Nine: Is the past really important?

463 19 3
                                    

Bago ako umuwi, inihanda ko na ang sarili sa mga sermon ni Kuya Jac pero hindi ko pa rin mapigilang mainis. Alam ko namang hindi maganda ang ginawa ko pero may purpose naman ang lahat ng iyon. That thing can’t define me!

“Quit it, alright? Quit that job!”

Mabilis kong sinundan ang kapatid na akmang magwo-walk out na. Mabuti nga’t busy sa paglalaro si Jacques kasama ang yaya kaya hindi na nito mabibigyang atensyon pa ang pagsasagutan namin.

“Kuya, naman! You’re being unreasonable!” sigaw ko sakanya pabalik. Hindi ako papayag na ngayon niya ako pahintuin. Hindi biro ang pinagagagawa ko sa lalaki kaya ayokong mapunta lang ang lahat sa wala. Isa pa, we don’t have any choice. Sinong bigating personalidad pa ang ihaharap namin sa madla kung gano’n?

“You’re the one who’s being unreasonable! Sobra-sobra na ang ginagawa mo para sa lalaking ‘yan, Av. Marami pa naman–”

“Why can’t you understand the fuck out of me?” Hindi ko na napigilan ang magalit. Napakarami ko nang nagawa para sa Cormac na ‘yan. I am frustrated as well pero kung panay lang ang reklamo ko ay mas lalong hindi namin makukuha ang lalaki para sa dokumentaryo. Alam niya kung gaano kaimportante sa akin ang AFA kaya hindi ko maintindihan kung bakit niya ako pinipigilan ngayon. “You told me that the best choice is my choice! Na kung ano man ang piliin ko, you’ll be on my side, Kuya!”

Ibinagsak ko ang mga balikat. Hindi naman ako iyong iyakin talaga pero iba kasi ang pakiramdam ko sa tuwing kaaway ko ang kapatid. Yes, we fight a lot pero hindi naman seryoso ang mga iyon — hindi katulad nito.

Kahit naman ako nadidismaya na rin sa bagal ng usad nang pagkukumbinsi ko sa lalaki pero wala rin akong ibang magagawa. Si Cormac ang kailangan namin para manalo kaya kailangang gawin namin ang lahat maisakatuparan lang iyon.

Kinuha kong muli ang gamit at binagtas ang daan papalabas sa bahay. Katulad ng palagi kong ginagawa tuwing magkaaway kami ni Kuya Jac, dederetso na muna akong muli kila Mommy. Sigurado akong magugulat na naman ang mga iyon dahil susulpot na naman ako bigla.

“Where are you going, Avery?” Kuya Jac spoke immediately. Napangiti na lang ako dahil hanggang ngayon ay hindi niya pa rin ako matiis.

“Kay Mommy. I’ll be back in a few.” Hindi ko na siya muling nilingon, bahala muna siya rito kay Jacques. Hindi ako makakaisip ng susunod kong kilos kung mananatili ako rito’t makikipagbangayan kay kuya.

***

“Nag-away na naman kayo ng Kuya mo, ‘no?” Inasahan ko na ang ibubungad ng mga magulang sa akin pero hindi ko pa rin mapigilang bumungkaras ng tawa. Sa sobrang dalang ko sa pagpunta rito, iyon na palagi ang naiisip nilang rason ko.

“Hindi ba pwedeng na-miss ko lang ho kayo?” sagot ko pa. Mabilis akong lumapit kay mommy ay niyakap-yakap siya.

“Nako,” mabilis na sumabat si daddy. “Nag-away na naman nga ang magkapatid.”

“Daddy naman!”

They are the best parents in the world. Nakuha na nila ang pagiging mabait, cool at understanding. Hindi naman sila istrikto pero malinaw ang mga bilin nila sa amin ni kuya na huwag gagawa ng mga bagay na alam naming pagsisisihan namin sa bandang huli.

They are my favorite people. Madalas man kaming hindi nagkikita-kita alam kong hindi kailanman mababawasan ang pagmamahal ko para sakanila. Both of them are working at our company, Kuya Jac too. Ako lang ang nahiwalay dahil hindi ko naman talaga gusto ang bagay na iyon. Masaya ako sa propesyon ngayon at ganoon din naman sila sa akin.

I did spend the whole day with them, nagkataon din kasing weekends. Nakakapanibago nga lang na walang makulit na Jacques akong nakikita.

Katulad nang nakasanayan, inubos namin ang oras sa pagkukwentuhan at pagkain. Nagawa na rin naming manood ng kung ano-anong pelikula.

Reportedly DatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon