko ay halos makakita ako ng usok na mula sa tainga at ilong nito.
I can’t help but to laugh hard.
“You’re what?” malakas na sigaw niya.
Tinakpan ko pa ang bibig sa lakas din ng tawa ko. Marahas ang paggalaw ng mga balikat ko dahil doon.
“You’re annoying!”
Hindi ko na halos nasundan ang mga sumunod na nangyati dahil sa hapdi ng biglang pagsabunot ng babae sa akin. Ang tawa ay biglang naging mga tili at pagsigaw ng tulong.
But come to think of it, kahit pa sinasabunutan ako ng bata ay hindi ko pa rin mapigilan ang matawa. That jerky Cormac, ano bang gayuma ang ibinigay nito sa bata?
Ilang minuto pa ay narinig ko na ang boses ni Cormac, “Sanya!”
“Sanya, ano bang ginagawa mo sa bisita?” gagad pa ng isang madre.
Mayamaya lang ay nagawa na nila kaming mapaghiwalay. This is just getting crazier. Hindi ako lumaban sa babae at siya lang itong sumabunot nang sumabunot pero hindi matigil ang pagtawa ko.
“Is that true?” naghuhuramentadong sabi ng batang si Sanya matapos kaming mapaghuwalay.
Nagawa kong ayusin ang buhok ko bago tuluyang bumaling sakanila.
“Ano ba ang nangyari, Sanya? Bakit ginawa mo ‘yun kay Miss Avery?”
Imbes na pansinin ni Sanya ang madre ay matalim lang ang naging titig nito kay Cormac na mukhang hindi rin alam ang gagawin.
“Are you engaged?!” The girl is throwing tantrums.
Seriously, ilang taon ba talaga ang batang ito?
“Engaged?” Nanlaki ang mata ni Cormac sa tanong na iyon saka mabilis na bumaling sa akin.
“But you told me–”
“Sanya, mag-uusap lang kami ni Avery.” Malamig ang pagkakasabi noon ni Cormac bago ako dinaluhan at hinila palayo sa lugar na iyon.
Nang makaalis, hindi ko na napigilan ang humalakhak. “What was that? Nagwala siya dahil sa’yo?”
“Hindi mo dapat ginawa ‘yun, Avery!” Nagulat ako sa singhal na iyon ni Cormac. He looks very pissed.
“What? Are you tolerating that girl? Kaya naman pala gano’n ang ugali niya–”
“She’s with her treatment! She has PSTD! Dapat pinabayaan mo na lang!”
Mabilis kong tinanggal ang kanang braso ko mula sa pagkakahawak niya, naiinis na.
Bakit parang ako pa ang may kasalanan? Inaasar ko lang naman siya. Siya naman iyong naunang magsungit at most especially, hindi ko naman alam kung sino ang batang iyon.
“She’s with her treatment. She has PSTD so stop tolerating her and feeding her up with those lies!” sigaw ko rito pabalik.
Mariing napapikit si Cormac sa sinabi kong iyon, nagtitimpi. “At anong ginawa mo? Didn’t you fed her with your lies, too? We’re not even engaged!”
Naiwala ko ang mga tawang kanina pa nasa sistema ko at naging seryoso ang mukha. Hindi ko maintindihan ang lalaki pero parang mas hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.
Deretso ko siyang tiningnan bago magsalita, “You are a trash.”
Mabilis ko siyang tinalikuran at naglakad palayo roon. Ang totoo, hindi ko alam ang lugar at wala sa akin ang mga gamit ko pero bahala na. Ang nasa isip ko lang ay ang makaalis.
BINABASA MO ANG
Reportedly Dating
RomanceSi Avery Taylor ay isang Television Reporter na labis na hinahangad ang taon-taong parangal. Ngayong taon, nahanap na nila ang sagot sa parangal at recognition na iyon. Simple lang ang gagawin, gumawa ng report tungkol sa buhay ng isang napakayamang...