Twenty: She's in danger

389 15 0
                                    

Jac Taylor’s point of view

Napangiti ako nang makita ang mensaheng iyon mula kay Avery. Balik na naman sa pagiging malambing kahit ilang beses na kaming nagkasagutan tungkol sa proyektong ginagawa niya kasama si Cormac.

That guy. . . hanggang kalian niya ba guguluhin ang kapatid ko?

Dalawang oras na ang nagdaan magmula nang ma-receive ko ang mensahe pero ngayon ko pa lang ito magagawang reply-an. I’ve been very busy at my office at nakaligtaan ko ang cellphone sa bahay. I got home by lunch for Jacques at ipagpapatuloy na lang ang trabaho sa bahay katulad ng nakasanayan.

Umaga kasi ang pasok ni Jacques kaya iyon ang pinili kong oras para sa trabaho. Sa ganoong paraan ko na rin ito masusundo para sabay na umuwi sa bahay.

This child. . . he’s my everything. May mga bagay man na hindi ko nakuha at napagtagumpayan noon, masaya akong mayroon akong Jacques. Hindi na ako naghahangad pa ng ibang bagay at ipinagpapasalamat ko na ang kung anong mayroon ako ngayon.

“Dad, where’s Tita Ry?” narinig kong sabi ni Jacques nang makapasok sa bahay. Tinapos ko muna ang pagtitipa ng mensahe sa kapatid bago sagutin ang anak. “She’s at work.”

Sinalubong kami ng kasambahay kaya ibinilin ko na si Jacques sa babae. Madali ko ring inasikaso ang sarili. Hindi madali ang maging single father pero dahil naririto naman ang mga magulang pati na ang makulit na si Avery ay wala pa naman akong nagiging problema, maliban na lang sa time management. I may be the Chief Operating Officer sa sariling kompanya ng mga magulang ay hirap na hirap pa rin ako sa mga resposibilidad noon.

Dali-dali kong tinawagan ang kapatid, mangungumusta sana at itatanong kung kumain na ito. Avery is very independent kaya naman iyon ang ikinatatakot ko para sa kapatid. Alam kong kaya nitong gawin ang lahat ng bahay na gustuhin nito pero ikinatatakot ko ang pupwedeng kahinatnan ng babae.

Wala akong pakealam kung ituring man niya akong kontrabida sa pagpipigil ko sakanyang maging malapit kay Cormac pero pipilitin ko talaga silang maipaglayo.

Hindi pwede. . . Hindi pwedeng magkitang muli ang dalawa.

My sister is okay now. Wala na ang araw-araw na masasamang panaginip, ang oras-oras na pamamawis nang malamig dahil sa takot.

Patagal nang patagal natatanggap na ni Avery ang sitwasyon. Hindi na nito pinipilit ang makaalala kaya mas napapanatag kami roon.

Ginapang ako ng kaba nang hindi sumagot si Avery sa panlima kong pagtawag. Tuloy-tuloy lang ito sa pagring pero hindi man lang nagagawang sagutin iyon ng kapatid.

Paranoid ako, I must admit that. Pero sino bang hindi mapa-paranoid kapag ang lalaking kasama ng kapatid ko ang siyang sumira rin sa buhay niya.

Pinagbantaan ko na si Cormac tungkol sa bagay na iyan pero anong ginagawa niya? Ipinipilit niya pa talagang mapalapit kay Avery!

Ang pang-anim na tawag ay sa boss na ni Avery ko idineretso. Pagkatapos lang ng isang ring ay mabilis naman itong sumagot, “Mr. Taylor?”

“Avery’s not answering my calls. Where is she?” bungad ko agad. Hindi ko na muna ininda kung hindi maayos ang pagkakasabi kong iyon. Iba ang kutob ko sa araw na ito.

My sister is not in the safest place.

“Ha? Teka, twenty minutes ago, nagtext siya sa akin. She’s with Cormac going to . .”

Please, do not tell me they are going to Batangas. I would definitely kill Cormac for that. “Pagkilatan, Batangas. . .”

Napapikit na lang ako sa sobrang pagkadismaya. May plano nga ang lalaking iyon pero alam niya ba kung gaano kadelikado ang ginagawa niya?

Fuck! Makakasama iyon sa kalagayan ng kapatid ko!

Hindi na ako nakapagpasalamat sa boss nito. Dali-dali kong ibinaba ang tawag saka kinontak ang mga magulang. Si mommy ang nakasagot noon kaya ipinagpalagay kong nasa trabaho pa ang ama.

“Iho, napatawag ka. How’s Jacques?”

Pakiramdam ko ay nagkabuhol-buhol na ang mga salita sa dulo ng dila ko sa sobrang galit. Kapag may nangyari sa kapatid ko dahil sa ginawa niya, I’ll kill him!

“Ihahatid ko po muna sainyo si Jacques. I’m going to Pagkilatan–”

Kahit si mommy ay nabigla rin sa sinabi kong iyon. We’ve been to Batangas lalo na noong umaasa pa kaming maibabalik pa ang alaala ni Avery. Nagpabalik-balik din kami pero almost one year na rin simula noong huli kaming magpunta roon.

Avery is definitely scared right now. Kailangan kong magmadali.

“What? Why? Is everything okay?”

“Mom, we’re on our way there. Saka ko na lang po ipapaliwanag. I need to talk to Dad, too.”

Nang maibaba ang tawag, wala na akong inaksayang panahon. Dali-dali komg isinakay ang anak at nagmaneho papunta sa bahay ng mga magulang na hindi pa rin tinitigilang tawagan ang kapatid.

That jerk. Siguraduhin lang talaga niyang hindi mapapahamak ang kapatid ko dahil kung hindi, hindi niya alam kung ano ang pupwede kong magawa.

Kamuntik-muntikan nang mawala si Avery sa amin noon kaya hindi ko hahayaang maulit ang lahat.

“Talaga bang si Macmac ang batang iyon, Jac? Wala na tayong ibang balitang narinig sa lalaki simula nu’ng mangyari ‘yun–”

“Ma. . .” Pinigilan ko na ang mga salita ng simpatya. “Wala po akong pakealam sa lalaking ‘yun. Iniisip ko rito ang kapatid ko. Avery’s in danger because of that man—again! Hindi po nakikinig sa akin ang babaeng ‘yun. Hindi na dapat sila nagkikita pa!”

“Iho, calm down. Avery knows what to do. Matalinong babae ang kapatid mo, you don’t need to worry about–”

“Mommy, hindi pa nakaka-recover si Avery. She knows what to do, yes. Pero paano naman po ‘yung mga bagay na hindi niya maalala?” deretsahang sabi ko. Napalingon ako sa biglaang pagtikhim ng ama na naka-connect lang via FaceTime para makausap kami dahil nasa trabaho ito.

“Sigurado naman akong hindi siya pababayaan ni Cormac–”

“Bullshit!” Hindi ko na nakontrol ang bibig. Nanggagalaiti ako rito but our mother seems to be so calm about it.

“Jac, enough. . .” It was father’s turn to speak. “Go to Pagkilatan. Sunduin mo ang kapatid mo roon at itigil ang project na ginagawa nila. Ako ng bahala sa BSE. Your sister might be in real danger. I’ll ask my men to follow where you are going.” Kahit papaano, napanatag ako sa sinabi ng ama. Akala ko ay mas masasayang pa ang oras ko sa pagkukumbinsi sa mga ito.

I do not have enough time. Nakakatakot lalo na ngayong wala akong contact sa kapatid, mas lalo nang hindi ko maintindihan ang nararamdaman.

Bahagya kong tinanguan ang ama, ngumiti naman ito para kumpirmahin ang desisyon. Gaano man ako nakokonsensya sa bastos na bibig sa harapan ng ina, kailangan kong panindigan ang ginawa. Avery's been there for me the whole time lalong-lalo na sa mga panahong ako naman ang halos sumuko sa buhay. I can’t let her feel all the pain na matagal na niyang hindi naaalala.

“I’m sorry, Mommy. I am doing this for my sister–”

“Do you still think siya ang gumawa noon?” matalim na sabi ng ina. Naiintindihan ko kung ano ang pinanghuhugutan niya noon. Alam kong naiipit din ito sa sitwasyon pero ano bang dapat naming gawin? Kailangan naming protektahan si Avery—at all cost.

“I don’t know, Mom. . . hindi ko na alam.”

Paalis na ako nang higitin pa ni mommy ang mga braso ko. “Just please, give that man a second chance. He’s innocent. . . he can’t do that. Kilala mo si Cormac–”

“Hinding-hindi ko siya mapapatawad kapag may mangyaring masama sa kapatid ko, Mommy. . . sa pangalawang pagkakataon. . .” Binalingan ko ang maluha-luha na ngayong ina. “Baka magkaroon kayo ng anak na kriminal.”

Reportedly DatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon