Thirty-three: Accomplice

282 11 1
                                    

“Of course,” walang ganang sabi ko saka tahasang pinaggugulo ang sarili kong buhok. “Of course, wala ka naman talagang hahanapin! What an excuse.”

Pagkatapos ng ilang minutong pag-aantay sa sasabihin ng lalaki matapos makarating sa Batangas ay sumuko na lang din ako. This is frustrating! Akala ko pa naman ay talagang may makukuha at malalaman ako sa araw na ito. “Cormac!”

Nakakunot na ang lalaki nang nilingon niya ako. “Dali na, Av. My legs are tired. Marami tayong kailangang puntahan sa first day ng itinerary natin, Av, kailangan mong mas bilisan ang lakad.” Mas namewang ako sa likuran nito. Tila ba mas pinili ko ang pagrerebelde at hindi ko sinunod ang sinasabi ni Cormac.

Hinding-hindi ako gagalaw rito hangga’t hindi nito sinasabi sa akin kung ano ang itinatago nila sa akin ni Kuya Jac. Kahit pa abutan ako rito ng gabi o ng dilim, I swear to all gods and goddesses, hindi ako aalis sa lugar—

“Cormac!” Hindi na matapos-tapos ang naging pagsigaw ko pagkatapos. “Ibaba mo ako, ano ba!”

Alam kong mukhang walang naririnig ang lalaki pero hindi ko pa rin sinukuan ang pagisigaw at pagpupumiglas dahil sa biglaang pagbubuhat nito sa akin. Pinagtitinginan tuloy kami pagkapasok sa hotel dahil nagmistula kaming bagong kasal. Now, I regret being so stubborn with this guy. Mabuti lang talaga iyong sinusunod ko ito.

Nang makapasok sa hotel room ay doon lang ako nito ibinaba. Akmang magrereklamo pa lang sana ako nang labi ko naman ang pinuntirya niya. Sinisipsip at pinaglalaruan niya ang mga iyon. Bahagya kong hiniwalay ang mukha ko sa lalaki. Hindi ako matatahimik hangga’t hindi nasasagot ang mga tanong ko.

I need to find the answers to my questions first, more than anything else. Hindi ako magiging si Avery Taylor kung hindi.

“C,” panimula ko. Bahagya rin namang natigilan ang lalaki saka ako hinarap. Mapupungay na ang mata ni Cormac at hindi ko rin mapigilang ibaba ang tingin sa ngayong basa at namumula na nitong mga labi. “Pwede ba sagutin mo muna ako? I am dead ass curious! Ano ba talaga ang tinatago ninyo ni Kuya?”

Ang alam ko, desidido ako sa ginagawa. Sinabi kong hindi ako bibigay sa kung ano pa mang pang-aakit ang gawin ni Cormac pero nang sunod na mas ilapit pa nito ang sarili, ako na mismo ang yumapos sa mukha ng lalaki at mariin itong hinalikan.

“We’ll talk later, Av.” He said in between our kisses.

Iniwan ko na muna ang kuryusidad at pinauna ang makamundong pakiramdam. We’ll talk later. Later. . . .


***



Natawa na lang ako nang mahina sa sarili nang magising sa pangalawang beses sa araw na iyon. Makalat ang kwarto. Nanlaki pa ang mga mata ko nang mamataan ang mga natumbang vase sa may bedside table. Basag na rin ang maliit na lampshade na nahulog sa sahig.

“Anong nangayari rito?”

Gustuhin ko mang pukpukin ang sarili dahil sa sariling tanong ay natawa na lang ako. Ganoon ba talaga namin ka-miss ang isa’t isa?

Dinampot ko ang mga damit at minabuting magbihis bago ko balingan ng tingin ang boyfriend na mahimbing pa rin ang pagkakatulog. Hindi ko na napigilan ang paghagikgik. Kahit kailangan talaga, hindi ko magagawang tanggihan ang lalaki.

Minabuti kong lumabas ng kwartong iyon para sana maghanda nang makakain. I was about to cook some noodles nang marinig ko ang maingay na pagtunog ng cellphone ni Cormac. Dali-dali ko iyong kinuha, inasahan ko na kasing si Kuya Jac ang nagtext. Paniguradong mangungulit lang ang lalaki sa pagtatanong kung nasaan kaming dalawa. At kapag hindi ko iyon nireplyan ay paniguradong susugod na naman iyon dito katulad nang ginawa niya noong nakaraan.

But that text is not from Kuya Jac. It was from a contact named, “Moris”. Hindi ko pa man nababasa ang text message, napakalakas na nang pagkalabog ng puso ko. Lahat ng paghihinala ko ay totoo, alam kong hindi pa rin nila tinitigilan ang pag-iimbestiaga kahit pa ilang buwan na rin ang nakararan mula nang mabalita ang pagkamatay ng hinihinala naming suspek.

Pero bakit pa nila kailangang itago? I was with them since day one kaya bakit pa ililihim ng mga ito ngayon sa akin ang bagay na ito?

From: Moris
Mr. Carter, it wasn’t just any watch. It was the Hublot Big Bang. Siguradong iyon ang relong suot ng accomplice nang maganap ang aksidente.

Padarag kong naibagsak ang hawak. Nanginginig man ang mga kamay, mabilis kong kinuha ang sariling cellphone saka hinanap ang maaaring itsura ng relo sa internet.

Tama nga ang mensaheng iyon. Ang relong tinutukoy niya ay hindi lang basta-bastang relo. It is one of the most expensive men’s watches equipped with an astounding 1280 diamonds.

Sino ba ang may ganito kamahal na relo noong taong 2005?

“Pulitiko. . . businessmen,” bulong ko sa sarili, hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa relong nasa screen ng cellphone. “I think, I’ve seen this somewhere. . .”

“Five million dollars po? Gaano po ba ‘yun karami, Dad?” ngumuso ako sa harapan ng ama kahit pa dikit ang mga mata sa relong suot nito. Hindi matigil ang pagkinang nito na mas lalo pang nakapukaw ng aking atensyon. Naisip ko tuloy ang relong nakita ko sa kaklase ko noong nakaraan—Barbie. Bigla ay nagustuhan ko ring magpabili.

“Hindi ba delikado ‘yan, Dad? Marami pa naman ang nagnanakaw ngayon.” Sumang-ayon ako sa sinabi ni kuya. Noong mga nakaraang araw, marami kaming napapanood sa balita na tungkol sa mga nakawan kaya sigrurado ay nag-aalala kami para sa ama.

Nakita kong may itinaas si Kuya Jac na mukhang napakamamahaling box. Sa labas ay kitang-kita mo ang logo nito pero dahil maliit, hindi ko na nagawang mabasa ang pangalang nakasulat. Akmang magtatanong dahil sa kuryusidad ay si Kuya Jac na mismo ang nagsalita. “Big Bang? Iyong nasa science natin, Av!”

Dumausdos ako sa sahig dahil sa biglaang panlalambot ng tuhod at pagsakit ng ulo. Flash of memories na naman? Kulang pa ba ang mga bagay na natatandaan ko?

“Cormac! May tao!” Ibinagsak ko na ang dala-dalang gamit sa sahig at walang pagdadalawang-isip na hinabol ang nakitang lalaki. Napakalakas ng pagkalabog ng puso ko pero hindi ko iyon ininda. Deretso ang tingin ko sa daanan. Mas binilisan ko ang pagtakbo para sana madali itong maabutan nang kotse na mismo ang sumalubong sa akin.

Sa lakas nang pagtama nito sa buong katawan, ramdam ko ang biglang paggaan na parang nagkaroon ako nang mga pakpak at lumipad palayo roon bago bumagsak nang pagkalakas-lakas sa daan.

Sa likod ay rinig ko ang hindi na makilalang boses ni Cormac habang sa gilid ay nakita ko ang dalawang lalaking nasa kotse. Naroon ang lalaking sinubukan kong habulin at ang lalaking may suot nang relong iyon.

Reportedly DatingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon