One: She, who deserves the award

674 23 0
                                    

“Cormac. . . Cormac Carter,” hindi makapaniwala kong sabi. Kung sino man o kung ano man talaga ang pagkatao ng lalaking ito ay wala na no isang nakakaalam. Direkta ang pokus ko ngayon sa paghahanap maski katiting na impormasyon sa lalaki pero magdadalawang oras na ako sa harap ng computer ay wala akong nasasagap na iba maliban sa edad, date of birth, ang sarili nitong kumpanya. Wala ng ibang impormasyon tungkol sa lalaki at nada-divert na ang usapan sa business na pinapamahalaan niya. “This is frustrating!”

There should be another way. Hindi pupwedeng sa unang subok ko pa lang ay talagang talo na agad. I need to know every little thing at sisimulan ko iyon sa pag-alam ng mga gusto ng lalaki. I wanted this. Kailangan kong mas pag-igihan sa gagawin lalo pa’t nakasaalang-alang dito ang pagkapanalo sa AFA 2020. What our Editor-in-Chief said was right. Ang lalaki ang magmimistulang susi sa amin, sa akin. If I really wanted to win, marapat lang na siya ang pagtyagaan kong kunin.

The world doesn’t know more about him. Paniguradong pagkakaguluhan at magkakandarapa ang mga tao sa pag-aabang sa dokumentaryo kong iyon.

“Staffs! His secretary!” Mabibilis ang mga daliri ko sa paghahanap. Kahit nga ata napakaliit na bagay o impormasyon tungkol sa lalaki ay papatusin ko na. I have approximately six months to do the job. Isang buwan para kumbinsihin ang lalaki at ang limang buwan ay siguradong igugugol namin sa pagso-shoot.

Parang natanaw ko ang langit nang may nakita akong contact number ng kumpanya nila. Malayo pa iyon sa plano pero sa ngayon ay mas magandang unti-ontiin na. I shouldn't waste time. I must be ahead of other journalist na sasali. Kinuha kong agad ang cellphone na nasa gilid at mabilis na dinial ang numerong nakapaskil doon.

Matapos ang halos walang hanggang pagring noon ay parang nabunutan ako ng tinik sa lalamunan noong may sumagot, “Good afternoon. C.C Cars. Who's this?”

I felt my hands water. There's something in the man's voice that I found very uncomfortable. “Ganito ba talaga sa kumpanya ng Carter na iyon? Mga cold ang mga tao,” I said to myself.

Talaga nga sigurong magkaiba ang buhay ng isang CEO sa katulad naming araw-araw humaharap sa tao. Parte na ng buhay namin ang ngumiti, makitawa, dalhin at pahabain ang usapan. We need to be very jolly and enthusiastic para talagang mapagkatiwalaan ng mga tao.

Wala pa akong nakitang kasama sa media na palaging nakabusangot — that’s a fact.

“Goodmorning. This is indeed C.C Cars.” Napaayos ako ng upo, hindi mapakali ang mga kamay kong nakapatong sa kaharap na mesa.

"Yes. Who's this?"

Hindi ko mabilang ang sunod-sunod na pagbuntong-hininga. Nagkabuhol-buhol na sa isip ko ang gustong sabihin. Should I ask him where's his boss directly o kailangan bang onti-ontiin ko muna?

“Are you his secretary? This is about Mr. Carter, nandyan ba siya? Can I talk to him?”

Come on, come on. Tell me the man is at his office at wala itong schedule ngayong araw.

“This is Cormac and I am asking for your name,” malamig na sabi niya. Halos mapapikit naman ako roon. Kung sinuswerte ka nga naman talaga, Avery.

"Avery. I'm Avery Taylor. . . Mr. Carter, I need to talk to you," deretsahan kong gagad. Bahala na. I really think I need to plan this thoroughly kaya lang nandyan na siya, eh. Kausap ko na siya sa kabilang linya kaya bakit ko pa patatagalin?

There's no harm on trying at para sa AFA kahit ilang beses pa akong magtry nang magtry, it won't matter.

“May I ask why?”

Ngayon, alam ko na kung bakit kahit napakaraming babae ang nagkakandarapa sakanya ay wala pa ring babaeng nangangahas lumapit. He is so intimidating! Pati nga boses niya ay aayawan mo na lang din sa sobrang lamig.

Pinag-aagawan din daw umano siya ng libo-libong mga investors pero kaonti lang din ang nakakalapit.

I mean, hindi ba dapat maging cheerful din siya? Pangwelcome rin kaya sa mga tao at investors ‘yun.

“Can we talk about this in person? Hindi kasi magkakalinawan kung sa tawag lang.”

Nakarinig ako nang malalalim na pagbuntong-hininga sa kabilang linya kaya natahimik ako kaagad. “Media?”

Halos lumubog ako sa kinauupuan. Paano niya nahulaan agad iyon? “I–I just don't know how I matter with you guys. Wala naman akong issue, events o kahit pasabog tungkol sa kumpanya ko pero pangsampo ka na sa kumontak sa akin ngayong araw. Well, of course excluded na dyan ang mga journalist na tumawag sa akin kahapon. Quit it, alright? I just don‘t want to get involve in any media or news agency.”

Napipilan ako sa sinabi niya. Is he mad? Ako na ba talaga ang pangsampong tao from the media na tumawag sakanya? Bakit? Are they planning to get Mr. Carter for the AFA 2020, too? If that's the case, mas kailangan kong bilisan ang pagkilos! I won't lose this opportunity, lalo pa ngayong nasa kanya na rin ang mata ng iilang sasali.

“Wait, Mr. Carter–”

“Miss Taylor, my decision is final. If this isn‘t about my cars, don't bother calling me.” Akmang magsasalita na ako nang marinig na pinutol niya na nang tuluyan ang tawag.

This is bullshit!

Blanko na ang utak ko nang sinubukan ko tawagang muli ang numero ng teleponong iyon. Sa bawat ring ay halos magwala ako sa kinauupuan. Why do I feel so desperate? Kapag hindi ko pa dinalian ang pagkilos ay siguradong mauunahan ako ng iba at hindi pwede ‘yun!

“Good afternoon. C.C Cars. Who’s this?”

“I’ll get one."

Bahagyang natahimik ang tao sa kabilang linya. Kinailangan ko pang bumilang ng sampong segundo bago ito magsalitang muli. “Pardon?”

“This is Avery Taylor and I’ll buy any of your cars,” taas-noo kong sabi.

Kung nandito lang ang boss ko paniguradong uulanin na ako ng mga mura noon sa hindi ko pag-iisip ng tama. But then, nandito na ako sa sitwasyong ito. Kapag binitawan ko pa ay paniguradong pagsisisihan ko kung hanggang kailan – this is disappointing! Bahala na. Bahala na kung saan ako dalhin nitong mga bad decisions ko.

“Well. . . I should start calling you Ma'am, then. I’ll be waiting for you on C.C Main."

Reportedly DatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon