Twenty-four: Amnesia

380 15 0
                                    

Avery Taylor’s point of view


Sa sunod na pagdilat ng mga mata, pakiramdam ko tuluyang nag-iba ang paligid. Pare-parehang mukha ang nakikita ko pero iba na sa pakiramdam na maaninag muli ang mga ngiti nila sa mukha.

Marahil ay wala lang sakanila ang lahat pero iba iyong sa akin. I could feel my life. . . breaking into pieces— again and again. Iyong buhay na pinilit kong buuin at ayusin matapos ang aksidenteng iyon, labing-limang taon na ang nakararaan ay kailangan ko na namang ayusin ngayon. Iyon bang kailangan ko na namang pulitin ang nagpira-pirasong pagkakakilanlan sa sarili.

Naaalala ko na ang lahat. . . Finally, nakuha ko na kung ano ang madalas kong ipanalangin sa Panginoon noon. Kung napaaga lang sana ito nang kaonti ay baka ngayon pa lang, nagtatalon na ako sa tuwa pero it really felt different.

Naging takot na akong malaman ang katotohanan at hindi ko kayang maging masaya ngayon.

Si Cormac, I knew there was something in him. Kaya siguro ganoon na lang din ang pagpupumilit kong makilala ito at malaman kung ano ang mga itinatago nitong sekreto dahil may kinalaman iyon sa akin. . . dahil may kinalaman iyon sa mga alaala ko.

Cormac is the half of my lost memories. Siya iyong lalaking paulit-ulit na laman ng mga panaginip na matagal ko nang gustong makilala.

If only I could still do that now. . .

Malinaw sa akin ang mga alaala pero hindi ko na tuluyan pang nalaman ang rason ng mga pangyayari. Hindi ko na nalaman kung bakit pinatay ang mga magulang ni Cormac noong araw na iyon, hindi ko alam kung ano ang naging laman ng imbestigasyon.

Itinago iyon nila mommy sa akin, that is their only way to protect me at hindi ko rin naman sila masisisi. Pero hindi ko pa rin maisip kung paano kaya kung hindi nangyari ang bagay na iyon? Paano kung maaga kaming umuwi o hindi naman kaya ay nanatili sa munisipyong pinagtatrabahuhan ang mga magulang ni Cormac; would our lives be the same?

Binalingan kong muli sila mommy na siyang nasa harapan ko. Hindi matigil kakaiyak ang ina samantalang mariin naman ang titig sa akin ni daddy at Kuya Jac na para bang inaantay akong magsalita.

Nanatili akong tahimik sa sumunod pang mga segundo. Hindi dahil sa gulat pero dahil sa hindi ko talaga alam kung ano marahil ang pupwedeng sabihin sa mga taong nanatili sa tabi ko sa simula pa lang.

Alam ko kung gaano sila natakot, nag-alala at nawalan ng pag-asa sa sitwasyon ko. Sa huli, ngumiti ako nang malaki saka tinaasan ng kilay si Kuya Jac na deretso pa rin ang titig sa akin. “What’s with the face, dickhead?”

“Avery!” Tinawanan ko na lang ang malakas sa bulyaw ni daddy.

“This woman! Pinaiyak mo si Jacques at Mommy pagtapos iyan ang una mong sasabihin?” Hindi ko na pinansin ang pangaral pang iyon ni Kuya Jac. Dali-dali ay binalingan ko si Jacques saka nagtaas ng mga kamay, nag-aantay ng mga yakap nito.

Bahagya akong umupo sa higaan, ramdam ko pa rin ang nakapapasong tingin ng pamilya. “What?”

“Avery, Anak, you do remember everything?” Naging malungkot ang sumunod kong tingin kay mommy.

Yes, I can remember everything about it. Sa kung paano ko nakitang sumuko ang mga tuhod ni Cormac sa harapan ng mga magulang, sa kung paanong hindi siya nakagalaw sa napakatagal na minuto at ang malakas na pagsalpok ng isang sasakyan sa akin. . . ramdam ko ang lahat ng sakit at paghihinagpis. Naaalala ko ang lahat.

Gusto kong hagkan ang ina, magsumbong. . . sabihin ang lahat ng sakit at pagsisising nararamdaman pero I can’t let them suffer again.

Alam ko ang magiging resulta sa kanila ng pagbabalik ng alaala ko. Alam ko kung paano iiyak si mommy, mag-aalala si Kuya Jac at daddy.

I know this isn’t the right thing to do but I’ll fearlessly face the consequences afterwards. Basta ang alam ko, sa pagkakataong ito, pamilya ko naman ang iisipin ko.

Ilang taon ko na silang pinahirapan. . . ilang taon na nila akong prinotektahan. I can’t dare to see all of them in such pain and disappointment. Naging maayos na ang lahat mula sa mga nakaraang taon at hindi ko na hahanayaang masira pa ang lahat.

“Remember everything?” kunwari ay naguguluhan kong gagad. Bahagya pa akong sumulyap kay Kuya Jac na parang nagpapatulong sa kung ano marahil ang pupwede kong isagot sa ina. “Kuya?”

“Hindi pa rin, Ma. Hindi niya pa rin naaalala.”

Reportedly DatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon