Sixteen: Rule number one

371 18 4
                                    

“Avery, you can’t do that! We need to please Mr. Carter dahil tayo ang may hihingiing pabor sakanya.” I hung my head low. Napakarami kong gustong sabihin pero alam kong at the end of the day, wala rin naman akong ibang magagawa kundi ang sumunod.

“I am so done pleasing that jerk!” singhal ko pa.

Alam kong wala akong karapatang magreklamo lalo na sa harap ng mismong EIC pero nakagawian ko na rin. Ma’am Cassandra will surely understand. Isa pa, ilang taon na rin kaming magkasama kaya paniguradong alam na alam na nito ang ugali ko.

“Kaonting tiis pa, Av. This will be paid off once na nanalo tayo sa AFA.” Kahit papaano, napakalma ako ng mga salitang iyon.

Iyon na lang naman talaga ang pinanghahawakan ko.  Lalo pa ngayong napakaingay na ng iilang journalist sa kani-kanilang mga social media sites. Karamihan doon ay nagsisimula na sa shooting ng documentary at gumagawa na ng ingay kasama ang napili nilang mga sikat na tao.

Pero ako. . . ni hindi pa nagagawang makipagkasundo kay Cormac.

“Ready na ang kontrata. Pirma na lang ni Mr. Carter ang kailangan niyan, Av. Pagpasensyahan mo pa. . .” pangungumbinsi ni Ma'am Cassandra.

Napabuntong-hininga na lang ako. Alas dos pa lang ng hapon pero pakiramdam ko ay babagsak na ang katawan ko. Gusto ko nang matulog at magpahinga.

Walang gana kong kinuha ang kontratang sinasabi ni Ma’am Cassie saka walang imik na kumaway sa babae.

“Where are you going? C.C?”

Wala sa sarili akong tumango. “Yes. Ihahampas ko sakanya ‘to.” Patawa-tawa ko pang itinaas ang kontrata dahilan para humalakhak ang boss.

I am really exhausted. Pagkatapos nang pagwo-walk-out ko mula sa ampunan ay dumeretso ako sa opisina. Buti na lang at dala ko ang cellphone ko at nagamit ko iyon para sa pagbabayad online.

Nang marating ang opisina ng BSE ay saka ako naglabas ng pagkabwisit kay Ma’am Cassandra.

Namumuro na rin talaga ang Cormac na ito sa akin. Sinisigurado ko talagang pagkatapos ng documentary na ito ay erase siya sa buhay ko.

How dare he say that do me?

I mean, hindi naman talaga kami engaged but how could he say that?

At hindi ako makapaniwalang pagkatapos nang sinabi ko sakanya ‘trash’ siya ay pupuntahan ko siya sa opisina para sa kontrata.

“That jerk!” Hindi ko na mapigilan ang magdabog nang makalabas sa building para maghanap ng masasakyang taxi papunta sa C.C Cars. “Ano bang gusto niyang gawin ko to please his ego? Napakasungit! Akala mo naman gwapo!”

Namataan ko ang iilang mga katrabahong papasok sa building na ngumingisi-ngisi. Napalakas ata ang pagkakasabi ko noon kaya napairap na lang ako.

Nakakatawa sila dahil hindi mahirap ang trabaho nila. Samantalang ako, I feel like I am stuck–

“Ikaw lang ang nagsabi sa aking hindi ako gwapo. . .”

Mabilis akong napalingon sa bandang likuran ko at halos bumundol pa ako sa katawan ng lalaking pinapatay ko lang sa isip ko kanina.

“What are you doing here?” patay-malisya kong sabi. Humigpit ang hawak ko sa envelope na may lamang kontrata dahil sa kahihiyang biglang naramdaman. Bakit ba kasi nandito ang lalaking ito?

“I’ll sign the contract. Let’s find an appropriate place for that,” masungit muling sabi nito saka nagsimula nang maglakad papunta sa parking lot.

Reportedly DatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon