“Go on. Ask me,” kalmadong sabi ng lalaki pagkapasok na pagkapasok namin sa opisina nito. Aligaga kong kinuhang muli ang maliit na recorder. Para bang nilipad na lang ng hangin ang lahat ng gusto kong itanong at malaman.
Marahan akong umupo sa mababang sofa na naroon. Naging pabalik-balik ang tingin ko sa napakalinis at gandang opisina pati na kay Mr. Carter. Grabe, may ganito pa palang klase ng lalaki. Napakalinis niya sa mga gamit. Mapapansin mo iyon dahil kahit pati iyong mga papel na hawak niya kanina sa una kong pagpasok dito ay tuwid ang pagkakapatong sa mga pile ng papel. Hindi iyon bastang isinalansan sa pwesto.
He seems so organize. Mukhang kalkulado ang lahat ng kilos at sinasabi nito.
“Last year, I won the Antonio Facundo Awards 2019. Napakalaking pangaral iyon para sa aming mga journalist. My team and I made a documentary with our star, Tanya Tebrero. Kilala mo siya? Isa sa mga sikat na manunulat sa Pilipinas. Our hardships became successful. We won the award for best documentary at sa akin naman napunta ang AFA. This year, we planned not to let go of the title. Katulad ng taon-taon na ginagawa, hahanap kami tao which has an interesting life and we’ll show it to public–”
Natigil ako sa biglaang pagtikhim ng kasama sa kwarto. “You’re looking for a life na pupwede ninyong gamitin for your own gain, gano’n ba? Pakekealamanan ninyo ang buhay ng taong ‘yun–”
I cut him off, too. “Of course not! Bukas ang naging pagtanggap sa amin ni Tanya. She’s willing to help us kahit sa mababaw na parte lang ng buhay niya ang kukunin namin. Have you watched it? Ipinakita lang namin doon ang buhay nila ni Josiah, her husband. Kung ano lang ‘yung kayang i-share sa public.”
Ibinaba ko ang tingin noong hindi ko na kayaning makipagkumpetensya sa titig niya. Hindi ko alam ang gagawin. Kailangan bang maging mabait muna ako sakanya rather than screaming to his face now? Kasi naman, I found this very frustrating!
Last year, noong lumapit kami kay Tanya, halos pagsilbihan pa kami ng asawa nito sa bahay nila. They welcomed me and my team warmer than I’ve expected. Napakababait ng mga tao roon kaya alam kong magiging mabubuting tao rin ang mga anak nila in the future. But this time? Mukhang lululon talaga ako ng bato sa hirap! Bwisit!
“Is that so?” Naiwala ko ang pag-iisip sa biglaan niyang pagsasalita. “Kung ano lang ang gusto kong ipalabas. I see.”
Gusto ko pa sanang magsalita at mas ipaintindi ang sitwasyon but he’s obviously taking the lead now. Nakatayo lang at paminsan-minsang pinagkukrus ang mga braso sa tapat ng dibdib. Super intimidating!
“Ask me about C.C Cars,” he demanded.
“Pero alam na ng mga tao ‘yun. Everybody knows about it! Kung ilang beses kayong nananalo sa iba’t-ibang sports car event every year. Kung ano-ano ang mga nilalabas ninyong model, anything! Alam na nila ‘yun. All I want the public to know is a glimpse — even just a glimpse — of your personal life,” mahinahon kong sabi. Pilit kong binabalingan ang mga mata niya para naman magmukha akong sincere pero wala akong magawa. Hindi ko kayang labanan ang mga matatalim na titig nito.
Matatakot sana ako pero pansin kong gano’n na talaga ang tingin niya, gano’n na ang mga mata.
“Parents?” sinimulan ko ang pagtatanong. Bahala na kung ano pa man ang isipin niya. I’m desperate to know as well.
“They are abroad,” mabilis niya namang sagot.
“How are they as your parents? Nu’ng bata ka, are they treating you good?” Nakita niyang pinindot ko ang recorder at hindi naman siya nagreklamo kaya nagtuloy-tuloy na ako.
“Yes,” tipid na sagot ni Mr. Carter. Wow. Wow! Anong klaseng interview ‘to? Isang tanong, isang sagot? Game show?
Lumaki ang ngisi ko nang makaisip ng panibagong plano. “May kapatid ka ba?”
“Wala,” mabilis ulit nitong sagot.
Ganitong proseso pa la ang gusto niya, ah. Mas binilisan ko rin ang pagtatapon ko ng sagot. “Girlfriend?”
“None. Quit it.”
“Fling?”
“I said stop it,” inis na niyang sagot kaya napakagat na lang ako sa labi sa pagpipigil ng tawa.
“Lights off or lights on?”
“Off.”
“Sex or chocolate?”
“Sex – what was that? I said stop this!”
Bumungkaras na ako ng tawa, hindi ko na nakontrol iyon. “Pumapayag ka na ba sa documentary?”
“No!” Balikat ko naman ang bumagsak this time. Nabura agad ang pagtawa ko, naiinis na.
“Why?” Prente kong pinagkrus ang mga binti ko habang nakatingin sa lalaking napakadilim na ng mukha nito. “My team and I won’t hurt you.”
“I said, no.” Bwisit! “Ano bang makukuha ko rito?” Bang. He’s right. Alam na alam ko ang sistema sa mga businessman ng katulad nito. Hindi pupwedeng ibang side lang ang magbe-benefit, kailangan ay may makukuha rin sila.
At ano naman ‘yun?
“That’s the thing. You’ll get to decide kung anong gusto mong makuha.” Kitang-kita kong umigting ang panga nito dahil sa sinabi ko. Patay. Mas nagalit ko ata.
“Leave,” malamig nitong sabi pagkatapos ay tinungo na ang upuan nito.
“Mr. Carter naman. Hindi ko naman kayo pinipilit magdecide ura-urada kaya ‘wag ka agad hihindi. Hindi pa naman kami nagmamadali–”
“I’m already telling you my decision para makahanap na kayo ng iba.” Agad niyang kinuha ang iilang mga papel na nakapatong sa kabundok na iba pang mga papel. Hindi na niya ako binabalingan ng tingin. “This is a help.”
“Hindi pupwede. Babalik ako rito, kahit pa araw-araw. Paulit-ulit akong magpupunta para tanungin ka. I won’t get tired of this as you get tired of me, mapapapayag din kita.” seryoso kong gagad. Patagal nang patagal mas natsa-challenge akong kumbinsihin at kunin ang lalaki para sa AFA. Hahalughugin ko ang buong Pilipinas o kahit pa mundo makakuha lang ng paraan, makumbinsi lang ‘tong lalaking ito.
“I said, leave. Hindi ako papayag. Ayokong magkaroon ng interaction between me and the media. I hate it. Ayaw na kitang makita ulit.” Sinabi niya iyon nang hindi nakatingin sa akin. Madali niyang pinindot ang maliit na bagay sa tabi ng mga braso niya at narinig doon ang boses ni Jessica.
“Take Avery Taylor out.”
Sa sobrang panggigigil ay hindi ko na inantay ang babae at malakas kong pinakalabog ang pintuan ng opisina niya. This si fucking frustrating.
Pababa ay mabilis kong hinarap si Jessica, nag-aalala ang mukha nito. Dali-dali akong lumapit sa maliit na teleponong naroon para matawagan ang teleponong nasa kwarto ng lalaking iyon.
“Umalis na ba?” bungad nito na mas lalo pang nagpabwisit sa akin.
“Hinding-hindi kita titigilan. Naririnig mo ba? I will win the AFA 2020. I will win you. ‘Wag na ‘wag mo ‘yang kakalimutan.” Marahas kong ibinaba ang telepono at tinungo na ang exit ng lugar na iyon ng deretso ang tingin sa daan.
Babalik ako. Babalik ako nang babalik at hindi kita titigilan, Cormac Carter.
BINABASA MO ANG
Reportedly Dating
RomanceSi Avery Taylor ay isang Television Reporter na labis na hinahangad ang taon-taong parangal. Ngayong taon, nahanap na nila ang sagot sa parangal at recognition na iyon. Simple lang ang gagawin, gumawa ng report tungkol sa buhay ng isang napakayamang...