“Who are you?”
Parang bombang bigla na lang iyong bumagsak sa harapan ko. Labis ang naging panginginig ng kamay na nasundan na ng pagragasa ng mga luha. Nakakatakot. Nakakapigil ng hininga.
“A-Anong sabi mo?” Pagkatapos ng ilang minuto ay nagawa kong magsalitang muli. Hindi ko napigilan ang tanong kahit pa takot akong malaman ang totoo.
Sabi ng doktor, mild lang naman ang nagawa ng aksidente sa ulo ng lalaki pero hindi pa rin nila masisiguro ang bagay na iyon hangga’t hindi pa nagigising si Cormac.
Natatakot ako. Paano kung siya naman ang hindi nakaaalala sa akin? Paano kung totoong nagkaroon nga ito ng amnesia? Hindi ko alam kung saan pa marahil magsisimula.
“S-Sandali. . .” wala na sa sarili kong gagad. “Tatawag lang ako ng doktor.”
Akmang maglalakad na sana ako palabas ng kwartong iyon nang maging marahas ang paghila sa akin ng lalaking nakahiga pa sa hospital bed. Hindi ko na halos namalayan ang nangyari, at hindi pa ako matatauhan nang maramdaman ako ang mainit na mga halik ng lalaki.
Naalala niya ako. Hindi totoong nagkaamnesia ito! Gusto kong magtatatalon sa tuwa.
Mabilis kong sinuklian ang mga halik na iyon. Mariin ko pang kinapitan ang pisngi ni Cormac na para bang iyon na lang ang naghahatid sa akin ng kasiyahan. The truth is, I really missed him. Hindi man kami nagkaroon ng mahabang pagkakataon para magkasama, walang makapagbibigay ng eksplenasyon kung gaano ko siya ka-miss.
I’ve been so rude to him. Lahat ng mga binitawan kong salita ngayon ay parang napakapait na pagkain ko ngayong linunok. I tried to push him away. Natatakot akong baka may mas masama pang mangyari kapag naging magkasama kaming muli. But I wasn’t happy with that. Not even a little, if Cormac’s not around.
Malaki ang naging pagngisi ng lalaki sa biglaan kong pagtugon. Sa isang mabilisang pangyayari, pareho na naming mga dila ang nag-uusap na animo’y nag-aaway—nagsasagutan. Ngayon, hindi ko na kailangang magkunwari. Hindi na ako magiging duwag, hindi ko na itatago ang kung ano pa mang naramdaman.
Ngayon, alam ko na kung bakit parating pinaaalala ni mommy na unahin ang sarili. That more than anyone, mas kailangan kong bigyan ng pagkakataon ang sarili ko para sumaya.
Bahagyang bumaba ang kamay ni Cormac sa dibdib ko, mayamaya’y pinagdiskitahang ibaba ang strap ng aking damit. Sa madaling sandali, para kaming nakagawa ng sariling mundo. Para akong nabingi, nabulag—walang ibang nasa isip kundi ang lalaking nasa harap. Tuluyang bumaba ang damit ko kasabay nang purong pag-iiba ng titig ng lalaki. His stares carry a huge bag of lust and desire.
“I. . . missed you,” bulong pa ni Cormac nang maghiwalay ang mga labi namin. Marahan ang naging paghaplos-haplos nito sa aking balikat at braso, nag-aantay, pilit na kinokontrol ang sarili sa kung man ang maaaring magawa.
“Why did you do that? Ang akala ko, hindi mo na ako naaalala–” Natigil ang pagsasalita kong iyon nang tuluyan kong naramdaman ang madiing pagpisil nito sa dibdib ko. Nakakapanghina, nakakawala sa sarili. Imbes na ituloy ang mga sinasabi, pinili kong kagatin ang mga labi para mapigilan ang malalakas na halinghing.Tumigil man sa paghalik, nagtuloy-tuloy ang nagliliyong mga hawak ni Cormac sa iba-ibang parte ng katawan ko.
“I’m sorry, Av.” This is just unfair! Ni hindi ko magawang magsalita dahil sa sobrang pagpipigil. Paniguradong kapag sinubukan kong ibuka ang bibig, nagtutuloy na ang pag-iingay ko sa kwartong iyon.
“Selfish man ang action kong iyon, I am just so desperate na mabigyang hustisya ang pagkamatay nila mommy. It was a tough decision to make. Kahit ako, I was left dumbfounded when we found out na. . .” Nag-aalangan ang mga matang tumigil ito sa pagsasalita. “I didn’t want to ruin our relationship. Ayaw kong mawala ka pa sa akin pero tinanggap ko ‘yun. For me, I just gave you time. Gusto kong mawala ang galit mo, gusto kong patawarin mo ako. Hindi ko alam kung gaano katagal pero, Av, mag-aantay ako. The following years will be as easy as the past years. Ang mahalaga sa akin ngayon, ‘yung nakikita kita.”
Natahimik ako sa mga salitang iyon. I tried to look at him flatly pero trinaydor na rin ako ng mga luha.
God knows how much grateful I am! Tinupad nito ang panalangin kong maging maayos si Cormac, masayang-masaya ako roon.
Having this conversation is just too much for me. Kakagaling pa lang ng lalaki yet pinipili nitong agad na ayusin ang gusot sa aming dalawa.
“C, we'll talk about this later, okay? Ngayon, kailangan ko munang tawagin ‘yung doctor. Kailangan niyang tingnan ang lagay mo–”
“Please. . .” seryosong sabi nito, binabalewala lang ang sinabi ko. “Don’t tell me to let you go. Don’t push me away. Hindi ako mangungulit, hindi ako mamimilit na bigyan mo ako ng chance. But please, just let me stay with you. I won’t promise you all good things pero I’ll stay, katulad nu’ng dati. I want to be with you, gusto kong manatili kahit pa biglang kaibigan–”
Mabilis kong sinalikop ang pisngi ni Cormac, pagkatapos ay marahas na iginiya sa mukha ko. I kissed him—hard. Hindi ko man magawang makapagsalita, gusto kong maramdaman nito sa mga halik kong iyon na gusto kong manatili siya. . . hindi lang bilang kaibigan.
“Don’t you dare say that,” I said in between our kisses.
“I love you. . .” sambit naman ni Cormac. Still, hindi pa rin ihinihiwalay ang mga labi sa akin.
Bahagya akong napangiti. Kinuha ko ang pagkakataong iyon para mas masuyong tumingin sa mga mata ng lalaki bago sumagot, “I love you too, Mac.”
Kaagad na nanlaki ang matang iyon ng lalaki. Halata ang pagkagulat pero hindi pa rin humihiwalay.
Nang makumpirmang totoo nga ang narinig ay mas lalong nasabik ang lalaki sa paghalik, pilit akong itinutulak, idinidiin sa katawan niya, niyayakap nang mas mahigpit.
Walang ibang salita ang lumabas sa mga bibig namin. Sa sitwasyong iyon, naging sapat na ang sabay na paggalaw ng mga labi at mga kamay patungo sa iba-ibang mga parte ng katawan.
“Avery–” Sa gulat at pagkataranta nang biglaang marinig ang malakas na pagkalabog ng pinto at ang boses ni Kuya Jac, tinulak ko ang lalaking kaharap. Malas ko na lang dahil nawala sa sarili kong siya itong malapit sa pader at mas malakas kaysa sa akin kaya naman ako iyong nahulog sa sahig.
Naipikit ko na lang ang kahihiyan habang natataranta pa ring inaayos ang damit na naibaba ni Cormac kanina.
Samantalang si Cormac ay parang batang bumalik sa pagkakahiga at magtalukbong pa ng kumot.
“Cormac Carter, baka mapatay talaga kita!” singhal pa ni Kuya Jac bago nagdire-diretso sa kamang hinihigaan ng lalaki, pinagbababato niya ito ng mga dalawang prutas na pilit iniiwasan ang ulo.
Noong una ay nag-alala pa ako, pero kinalaunan ay nakipagsabayan na ako sa dalawang lalaki sa pagtatawanan. I couldn’t be more happy today.
BINABASA MO ANG
Reportedly Dating
RomanceSi Avery Taylor ay isang Television Reporter na labis na hinahangad ang taon-taong parangal. Ngayong taon, nahanap na nila ang sagot sa parangal at recognition na iyon. Simple lang ang gagawin, gumawa ng report tungkol sa buhay ng isang napakayamang...