“C! Why are you late? Nagseselos na ako sa trabaho mo!” Bumungkaras ng mga tawa ang mga lalaki, maliban kay Cormac, dahil sa sinabing iyon ni Raz, hindi ko rin napigilang makitawa. Sa sobrang seryoso kasi nito ni Stoney, hindi ko inaakalang nabu-bully pa siya ng mga kaibigan. Mukhang siya pa ang bully.
Stoney, the bully.
“Why the hell are you laughing?”
Parang nalunok ko ang tawa ko sa bigla niyang pagsasalita, mahina iyon kaya sigurado akong sa akin niya lang sinasabi. Mukhang nasanay na sa pambu-bully itong lalaki.
Sa tabing upuan ko siya pumwesto dahil iyon na lang din ang may maluwag na espasyo, pinagigitnaan naman nila ako ni Levi.
The boys were noisy as usual. Kung ano-ano ang pinagkukwentuhan, may tungkol sa opisina, trabaho, at paminsan-minsang nag-aasaran. While the man on my left were busy. . . being ‘bato’. Gusto kong matawa sa sarili ko. Nagiging bully na rin ako.
“What are you doing here? Bakit lalaki pa ang kasama mo? Alam ba ‘to ng boyfriend mo?”
Napadarag ako sa magkakasunod na tanong ng lalaking katabi. Minsan na nga lang siya magsalita pero akala mo palagi ay hinuhusgahan ka.
At boyfriend?
Anong boyfriend?
“Excuse me. Anong sinasabi mong boyfriend?” Hindi ko napigilang mailakas ang sinasabi. Maha-highblood ata ako sa pinagsasabi ng lalaking ito.
“Now, you are denying it. See? Kinuha niya nga ‘yung kotse mo kanina,” malamig na sabi pa rin ng lalaki.
Ilang minuto pa ang binilang bago ko tuluyang mapakalma ang saril. May kung anong kumislot sa isip ko nang maalala ang sinabi ni Kuya Jac, “Cormac Carter. I’ll see him later. May ipapasabi ka ba?”
“That motherfucker–” pabulong kong sabi bago nagmamadaling kinuha ang cellphone ko sa bag na dala.
Mabilis kong in-excuse ang sarili ko sa mga kasama at dumeretso sa labas. Bahala na si Cormac kung anong isipin niya basta yari rin sakin ang Kuya Jac ko. How dare he say that?
“My sister! Ku–”
“What the fuck did you say to him?” Malakas ang loob kong magsalita ng kung ano-ano dahil alam kong nasa banyo ako. Kung sino mang babae ang makakarinig ay siguradong hindi naman nila ako makikita dahil nasa isang cubicle ako.
Narinig kong tumawa si kuya sa kabilang linya. Nag-uupos man sa galit ay hinayaan ko muna ito at prenteng nag-antay sa paliwanag ng kapatid. “Wala naman, okay? Gusto ko lang tingnan ‘yung ekspresyon niya. Lalaki sa lalaki–”
“Kuya naman!” Para akong tangang nagpapapadyak sa loob ng cubicle. “Paano na ngayon ‘yan? Nakakahiya! Alam mo naman kung anong kailangan ko, ‘di ba?”
Humalakhak ulit si Kuya Jac at hinding-hindi na talaga ako nasisiyahan doon. “Seriously? Hindi ka interesado sa kung anong reaksyon niya? I really think he was furious. Parang gusto niya nga ako sapakin, eh!”
Ilang beses kong pinagsusuntok ang pinto sa sobrang panggigigil. “Wow! Paano pa ako makakalapit sa lalaki kung may concept na siyang ganyan? For all I know baka pinagbantaan mo pa! Kuya naman, you know how important AFA is! Dito kami magiging sure win kaya nagta-tyaga ako!”
Hindi ko na siya inantay magsalita, mabilis kong itinigil ang tawag. Nagdadabog pa akong lumabas dahil sa sobrang panggagalaiti. Wala na akong maisip na ibang alternative na plano kaya idi-deretso ko ang dapat na gawin.
Mabilis kong pinihit ang pinto ng VIP room na inuukupa, mabilis akong kinawayan ni Levi at inantay na makaupo.
“Wala ka naman talagang boyfriend, ‘di ba? You won’t lie to me,” mabilis nitong sabi dahilan para makuha noon ang atensyon ng iba pa naming mga kasama.
BINABASA MO ANG
Reportedly Dating
RomanceSi Avery Taylor ay isang Television Reporter na labis na hinahangad ang taon-taong parangal. Ngayong taon, nahanap na nila ang sagot sa parangal at recognition na iyon. Simple lang ang gagawin, gumawa ng report tungkol sa buhay ng isang napakayamang...