Ten: Meet the parents

419 17 1
                                    

Pasimple kong ibinaba ang sunglasses na suot, piningkitan ko ng mata ang pintong pagmumulan ng mga kararating lang na mga tao mula sa scheduled flight. Sa pintong ‘yan lang sila pupwedeng lumabas kaya hindi ko pupwedeng alisin ang tingin ko roon.

“Cindy, okay ka na?” Nilingon ko agad ang isa sa mga staffs na kasama. I know this might be a lame plan pero ito na ang unang pumasok sa isip ko kaya bahala na.

“Sigurado ba kayo, Miss Avery? Baka mamaya ipapulis ako nyan, ha.” sabi ni Cindy sa mababang boses.

Natawa na lang ako sa reaksyon ng kasama saka umiling. Syempre, hindi ako susuong sa giyera na walang panangga at alam. Nakuha kong malaman ang kaonting impormasyon sa mga magulang. Both of them loves to facilitate outreach programs here in the Philippines at doon pa lang masasabi ko ng hindi nagmana sakanila si Cormac dahil paniguradong mababait ito.

If that’s the case, hindi rin ako mahihirapan sa pangungumbinsi sakanila. Panigurado ay maiintindihan naman nila ang sitwasyon ko.

Muli akong bumaling sa pintong naroon pero wala pa ring anino ng mag-asa akong nakikita. Patagal nang patagal ay mas lalo lang akong hindi mapakali. Our lame plan should be better. Kapag pumalpak ay sigurado akong pupulutin kami sa kangkungan. Wala kaming dala ngayon kundi ang mga hinuha tungkol sa magiging reaksyon ng mga magulang ni Cormac.

Hindi rin nagtagal ay nakita ko na ang mga mukhang kaparehang-kapareha sa larawang ibinigay ni Ma’am Cassandra. Mabilis kong sinenyasan si Cindy na magsimula na sa pinagplanuhan kaya mabilis na rin akong pumwesto.

Base sa napag-usapan, pakunwaring mababangga ni Cindy si Mrs. Carter at mabubuhos dito ang mga frappes na in-order ng babae sa coffee shop. Doon na ako papasok, I’ll offer them help at sa akin na nila ibibigay ang atensyon. From that time, ako na ang bahala na asamahan at kausapin sila until we got that we want from them – the consent.

“Nako, Ma’am, pasensya na po talaga. Hindi ko po sinasadya. Talagang nagmamdali lang po talaga–” Muntik pa akong matawa sa pag-arteng iyon ni Cindy. Hindi talaga siya pupwede sa harap ng camera. She needs to be hidden. I almost choke at my words.

“Wala ito, Iha−“

“Tita?” Mabilis ang sunod kong pag-entrada. Sinulyapan ko si Cindy na um-exit na at humingi ng pasensya. Madali rin namang bumaling sa akin ang babaeng Carter at pinaningkitan ako ng mata na para bang iniisip niya kung magkakilala kami.

“Oh, hello. You are?” mabilis niyang sagot saka ngumiti. Talagang totoo ang mga article na nababasa naming tungkol sakanya.

Bahagya rin akong yumuko sa harapan ni Mr. Carter, “Tita naman. You already forgot about me? I’m Avery Taylor, C.C’s friend from EMU. Kadarating niyo lang po sa Pilipinas?”

“You know, Avery, hindi kasi talaga ako magaling tumanda ng mga kaibigan ni C, pero since you’re a woman, baka mas madali kitang matandaan.” She winked at me. Bingo! “Should we continue to talk somewhere else?”

“Sure po. Anyways, you need to change your clothes po muna dahil baka magkasakit naman kayo sa lamig.” Inabot ko ang making paper na dala. Syempre, kung kami ang may dahilan kung bakit nabasa ang ginang ay mayroon din kaming solusyon doon. “I brought that for my mom earlier but, medyo emergency po ang situation niyo ngayon so feel free to use that po.”

Nanginigiting binuklat niya ang paperbag, “It must be your mom’s birthday. Sobrang swerte niya naman sa’yo. I have some Ralph Lauren clothes in the house. Maganda talaga!”

I obviously got that information sa ilang interviews niya. Mahilig itong magsuot ng Ralph Lauren clothes kaya iyon ang naging apple of the eye ko ngayon.

Sinamahan ko pang magbihis ang ginang saka naghanap kami ng restaurant na mapapasukan. They are very cool as well. Bigla ko na naman tuloy naalala ang sariling magulang. Ang lalaking Carter ay panay ang tawa samantalang ma-kwento naman ang babae.

They look good together. Nakakapagtaka lang na masayahin silang tao pero ang anak nila ay parang araw-araw pasan ang buong mundo.

“Nagkikita pa ba kayo ni C.C after graduation?”

Mabilis akong nagpakurap-kurap sa ginang habang nag-iisip pa ng pupwedeng isagot. I need to be very careful. Isang maling sagot lang ay pupwede na nila akong pagdudahan.

“Yes, nakikita naman po namin ang isa’t isa sa iilang conferences. Last time, I brought a car at C.C’s pangregalo ko po sa Kuya ko.” Nginitian ko nang pagkalawak-lawak ang mag-asawa, nananalangin na sana kagatin nila ang mga sinasabi ko.

“You must be a great woman. No wonder naging friends kayo ni C.C," ani Mr. Carter. Nagtawanan ang dalawa at nagtitigan na parang nag-uusap galing ang mga mata.

“Kaibigan lang ba talaga?”

Gaano ko man kagusto ang ngumiti ay hindi ko magawa. Ako. . . sa masungit na ‘yun?

Pilit ang naging paghalakhak ko sa dalawa, “Si Tita naman. Of course, we are just friends–” Natigil ang pagsasalita ko noong malakas na tumunog ang cellphone.

Nagkataong nasa ibabaw ito ng mesa kaya madaling nabasa ng mag-asawa ang pangalang nasa screen, “Stoney”.

“That’s Cormac. Sigurado ako!”

Sa pagkakataong ito, gusto kong ilubog ang sarili ko sa lupa. Gusto kong giyerahin ang lalaki sa biglaang pagtawag.

“You should answer his call. Mas magiging masungit ‘yan lalo.” Mas dinagdagan pa ng sinabing iyon ni Mr. Carter ang kahihiyang nararamdaman ko.

“I will. Please, excuse me.”

Mabilis kong ihiniwalay ang sarili sa mga ito at padabog ng sinagot ang tawag ng lalaki. “Ano ba?”

“Where are you?”

Hindi ko na nabilang ang pag-ikot ng mata, ilang segundo pa lang na tumatagal ang tawag. “Does that matters?”

Natahimik sa kabilang linya kaya namewang na ako sa kinatatayuan. May balak pa ata siyang pag-antayin ako. Napakahalaga kaya ng misyon ko ngayong araw.

Akmang papatayin ko na ang tawag nang halos mabitawan ko ang cellphone ko sa gulat ng biglang pagsulpot ng boses mula sa likuran ko. “Why are you here?”

Awtomatiko kong hinarap ang lalaki. Ngayon ay napakalaki na ng ngisi lalo pa’t mula rito, tanaw ang mag-asawang Carter na ngiting-ngiting nakatingin sa aming dalawa.

“Hey, C.C! What’s up?”

Sa ngayon, nagiging maayos ang takbo ng plano kaya hindi ko alam kung bakit pa kailangang magpakita ng lalaking ito rito.

Ngayon, kailangan ko tuloy magpanggap na mabait kahit pa bwisit na bwisit ako sa pagmumukha ng lalaking ito.

“What are you doing here?”

Halos takbuhin ko ang daan palabas sa sobrang kahihiyang nararamdaman nang makita kong nag-apbrub pa sa akin ang ama ni Cormac.

“Why are you asking me? I just bumped into them here. Kinumusta ko lang si Tita–”

“This is a warning, Avery. One wrong move and I will tell them what happen.”

Mabilis kong pinagkrus ang mga braso sa tapat ng dibdib. Did he just blackmailed the hell out of me?

Reportedly DatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon