“Anong kalokohan ‘yan?” Hindi ko na napigilang singhalan ang lalaking kaharap dahilan para bahagyang maglingunan sa amin ang iilang mga taong naroon.
“Naririto sa envelope na ito ang terms and conditions. Dito ka pipirma. Kami ang magpo-provide ng kontrata–”
“I won’t sign that.” Nagkibit-balikat lang ang lalaki. Nakuha pa nitong isubo ang pagkaing nasa harapan.
This will be a hard drive. Mauubos ang lahat ng pasensya ko sa kasuluk-sulukan ng pagkatao sa lalaking ito.
Huminga ako nang malalim—nang paulit-ulit, bago walang ganang balingan ang lalaki. “What do you want? Malinaw na sinabi mo sa boss ko na tinatanggap mo na ang offer pero hindi ka pipirma sa kontratang ‘to? How low can you go, Mr. Carter? This is just unprofessional!”
Pinagsalikop nito ang mga kamay saka ipinatong sa mesa bago ako tinapatan ng tingin. “How low can I go. . . Avery, how low can I go for you?”
Nagmistula akong estatwa, hindi natigil sa pagkurap. Anong sinabi ng lalaking ito? Just. . . what was that?
Bago pa man ako makapagsalita ay mabilis nitong ipinatong ang isang laptop sa mesa, talagang iginilid nito ang pagkain para lang mabigyan ng espasyo ang malaking bagay na iyon. “We’re going to make a contract. Iyon ang pipirmahan ko.”
Sa sobrang pagkabwisit ay napapikit na lang ako. “Let it go, Av. Kaonting tiis pa. . .” napabulong na lang ako sa sarili.
Kumuha ako ng iilang carbonara at isinubo iyon sa bibig. Dali-dali kong ibinukas ang laptop nito, inisip kong kung matatapos na ito agad ay matutuldukan na rin ang pagkaubos ng pasensya ko ngayong araw dahil sa lalaking ito.
“Password daw,” sabi ko rito.
Matagal niya lang akong tiningnan, kaya tinaasan ko na ito ng kilay. “Ano raw ang password?”
“041192,” sagot nito saka umiwas ng tingin.
Mabilis akong tumango at dahan-dahang tinype ang mga numerong sinabi ng lalaki. “Is this a date? April. . . eleven–”
Mabilis niyang tinigil ang pagsasalita ko, “My birthday. It’s my birthday,” gagad niya.
Dahil doon ay parang biglang nagliwanag ang mukha ko. “Really? That’s my birthday, too! Ka-birthday kita?” hindi makapaniwala kong sabi.
Nakakagulat iyon, ha. Pareha kami ng birthday pero talagang magkaibang-magkaiba kami.
“Let’s start working,” masungit na namang sabi nito.
Wala nang magbabago. Ang kailangan ko na lang talaga ay masanay.
***
“Stay in your villa? Are you out of your mind?” Naibuga ko ang kapeng iniinom, buti na lang ay naiwas ko ang bibig sa tapat ng laptop kaya dumeretso iyon sa mga pagkaing naroon.
“That’s nonsense!” dagdag ko pa.
Nang magsimula kaming gumawa ng sariling kontrata ay wala akong ibang nagawa kundi ang magreklamo. May sense naman iyong mga naunang sinasabi nito at naiintindihan ko pa pero itong mag-i-stay ako sa lugar niya kapag nagsimula na kaming magshoot? That’s absurd!
“Fine, fine. Erase that. I don’t want that either,” hindi mapakaling gagad nito.
What the fuck is that?! Napa-face palm na lang ako. I stared at the man flatly habang inaantay ang susunod pang sasabihin nito.
“That’s enough. Have your sign through that PDF and I’ll have mine too,” dire-diretsong sabi nito.
Madali ko namang binasa sa huling pagkakataon ang naroon, sinisiguradong wala ng ibang nakaligtaan. Tumigil ang mata ko sa isang bagay na naiiba sa kontratang iyon.
“Are you serious with this?” Nang tapatan nito ang tingin ko ay binasa ko ang nakasulat, “Avery Taylor won’t date someone through the time span of the project. . . This is–”
“That is what?”
“That is unfair!” Mabilis akong nagtipa sa keyboard ng laptop. Imbes na pangalan ko lang ang nakalagay, idinagdag ko ang pangalan niya. That should be both parties. . . Hindi ko man maintindihan kung ano marahil ang purposes noon ay hindi ko mapigilang mapanatag.
Pinihit ni Cormac ang laptop paharap sakanya. Tahimik nitong binasa ang revision bago ko pa makita ang nakahahawa nitong ngisi. “This is way better.”
Gusto kong ngumiti sa sinabing iyon pero pinagtakpan ko iyon ng isang singgal. “Just sign it.”
Hindi ko na ma-imagine kung ano-anong mga paghihirap at pagkainins pa ang pinagdaanan ko para makita ang pirma ng lalaki sa kontratang iyon.
Mabilis kong ipinadala ang kopya kay Ma’am Cassandra at sinabing saka ko na ipapaliwanag ang nangyari.
Nang matapos ang lahat, pati na ang pagkain ay naghanda na ako para tumayo at umalis. Sa malayo ay namataan ko pa si Isiaah na busy sa pag-aasikaso ng mga guest.
“Your things are on my car,” sabi ni Cormac mula sa likuran bago ako tuluyang inunahan sa paglalakad. As usual, wala akong ibang magawa kundi ang sumunod.
There is something between this guy na hindi ko maiwasan. Parang kumunoy, parang patagal nang patagal mas nakakatakot.
Tahimik lang ako sa buong paglalakad. Kahit pa nga narating na namin ang sasakyan. Mabilis kong kinuha ang gamit ko roon at naglakad na palayo.
Siguro ay dahil na rin sa pagod. Ngayon ko lang naramdaman ang lahat kahit alam kong kanina pa hindi magkamayaw ang sistema ko sa pagsigaw na kailangan na nila ng pahinga.
“Avery. . .”
Sa sobrang kapaguran, hindi ko na rin napansing sinundan pa pala ako ni Cormac. Mabilis ko itong hinarap. Gaano ko man gustong sungitan ang lalaki ay parang hinihila na ako ng kalsada na humiga roon.
“Ihahatid na kita.”
Naging mahina na sa paningin ko ang mga salitang iyon dahil sa tuluyan na akong hinila ng antok.
Napabalikwas ako nang maramdaman ang malamig na kwarto. Hinalukay ko sa isip kung ano ang nangyari pagkatapos kong makuha ang gamit sa sasakyan ni Cormac pero wala na akong ibang matandaan.
“Holysh–”
“You’re such a baby!”
Napatili pa ako sa taong biglang nagsalita sa gilid. “Kuya naman! Nanggugulat pa, eh!”
Napasapo ako sa ulo. I am lowkey trying to remember kung ano ba talaga ang nangyari. Hindi naman ata ako biglang parang nawalan ng buhay kanina, hindi ba?
I should remember something.
“Alam kong mangyayari ‘to, Avery. Listen,” diretsong sabi ni kuya saka ibinagsak sa kama ko ang cellphone nito.
Malinaw na malinaw ang recorded audio na lumabas roon.
“I’m sorry. I planned na ihatid siya but she passed out—well, that’s what I thought. Dadalhin ko na sana siya sa ospital kaya lang. . . narinig ko siyang humihilik. I’m relieved na nakatulog lang pala siya. She must be tired from work–”
“Stop! Stop!”
Hindi ko alam ang mararamdaman. Literal na naramdaman ko ang biglaang pag-iinit ng mukha. “What was that, Kuya?”
“I know. . . I know, little sister.” Hindi nakatulong ang mga halakhak ng lalaki. “I know you are doomed.”
Nakakahiya! Paano ako nito papasok kinabukasan?
BINABASA MO ANG
Reportedly Dating
RomanceSi Avery Taylor ay isang Television Reporter na labis na hinahangad ang taon-taong parangal. Ngayong taon, nahanap na nila ang sagot sa parangal at recognition na iyon. Simple lang ang gagawin, gumawa ng report tungkol sa buhay ng isang napakayamang...