Isang malakas na sigaw ang pinakawalan ko sa sumunod kong pagmulat ng mata. Mula sa kwartong kinaroroonan ay nakikita ko ang walang pakundangang sikat ng araw.
Sa isang malakas na sigaw, mas humigpit ang kapit ko sa kumot na siyang tumatabing lang sa kabuuan ng hubad kong katawan.
Bumungkaras si Cormac sa kinahihigaan, kahit siya nagulat sa pagsigaw ko at bahagyang naguluhan pero nang makita nito ang sitwasyon naming dalawa sa iisang higaan ay saka lang nito nagawang makapagsalita, “What the hell is this?”
Mabilis kong pinagdadampot ang mga damit na nasa lapag, hindi binibitawan ang kumot na siyang humaharang sa akin. Nang makuha ay dineretso ko ang banyo, ni-lock iyon, pagkatapos ay saka lang pinakawalan ang ngiti ng tagumpay.
I just did it! The bomb just exploded.
Kagabi, talagang nakatulog kaming magkasabay. Akala ko nga ay hindi ko na magagawa ang plano kaya labis ang pagpapasalamat kong tumawag si Kuya Jac around four in the morning.
Sinunod ko ang desperadong plano, dahan-dahan kong siyang hinubaran — his shirt, including his pants. Bahala na kung may makita pero hindi ko na inisip ‘yun.
Ilang beses ko nang sinabi sa isip na hindi magandang hindi ko agad nakukuha ang gusto sa unang subok dahil hindi ko hahayaang ma-reject pa sa ilang susunod na pagkakataon.
I won’t have it as what Cormac wants. It have to be my way.
Pagkatapos kong hubarin ang ilang piraso ng damit niya ay isinunod ko naman ang sa akin saka nagtalukbong ng kumot. I just can’t lose this game at lalong-lalo na, hindi ko hahayaan na matagalan ang proseso.
Magpapanggap akong may nangyari sa aming dalawa para makuha ko ang atensyon niya, wala ng iba. Alam kong wala siyang maaalala dahil isa rin siyang lasing kagabi at kung mayroon man, mababahiran na iyon ng sarili niyang paniniwala sa nangyari ngayon.
Nang makapagbihis, mabilis akong lumabas ng pinto. Nakita ko agad na mukhang inaabangan ako ni Cormac na nakaupo sa gilid ng kama. “Avery–”
“I’ll be going.”
Mabilis itong napatayo dahil sa sinabi ko. “What? I mean–”
Nahalata kong aligaga ito mula kanina. Siguro ay pilit nitong iniisip ang nangyari at naabutan pagkagising. “Mauuna na ako. Just realized na baka ayaw mo talagang makipagcooperate sa amin for AFA. I won’t force you. This would end here,” dali-dali kong sabi pagkatapos ay agad na tinungo ang pinto.
This plan should fucking work! Hindi na biro ang mga ginagawa ko para lang dito.
Narinig ko pang tinawag ni Cormac ang pangalan ko pero hindi na ako muling bumaling pa. I need to be the ‘hard-to-get’ woman from now on.
Ngayon, nalaman at naobserbahan ko na siyang mabuti.
Ang mga uri niya ay hindi nagbibigay ng atensyon sa mga babaeng mabilis na lumalapit sakanya. Fine! I’ll give him what he wants. Siya ngayon ang lumapit sa akin.
Nagmamadali akong kumuha ng taxi pauwi. Paniguradong nanggagalaiti na si Kuya Jac. I lied about my place earlier, ang sabi ko sakanya ang kumuha ako ng hotel dahil hindi ko na kaya ang pagkalasing. But then, alam kong hindi iyon kumbinsido.
Sa taxi, hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa cellphone. He should be calling by now! Dapat ngayon ay hindi na siya mapakali and he’ll push himself to explain.
Dumapo ang kamay ko sa bibig sa kagustuhang makapagpigil ng tawa. This is exciting! Patagal nang patagal, parang kinikiliti ang paa ko sa sobrang excitement na nararamdaman.
“Shit!” Halos maibato ang hawak na cellphone ng bigla itong tumunog.
Hindi ako nagkamali. . . I just know he would call me in any way possible.
Pinatagal-tagal ko pa ang pagring noon bago sagutin.
“Avery, go back.” pambungad ng lalaki sa akin. His authoritative voice was on fleek.
“I want to rest. Besides, tapos naman na ang pangungulit ko sa’yo. I’m out to find a new person who’ll accept my offer.” Mahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone na nakatapat sa tainga.
Ganyan nga, Cormac. Be confused, pressured at nang pumayag ka na rin sa alok ko.
“What was that?”
Gusto kong bumungkaras ng tawa. Kung mayroon mang magandang naituturo sa akin ito iyong “How To Get A Man 101”. If I couldn't get him as our actor, then I’ll get him as a man.
I will start on getting his trust pagkatapos, siya na mismo ang magsasabi sa akin ng mga kailangan kong malaman.
“I know, okay? I didn’t mean to do it. Alak ang may kasalanan. I understand. Just. . . I just need to stop this. Kailangang magkaroon na kami ng progress sa documentary and I won’t waste the day–”
“Let’s talk,” biglaan niyang gagad.
Awtomatiko akong napangisi. This is it! Pakiramdam ko ay hawak ko na siya sa leeg at pumapanig na sa akin ang swerte.
“I told you. We don’t have to talk about it. Kung parehas nating hindi alam ang ginawa, we must forget that.” Ginawa ko ang lahat para seryosong makapagsalita. I’m afraid that I could pop the bubble kapag aksidente akong natawa dahil sa pinagagagawa.
“Forget that? Why?”
Hindi ko napansin ang biglaang pagdating sa dapat ng bahay. Ginawa kong makapagbayad sa taxi driver at makababa. Minabuti kong hindi sumagot agad, in that case. I could make him more anxious.
“Are you, perhaps, disappointed?”
Hindi pa ako nakakapasok sa gate ay tanaw ko na ang matatalim na tingin ni Kuya Jac sa pintuan ng bahay. Prente itong nakatayo habang nakakrus ang dalawang braso sa tapat ng dibdib.
This isn’t a good time for this. I sighed. Wala naman akong ibang magagawa kundi suungin ang galit ni kuya. “Disappointed?”
Rinig ko ang malalalim na paghinga ng kausap bago magsalita, “About my last night’s performance–”
“What the actual fuck?” I panicked, alright? Hindi ko na napigilan ang pagsigaw dahil sa biglaan niyang pagsasalita.
How. . . How can I fucking know that? Wala namang nangyari sa amin!
“Ah, shit. Forget it. Just go back to my office right now.”
Hindi na ako masyadong makapagfocus sa sinasabi ni Cormac dahil talagang si Kuya Jac na ang lumapit sa akin. Hindi na nito inantay na maabot ko ang pinto.
“I–I can’t,” tapat kong saad.
Hindi ko naman talaga kaya dahil alam kong ilang oras pa ang aabutin ng sermon ni kuya. Second, I won’t. Hindi pupwedeng siya ang masunod. It should be my way. “I’m hurt.”
Holy damn! Gustong-gusto ko nang tumawa pero hindi ko magawa.
“What? Anong masakit? That thing?”
Mabilis kong pinatay ang tawag. Enough of my games muna. Mukhang kailangan ko ngayong harapin si Kuya Jac na kanina ko pa kinakikitaan ng usok sa tainga at ilong.
“Kuya. . .”
But come to think of it, this isn’t a bad day. I got what I want. Simula ngayon, siya na ang magpupumilit makita ako. I swear that.
“Avery! I’ll be waiting for your explanation.”
But for now, ihahanda ko muna ang tainga ko sa sigaw. “Pasok na muna tayo, Kuya–”
”Now!”
BINABASA MO ANG
Reportedly Dating
RomanceSi Avery Taylor ay isang Television Reporter na labis na hinahangad ang taon-taong parangal. Ngayong taon, nahanap na nila ang sagot sa parangal at recognition na iyon. Simple lang ang gagawin, gumawa ng report tungkol sa buhay ng isang napakayamang...