Tatlong araw ng walang malay si Cormac at hindi ko na rin mahanap ang sarili. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Napakaraming mga bumibisita sa lalaki, nagdadala ng mga prutas, bulaklak at kung ano-ano pero ni isa sakanila ay hindi ko man lang nakausap.
Si Kuya Jac ang nagpapaliwanag noong nangyari lalong-lalo na sa magulang ni Cormac.
Hindi ko mahagilap ang sarili. Parang basta na lang pumipikit ang mga mata ko tuwing inabot na ng antok at dumidilat. Hindi ko na namamalayan ang oras.
Ilang beses na ring bumisita ang mga pulis, umaasa sa paggising ni Cormac para makausap ito at makahingi ng statement tungkol sa nangyaring hit and run pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang napapala.
Walang CCTV sa lugar na pinangyarihan ng insidente. May iilan mang mga sasakyang naka-parking roon, masyado namang malayo para makuha pa ng kanilang dashcam.
Mabuti ay naagapan, mabuti ay nadala agad sa ospital dahil kung hindi–
Naibagsak ko ang ulo sa mesang naroon. Ilang araw na rin pero napakalaki pa rin noong pagkadismayang nararamdaman ko.
“Wake up, Mac. You should open your eyes now.”
Sa tatlong araw na iyon, wala ni isang segundong hindi ako nag-alala para kay Cormac. Segu-segundo akong nananalangin.
Ilang beses ko nang inuulit na pakiusapan ang panginoong kahit hindi na ako manalo sa AFA, kahit pa hindi ko na makuha ang award, basta maging maayos na ang lalaki.
Ito ang unang pagkakataong hindi naging mahalaga sa akin ang AFA 2020 kahit pa iyon ang pinapangarap kong makuha ngayong taon.
Ayaw ko nang manalo, kung ang magiging kapalit noon ay ang pagkawala ni Cormac sa tabi ko, ang hindi nito pagiging maayos.
Naiwala ko ang mga naiisip nang bumukas ang pinto ng kwartong iyon. Iniluwa noon si Levi na may dalang mga paperbags na galing sa iba’t ibang restaurant.
Siguradong pipilitin na naman ako nitong kumain katulad noong mga nagdaang araw.
Ayaw nang mabingi at makulitan, tumayo na lang ako at tinungo ang mga paper bags na iyon at inisa-isa ang laman.
Hindi ko rin mahagilap ang sarili kong tyan. Hindi ko maramdaman kung nagugutom ba akong talaga o kung ano. It seems plain—numb.
“Hey!” singhal ng lalaki sa akin. “Sa akin lang ‘yan. Akala ko ba hindi ka kakakain hangga’t hindi gumigising si CC?”
Nagmistulang tyan ko mismo ang sumagot sa sinabing iyon ni Levi dahil sa malakas na tunog noon, leaving the man burst into laughter.
Hindi ko rin tuloy napigilan ang sarili ko sa pagtawa. I just hope I could laugh with him. Alalang-alala na ako, sa totoo lang. Sa bawat araw na lumilipas na hindi man lang iminumulat ni Cormac ang mga mata niya, I am becoming more anxious. Hindi ko mapigilang isiping baka mangyari ang kinatatakot.
Ayoko.
Hindi pupwede.
“He’s head over heels for you, Av.”
Ikinagulat ko ang biglaang pagsasalita ni Levi. Sa loob kasi ng tatlong araw, masyado silang naging busy ni Kuya sa mga kailangang asikasuhin sa ospital pati na sa mga bumibisita. Masyado rin akong wala sa sarili kaya hindi ko na nabigyan pa ng atensyon ang ibang mga bagay.
“Teka nga, matanong nga kita. . .” Bigla kong naalala ang napagkasunduan namin ni Levi noong nakaraan. Masyado na rin kasing naging busy kaya nawala na halos sa isip ko. “What about the deal? Saan mo naman napulot ang ideyang iyon–”
BINABASA MO ANG
Reportedly Dating
RomanceSi Avery Taylor ay isang Television Reporter na labis na hinahangad ang taon-taong parangal. Ngayong taon, nahanap na nila ang sagot sa parangal at recognition na iyon. Simple lang ang gagawin, gumawa ng report tungkol sa buhay ng isang napakayamang...