Thirteen: Let the game begins

391 16 1
                                    

Lagpas alas-singko na ng hapon noong nakarating ako sa BSE. Hindi ako mapapakali kung sa telepono lang namin pag-uusapan iyon ni Ma’am Cassandra kaya pagkasabing-pagkasabi ng babae ay kulang na lang ay liparin ko ang distansya ng bahay at opisina.

This must be a joke. Baka pinagtitripan lang kami ng Cormac na ‘yun o kung ano pa man. Gusto kong makasigurado.

“Ma’am Cassie, what was that? Anong pumapayag na sila?” bungad ko rito pagkapasok na pagkapasok.

Nanatiling deretso ang tingin ng babae, bahagya itong nagkibit-balikat bago magsalita. “I don’t know what’s wrong with you guys. Kung kailan naman pasuko ka na, saka naman papayag ang kabilang kampo. Ano ba talaga ang nangyari kanina about meeting his parents?”

Problemado akong umupo at nagsimulang ikwento sakanya ang nangyari. Simula sa plinano sa airport, ang makarating sa bahay nila pati na ang pagkainis ko.

“Seriously? That means you did good. Bakit ayaw mo na ngayon?”

Bumuntong-hininga ako bago sumagot, “Kuya. He wants me to be out of it na. Maghanap na lang daw tayo ng iba–”

“Iba? Alam niya ba kung gaano mo pinaghirapang makuha ang approval ng lalaking ‘yun tapos when we got it ngayon naman tayo susuko?”

Gusto ko pa sanang mas ipaliwanag sakanya ang naiisip ko kaya lang mayroon pa ring malaking agwat sa amin lalo pa’t siya ang boss ko. Ayoko namang isipin nitong nagrereklamo ako sa task na ibinigay niya. Isa pa, if we won’t this, malaki pa rin ang magiging effect sa akin.

“You are not the type of person who will give this up. You should rest now. Bukas, ide-deretso na ba natin sa set o one on one interview muna kayo?”

I just know it. I need to face this. Hindi ba eto naman talaga ang gusto ko una pa lang? Bakit ba pakiramdam ko ay nag-aalangan ako ngayon?

“I’ll set the interview for three days, Ma’am. Same goes with the planning. Kapag natapos ko nang maaga I’ll request the team para magsimula,” deretso kong sabi.

Tumango-tango naman ang babae at sinabihan na akong umuwi. Nanlalamig man sa kakaisip kung anong pupwedeng mangyari kinabukasan ay pinili ko na lang pakalmahin ang sarili.

Why the fuck do I feel this way? Am I really bothered about that threat and the kiss?

***
Kinabukasan, dali-dali akong kumilos para sana hindi malaman ni Kuya Jac na itinuloy ko ang plano kay Cormac pero ginawa ko man ang lahat ng pag-iingat, naroon na siya sa harapan ng pinto. Nag-aabang ito sa paglabas ko.

“Kuya. . .”

“Avery, hindi ka talaga nakikinig sa’kin!”

Imbes na makipagsagutan, mabilis ko na lang hinalikan sa pisngi ang llaki at nagtatatakbo palabas.

Alam kong maiintindihan din ni Kuya Jac ang lahat at isa siya sa unang taong matutuwa kapag nagawang makuha ang AFA kaya mas kailangan kong pag-igihan para maging worth it naman ang hindi ko pagsunod sa kapatid.

Hindi halos ako magkandaugaga nang papasok ako sa building ng C.C Cars Main. Bumabaha ang pawis sa kamay ko sa sobrang kaba.

Hindi ko alam kung bakit kailangan ko iyong maramdaman pero ipinagsawalang-bahala ko na ang lahat.

“You go, Avery. You are braver than this,” pag-aalo ko pa sa sarili.

Masigla akong binati ni Jessica nang mamataan niya ako. “Miss Avery, pinapapunta ka ulit ni Boss?”

Nangingiting tumango ako, ”Yes. This time, I’ll interview him.”

Minabuti ko nang magpaalam sa babae at dumeretso sa pag-akyat. Bago ako umalis sa bahay, ipinangako ko sa sarili ko that I will make this day productive. Mas maraming impormasyong malaman tungkol kay Cormac, mas mabuti.

Reportedly DatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon