“1991 Black Eagle. . . that baby is mine,” nagmamalaki kong sabi. Ang walang hiya ko kasing kuya, napakagaling pumili. Pinili pa talaga nila iyong pinakamahal sa pagpipilian. Well, wala namang problema. Mukhang ito rin ang latest na labas ng C.C Cars kaya paniguradong makukuha ko ang atensyon ni Mr. Carter – o baka nga nakuha ko na.
Firstly first, dapat lang na ipakita ko sakanya kung gaano ako ka-interesado sa mga sasakyan. With that, gugustuhin niya ring makipag-usap sa akin. Men are always like that, kapag kotse na ang usapan, nagiging madaldal na. “You have a nice taste.”
Mahina akong natawa sa naisip. Sabi ko na nga ba; my primary goal for the day is not for the cars. Iyon ang kunin ang loob ni Mr. Carter. Make him have a conversation with me.
Sa mga katulad ko kasing reporter ay napakahalaga ng oras. Sa isang araw ay hindi lang kami dapat maging productive, mas kailangan pa iyong doblehin o hindi naman kaya'y triplehin.
Normal na samin ang magtrabaho kahit pa 24/7 lalo na kapag mayroong napaka-interesting na bagay na kailangang gawin. I find this one of those. I really find Mr. Carter interesting.
Sa media, normal lang na alamin namin ang kasulok-sulukan ng mga bagay — I mean, that's one of our job. Kailangang gawin iyon para makakuha ng malamang mabalita.
But this guy. . . Patagal nang patagal mas lalong pinipilit ko ang sariling kilalanin ang lalaki. Paanong sa tinatagal-tagal nang mga journalist na tuklasin siya ay wala pa ring nakakaalam ng mga impormasyon niyang ayaw ilabas sa media?
May itinatago ito. . . at kung mayroon man talaga ay ano iyon?
“And you'll pay this by?”
Tumikhim ako para mawala ang mga iniisip. “Babayaran ko na ngayon ng buo.”
Mas lumaki ang ngisi ng katabi kong lalaki. Dinala niya ako sa harapan mismo ng sasakyan na iyon but then wala akong ibang masabi kundi ang maganda. Gosh! Wala nga ako ni isang alam sa sasakyan. I'll roast my kuya later. Promise!
“Fine, then. I’ll tell something about this car. Is that okay? Hindi ka naman nagmamadali?” tanong niya. Agad akong umiling, “Yes, please. Tell me something.” Pagkatapos, ibinalik ko ang tingin sa maliit na karatulang malapit sa sasakyan. May mga impormasyong nakasulat pero hindi na iyon ang binasa ko. My eyes were stuck at the price it has. Twenty-nine million, nine hundred ninety-nine thousand, nine hundred ninety-nine; wow. May sukli pang piso ang thirty million ko. Hanep makapresyo, ano ’to, supermarket sa 999?
“Well, our 1991 Black Eagle is a one-off high-performance sports car. Ipinakita namin ito sa publiko last year by December. So, magdadalawang buwan pa lang ito at kung bibilhin mo ay ikaw ang pangpitong kumuha nito mula sa Pilipinas which is very rare compared to our sales international. It has the speed of 350 kilometers per hour which is 217 mph and a twin turbo V12 engine mounted in 60º. This is our latest model na nanalo rin sa XCR Show sa Germany same month 2019.” Gusto kong ngumanga sa sinasabi niya pero talaga pinilit kong kontrolin ang mga labi. Ang mga sinabi niya ay naririnig ko na sa mga katrabaho but then blanko na ako sa kung ano pa mang silbi no’n. I am not even a sports reporter at hindi ko talaga hilig ang sasakyan. Ang mahalaga mayroon akong nagagamit papasok sa trabaho. Si kuya rin ang pumili ng sasakyan ko last year kaya hindi ko alam kung ano bang mayroon sa sasakyan ko.
“I’ll give you a little comparison about 1991 BE and this MK-75 Knight, this is a plug-in hybrid sports car. Ito naman ang may pinakamalaking sales for the last two years. Its powertrain rate is 775-918 kW which is 1,054-1,248 PS; 1,039-1,231 hp. It has five different motors onboard. They are both amazing, aren't they?” Nagpakurap-kurap lang ako sa harapan ng lalaki. Pakiramdam ko, bigla akong inantok sa mga sinasabi niya. Wala akong nasa school.
“O. . . Of course, they. . . they are,” humihikab pang sabi ko. Nanlaki tuloy agad ang mata ko saka tinakpan ang bibig. But then, I guess it was worth it. I saw him. I saw him laugh.
“If you're really sure about this, we’ll go to Jessica.” seryoso ulit nitong sabi. So, he's good at that, huh? Pinipigil talaga nito ang pagtawa. But it doesn't matter, I just saw him.
Ibinalik ko ang mata sa dalawang kotseng naroon. Ang itim na 1991 Black Eagle at ang pulang MK-75 Knight na sinasabi niya. As for me, I'm inlove with color red kaya kung ako ang magdedesisyon ay pipiliin ko ang MK-75 dahil iyon ang may magandang kulay? Shit! I suck at this.
“Tara,” sabi ko na lang. Pumasok sa isip ko kung bakit ko ba ito ginagawa. Imagine buying thirty million car just to talk with this guy na mukhang imposible pa nga? I am really out of my mind! I'm very sure tutustahin naman ako ni Mommy telling me na masyado akong gastador just to flex things to my colleagues — eh, hindi naman ako gan’on.
Naging madali ang proseso. Siguro ay dahil pera na lang din ang kulang. Sinabi ko na rin na ipakukuha ko na lang ang sasakyan ko rito kinabukasan. At doon lang, ilang minuto lang, nalustay na nang tuluyan ang pera ko. Hindi ko na tuloy napigilan ang pag simangot. Hawak ko ang kopya ko ng susi ng sasakyan pero mukhang pinagsakluban naman ako ng langit at lupa.
Wala ako ni kahit anong plano ngayon. Paano ko siya kakausapin? Paano ko ito sisimulang kumbinsihin? Pakiramdam ko kailangan kong makikain sa bahay ni Kuya Jac sa mga susunod na araw. Bwisit!
“Thank you so much, Ma‘am Avery. See you–” Hindi ko na pinatapos ang pagdasalita ni Jessica. Dali-dali ko siyang nilapitan habang inililibot ang tingin. Sinigurado kong wala na talaga rito ang lalaking iyon. If he can‘t give me information, ako mismo ang kukuha noon sa iba.
“Jessica, right? Do you mind if I ask you something?” Nginitian ako nito agad at tumango.
“Sanay na sanay na po ako sa mga reporter na katulad niyo, Ma’am. Pero katulad din po ng mga sinasabi ko sakanila, isa lang ako sa mga staff ni Mr. Carter. Kung ang itatanong niyo po sa akin ay ang personal na buhay niya ay wala po akong maisasagot. But if you're going to ask me more about C.C Cars, you can get some information sa akin. I just don't know if they are reliable enough.” May kung anong kumislot na ugat sa utak ko dahil sa narinig. I am getting impatient. Lahat ng tao kahit malalapit sakanya walang alam kung sa lalaki? Ano s’ya alien? Bigla na lang sumulpot sa mundong ibabaw?
“I don't need you to tell me about this company. What I have is enough. I just want to ask your observations about your boss. You know, things he like, perspectives, ano bang klaseng boss siya sainyo?” Humalakhak nang kaonti si Jessica sa sinabi kong iyon bago tumango-tango. “Susubukan ko po, ma'am. Feel free to ask me po.”
Ngiting-aso ako habang kinukuha ang maliit kong recorder. Finally, sana by this time may makuha ako kahit katiting. “I’ll record this conversation, okay lang?”
Nang tumango ito ay parang nagsayawan ang mga intestine ko sa katawan. Here we go, AFA 2020. “Okay, Miss Jessica Torres, can you describe how Mr. Carter as a person?” Natahimik bigla si Jessica kaya pinagpalagay kong nag-iisip ang babae.
“Pwede mo rin banggitin ‘yung mga bagay na gusto niya, hobbies, even the things he doesn't like. Girlfriend? May rumoured girlfriend ba siya? Do you know her name? Dinadala niya ba rito? Baka mas madali akong makakakuha ng information sa girlfriend niya, Jessica.” Nahalata ko ang panlalaki ng mata niya, as if she's trying to point out something to me. Nang makita ko itong umiling-iling ay parang nawalan ng lakas ang mga tuhod ko. Alam ko na ang sinasabi niya.
Nag-aalangan man ay unti-unti kong nilingon ang tao sa likuran. Mula sa kinatatayuan ay kitang-kita ang seryoso nitong mga mata. Ang dalawang kamay niya ay nakapasok sa magkabilang bulsa ng slacks na suot. Lintek na buhay talaga.
“Hindi ba dapat ako ang tinatanong mo sa bagay na ‘yan, Miss Taylor?” mahina nitong sabi pero parang kulog pa ring pumasok sa tainga ko.
“Ah. . . oo, Mr. Carter.” Tinago ko ang kanina ko pa hawak na recorder habang tuloy-tuloy ang pagmumura sa isip. Malas, malas, malas!
“Let’s go to my office.” Padarag kong tiningnan ang lalaki pati na si Jessica na nakakakita sa sitwasyon namin.
“Teka, akala ko ba–”
Nag-ayos ito ng tayo, handa na sa pag-alis. “I just thought na deserve ng thirty million mo ang kaonting impormasyon tungkol sa‘kin. Ayaw mo ba?”
This guy! He's getting into my nerves now. Kung pwede lang umalis, kung pwede lang magwalk-out! “Gusto ko! Tara na ho sa opisina mo, Mr. Carter.”
BINABASA MO ANG
Reportedly Dating
RomanceSi Avery Taylor ay isang Television Reporter na labis na hinahangad ang taon-taong parangal. Ngayong taon, nahanap na nila ang sagot sa parangal at recognition na iyon. Simple lang ang gagawin, gumawa ng report tungkol sa buhay ng isang napakayamang...