Nang magbukas ang dalawang malalaking pinto ng simbahang iyon at nagsimula na akong mglakad patungo sa altar kung saan nag-aantay si Cormac, nagtuloy-tuloy na ang pagragasa ng mga luha ko.Nasa kaliwa ko si mommy na nagsimula na rin sa pag-iyak, ang kanan na dapat sana ay puwesto ni daddy ay bakante naman ngayon. I really wish na kasama ko si daddy pero alam kong hindi ko kailangang malungkot. Alam kong masayang-masaya ito ngayon para sa akin.
Si Kuya Jac naman ang naging best man, habang si Ma’am Cassandra na ang ginawa kong bride’s maid. Nahihiya man, wala na akong ibang nagawa lalo pa’t si kuya na ang namilit. May tama rin talaga ang isang iyon, makikipag-agawan sa lahat basa makasama lang nito si Ma’am Cassandra sa lahat.
Sa paglalakad, pakiramdam ko napupuntahan ko ang iba't bang sitwasyon noon. Naalala ko ang bawat hirap at sakit na napagdaanan naming dalawa ng lalaking tuloy-tuloy rin ang pagpunas ng luha sa harapan.
Nag-uumapaw ang puso ko sa sobrang kasiyahan at ang pag-iyak na lang ang paraan para mailabas ko iyon. Ilang araw ko na ring inuulit-ulit sa sarili kong ngayon ang kasal naming dalawa ni Cormac pero tila ba hindi ko pa rin matanggap.
Ang unang naging pag-uusap naming dalawa sa telepono.
“Well. . . I should start calling you Ma'am, then. I’ll be waiting for you on C.C Main."
Ang unang pagtatalo. . .
“I just thought na deserve ng thirty million mo ang kaonting impormasyon tungkol sa‘kin. Ayaw mo ba?”
. . . na nasundan ng napakarami.
“May kapatid ka ba?”
“Wala.”
“Girlfriend?”
“None. Quit it.”
“Fling?”
“I said stop it.”
“Lights off or lights on?”
“Off.”
“Sex or chocolate?”
“Sex–what was that? I said stop this!”
“Pumapayag ka na ba sa documentary?”
“No!”
Ang walang kamatayang pagpipilitan sa dokumentaryong iyon.
“Hinding-hindi kita titigilan. Naririnig mo ba? I will win the AFA 2020. I will win you. ‘Wag na ‘wag mo ‘yang kakalimutan.”
Kung paano ko siya nakilala. . . naging kaibigan, at nagsimulang mahalin. It will go down the history of us.
“Sinusundo ka na ng girlfriend mo, Mac!”
Ngayong dere-deretso na ang lakad ko patungo sa kanya, nagiging totoo ang pangarap ko.
His my first love. . .
Siya na rin siguro ang lahat ng klase ng love sa akin.
“I won’t forget Macky so you better not forget Abe! Avery!”
Nang magawa kong itaas ang tingin para magpunas ng luha, napabaling ako kay Levi. Taas na taas ang noong nakatingin at naka-ngisi sa akin na para bang labis itong naging masaya sa desisyon ko.
Hindi ko man nakasama nang madalas ang lalaki, I’ll always the friendship he has with Cormac. Habangbuhay ata akong magpapasalamat sa lalaki dahil hindi niya hinayaang maging mag-isa si Cormac simula nang makilala niya ito.
BINABASA MO ANG
Reportedly Dating
RomanceSi Avery Taylor ay isang Television Reporter na labis na hinahangad ang taon-taong parangal. Ngayong taon, nahanap na nila ang sagot sa parangal at recognition na iyon. Simple lang ang gagawin, gumawa ng report tungkol sa buhay ng isang napakayamang...